Chapter 2
Matapos nga naming mag-usap ni Aling Dory ay iginaya niya naman ako sa isang kwarto na magiging silid ko pansamantala. Napag-usapan na nga naming apelyido niya ang gagamitin ko sa pagpasok sa akademya ng kabilang kaharian. Pero ang kukupkop pa rin sa akin ay iyong relative niya. Baka sa susunod na mga araw ay tutungo na nga raw rito iyong relative niya para kunin ako.
Napangiti na lamang ako habang iniisip na sa wakas ay makakalabas na rin ako sa kahariang ito. Na sa wakas, ay makakamit ko na rin ang kalayaang matagal ko nang inaasam. Napabuga naman ako ng hangin nang mapasulyap ako sa salamin na nasa harap ko.
Kulay berdeng mga mata at kulay pula na tila ba kahel na mga buhok na parang kumikinang pa. Hindi pwedeng ganito ang magiging ayos ko sa pagpasok sa paaralan. Baka madali lang akong mahanap nina Ina. Pero saka ko na lamang iyon ang iisipin, basta ang importante ay nakalabas na ako sa palayso.
* - *
Kinabukasan ay nadatnan ko naman si Aling Dory sa kusina na nagluluto ng almusal. Kahit nasa loob pa nga lamang ako ng aking kwarto ay amoy na amoy ko na ang bango ng niluluto niya.
"Ano hong niluluto niyo Aling Dory?", tanong ko naman sa kanya kaya agad naman itong napalingon sa akin.
"Oh! Magandang umaga mahal na prinsesa.", napangiwi naman ako nang dahil sa sinabi niya. Tinawag niya pa rin akong mahal na prinsesa.
"Pancake lang ang niluluto ko, patapos na rin ako sa pagluluto, nagugutom na kayo mahal na prinsesa?", aniya kaya napakamot naman ako sa ulo ko saka siya nginitian ng bahagya.
"Chaos na lamang ho ang itawag niyo sa akin, h'wag na mahal na prinsesa Aling Dory.", sagot ko kaya napatawa naman ito saka napatango. Agad naman akong lumapit sa may mesa saka umupo roon.
"Gusto mo bang mamasyal ngayong araw, hija?", tanong ni Aling Dory habang nilalapag sa mesa ang pancake na niluluto niya at hindi ko naman mapigilang hindi mapapikit nang mas lalo kong maamoy ang pancake. Ang sarap.
"Ah mamasyal po? Baka may makakita sa akin.", sagot ko kaya napailing naman ito.
"Walang ni isang nakakita ng mukha ng prinsesa, hija kaya okay lang na mamasyal ka ngayon.", sambit niya naman kaya tahimik na lamang akong tumango saka nagsimulang kumain. Iniisip kung saan nga ba magandang mamasyal.
Pagkatapos nga naming kumain ay agad rin naman akong naligo at nagbihis. Nag-ayos na rin ako ng kaunti para magmukha akong presentable. Nagsuot lamang ako ng kulay puting bestida na aabot ang laylayan sa tuhod. Simple ang damit pero maganda naman siyang tingnan kaya nang makapagsuot na ako ng sandals ay agad na rin akong lumabas sa silid.
Agad rin naman akong napatigil nang may bumungad sa aking elf. Elves also exist in here, may mga fairies, gnomes and pixies rin. Pero hindi ko rin naman ini-expect na may makakasalamuha ako rito. May mga elves rin kasi sa palasyo pero sa kusina lang sila pwede, ayaw nina Ina na may makita silang paggala-gala. Napakurap-kurap pa ako habang nakatingin ito sa akin.
"Hija, si Elias nga pala. Sasamahan ka niya sa paglibot-libot mo sa pamilihan, para hindi ka na rin mawala.", sambit ni Aling Dory na may kung anong iniiwas sa mesa kaya napatango naman ako.
"Hello, Elias.", ani ko at nakita ko namang napalunok ito saka napanganga. Ba't ganyan ang reaksyon niya? Mukha ba akong nakakatakot?
"May problema ba?", tanong ko ulit at narinig ko namang napahalakhak si Aling Dory na siyang nakatingin na sa gawi namin.
