Chapter 12
Napakagat labi nalang tuloy ako saka napangiwi. Siya pa talaga ang makakatabi ko. Napabuga nalang tuloy ako ng hangin nang bigla nalang itong tumunghay saka ako tiningnan. Napakurap-kurap pa ako nang bigla itong magsalita.
"May problema ba?", tanong nito kaya agad naman akong umiling.
"Ha? Ah wala naman.", sagot ko at tumango naman ito saka bumalik sa pagkakadukdok sa arm chair niya. That's weird tho. Napailing nalang tuloy ako saka ipinagpatuloy ang pag-dodoodle. Makalipas nga ang ilang minuto ay dumating na rin ang professor namin.
Professor Geoffry.
* - *
"So listen up ev'ryone! I am really strict when it comes to discussion. Kaya kailangan niyong makinig once na magle-lecture ako. I love to do oral recitations so, you should listen to me. I am your prof so you should respect, but all in all I am good and friendly if you show me that you're good as well.", sambit nung prof namin kaya bahagya akong napapangiwi. He was saying that while glaring at us. He looks friendly raw pero mukha namang ilang galaw lang namin eh sasabog na siya.
"You, girl with an eye glasses, why are you frowning? Don't you like me as your prof?", napalunok naman ako nang itinuro nito ang babae sa likuran ko. Napatingin naman ako kay Travis na parang bagot na bagot na. Nakapahalumbaba pa nga ito habang si Vera ay kanina pa pilit na hindi ipinapakitang natatakot siya or something.
"Ha? A-ah, wala naman prof.", sagot nung kaklase ko at nakita ko namang mas lalong napataas ang kilay ni Prof. He's gay by the way.
"Really?", paninigurado naman nung prof namin at mukhang tumango lang iyong kaklase namin kaya bumalik na sa unahan si Prof hanggang sa magawi ang tingin nito kay Prince Travis.
"Travis Blainne Therondia.", tawag nito kay Travis kaya napalingon sa kanya si Travis, hindi ko alam pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa gagawin nung prof.
"Ganun ba ako ka-boring at pinaghahalumbabaan mo nalang ako?", tanong nito at nakita ko namang umiling naman si Travis.
"It's not like that Prof. I'm just waiting for you to start the lesson and all. You just keep on blabbering about things that weren't even related to history. Panay lang ang puna sa mga expression ng mga kaklase ko. I don't know na kasali pala iyon sa trabaho.", parang bored pa rin na sagot ni Travis kaya napanganga ako. May narinig pa akong nagsinghapan, may iilan ring muntikan ng matawa.
"W-what!? Are you questioning me how I do my work, Mr. Therondia?", gulat na tanong nung prof namin at umiling namin si Travis.
"No prof. I'm just stating what I have observed. And if you thought that I am questioning how you do your work, I'll apologize. I think you misunderstood my statement.", sagot ni Travis kaya mas lalo akong napanganga. Woah! Talagang gaganyanin lang ang prof namin? Like seriously?
Kunsabagay, kung iisipin, he's still higher than the Prof since he's a prince pero sa loob ng klase ay estudyante pa rin siya. Answering the professor just like that is a sign of disrespect. Napailing nalang tuloy ako at hinintay na sumagot ang prof namin pero huminga lang ito ng malalim saka umirap.
"Fine! Let's start the discussion. I think I have wasted minutes already for things that 'WEREN'T' related to history. My bad.", sambit nito habang sinusulyapan si Prince Travis kaya napangiwi ako.
* - *
Matapos ang mala-delubyong klase namin sa history ay halos lahat kami ay nakahinga ng maluwag. Oh gosh! Akala ko magiging simple lang at chill ang history subject pero hindi! Akala ko he'll just do some story telling pero no, instead he made us do an essay, a 1000-word essay about the history of our world. Mukhang pag-iinitan pa yata kami ng dahil kay Travis. He even said na mag-ooral recitation siya about sa nangyari sa era ni King Vaughn. Oh gosh! Nakaka-stress. May pabaon pa siyang 2500-word essay about sa relationship ng Therondia Kingdom sa iba pang kaharian.
"Seryoso ba siya dun? Baka hindi ako maka-survive ngayong school year nang dahil sa kanya.", napangiwi pa ako nang marinig ko ang sinabi ni Vera.
"Ako nga rin.", pagsasang-ayon ko sa kanya at napalingon naman ito kay Prince Travis.
"Pero ang galing dun ni Prince Travis ah. Di nagpapigil eh.", natatawang ani ni Vera kaya nailing ako.
"Of course he's a prince ano pa bang aasahan mo?", sagot ko kaya napanguso naman ito.
"Kunsabagay.", aniya kaya tumango nalang ako. Nagsilabasan naman kami sa classroom at tumungo sa mga locker namin. Nandun raw kasi ang mga P.E. uniforms namin. Saka ko pa nga nalaman nang sabihin iyon ni Vera. Kaya naman pala walang P.E. uniform sa ibinigay kahapon ng registrar kasi nasa locker na. May sapatos na rin doon, oo, uniform ang sapatos namin. Sponsored by the academy.
* - *
Saktong-sakto sa akin ang sapatos na inilaan para sa akin ng academy, well, mukhang sa lahat naman yata. Kulay navy blue ang P.E. namin. Short ang pangbaba saming mga babae habang jogging pants sa mga lalaki. Sayang, mas prefer ko pa ang jogging pants kaysa sa shorts. Agad naman kaming pumunta sa field since dun nga ang P.E. pero halos mapatigil nalang kaming lahat nang madatnan namin roon ang guardians.
"Good morning students. May errand na gagawin si Prof Trey kaya kami na muna ang magiging instructors niyo for today. If hindi niyo pa kami kilala, we were called 'Guardians'. So let's start?", ani ni Beverly saka kami sinulyapan ni Vera at kinindatan. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako na sila ang magiging instructors namin o hindi. Napasulyap naman ako kay Jave na tinaas baba lang ang kilay nang mapasulyap ako sa kanya. Mabuti nalang wala si Prince Zeus, sina Entice, Beverly, Jave, Calyx at Luke lang ang naririto.
"So as warm up, why won't you run 5 laps around the field? Ang mahuhuli may punishment! Now go!", nagulat naman kami nang magsalita ulit si Beverly kaya nung sinabi na niyang go ay agad na kumaripas ng takbo ang mga kaklase. Naman, mahina ako sa ganito.
* - *
Humihingal kaming lahat matapos naming takbuhin ang ang field ng limang beses. Sa sobrang lawak ng field akala ko magco-collapse na kaming dalawa ni Vera. Napasulyap naman ako sa isa kong katabi. Hind ko alam kung sadya ba or what, pero si Prince Travis na naman ang katabi ko. But let's not assume or something, baka natye-tyempuhan sa akin siya napapatabi.
"All of you must be physically fit! Sa limang laps lang hinihingal na kayo?", napangiwi naman kami dahil sa sinabi ni Calyx. Siya na naman ang nagsasalita ngayon.
"Move forward, iyong limang nahuli.", sambit naman nito at agad naman na humakbang ang limang mga babae tila maarte. Mukhang magka-kaibigan pa yata sila. Friendship goals. Napangiwi naman ako sa naisip ko.
"20 push ups! Now!", anunsyo ni Calyx kaya dali-daling sumunod ang mga ito. Napangiwi pa ako nang makitang mali-mali ang position nila. Nakita ko pang nailing si Calyx saka