"Ang ganda mo sa suot mo hija, marahil ay iyan ang rason kung bakit nagkakaganyan ang isang iyan. Elias! H'wag mo namang takutin si Chaos.", ani ni Aling Dory kaya napangiwi na lamang tuloy ako nang tila ba napatigalgal si Elias at napakurap-kurap.
"Ay pasensya na Chaos, ang ganda mo kasi.", turan naman nito kaya napatawa na lamang ako ng bahagya saka napatango.
"Okay lang, hindi pa ba natin sisimulan ang paglilibot?", tanong ko kaya napatango naman ito saka ako nginitian.
"Pero bago muna iyan, magsuot ka ng cloak hija, para hindi ka makilala o para hindi makita ng iba ang kabuuan mo.", ani ni Aling Dory habang itinuturo ang cloak na nakasabit sa dingding. Tumango naman ako saka ito sinuot.
* - *
Napanganga naman ako nang tinungo namin ang sentro ng pamilihan. Ang ganda! Ang dami-daming makukulay na bagay ang makikita mo! May mga batang nagsisilaro at marami rin ang mga taong namimili.
Napangiti pa ako nang may makita akong nagtitinda ng sweets. May cotton candy pa na iba-iba ang kulay. Hindi ko naman mapigilang hindi mapalapit dun saka matakam. Napalingon naman ako kay Elias na tahimik lang na nakatingin sa akin.
"Gusto mo?", tanong niya kaya nahihiya naman akong tumango kaya napatawa ito.
"Isa nga ho Ale.", aniya sa nagtitinda kaya napatingin ito sa amin bahagya pa itong napatitig sa akin bago tumango.
"Anong kulay hija?", tanong naman nito sa akin kaya napanguso na lamang ako saka itinuro iyong kulay rainbow na cotton candy. Nakita ko ring mas lalong lumaki ang pagkakangiti ni Elias.
"Dalawang pirasong gallon lamang ito hija.", sambit ng ginang at agad namang nagbigay ng bayad si Elias. Agad ko rin naman tinikman ang cotton candy at hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti nang matikman ko na nga ito. Ang sarap! Agad rin naman aking napamulat nang marinig kong napatawa si Elias.
"Ang cute mo Chaos.", sambit naman nito kaya napakamot na lamang ako sa ulo saka siya bahagyang nginitian. Nakakahiya.
"Ay, pasensya ka na. Ang sarap kasi.", sagot ko kaya napatango naman ito. Naglibot-libot pa kami nang biglang may narinig kaming ugong ng trumpeta. Agad naman akong napatigil nang makita ang mga royal carriages. Sina Ina!
"Bow down to your King and Queen!", anunsyo nung isang kawal na nasa may unahan. Bago pa man ako mahuli ay agad ko nang hinila si Elias patungo sa kung saan. Dali-dali pa akong nagsusuot-suot sa kung kaya hindi ko ring namalayan nabitawan ko na pala si Elias.
Nanlaki pa ang mata ko nang tila ba napunta ako sa isang kagubatan. Pero hindi ito iyong kagubatang dinaanan ko noong nakaraan. Napalingon-lingon pa ako para sana hagilapin si Elias. Pero hindi ko talaga siya mahanap.
"Elias?", sambit ko pero walang sumagot. Napakagat labi na lamang ako saka dahan-dahang umatras. Gagana naman siguro ang teleportation ability ko kung magteteleport na lang ako pabalik sa pamilihan ano?
Ilang hakbang pa ang ginawa ko nang bigla na lamang akong nanlamig nang may bigla na lamang may nakatutok na espada sa aking leeg. May lalaking nagmula sa sanga ng kahoy ang biglang bumaba. Napakurap-kurap pa ako habang nakatingin rito.
"Sino ka at bakit ka napadpad rito?", malamig na ani nito at mas lalo akong nanlamig nang may nagsilabasang mga kawal mula sa kung saan. Pinasadahan ko naman ng tingin ang lalaking nasa harap ko. At hindi ko naman mapigilang hindi mapanganga nang mapagtanto ko kung sino ito. Ang prinsipe ng kabilang kaharian. Pero paano naman ito napunta rito?
![](https://img.wattpad.com/cover/219703444-288-k366934.jpg)
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...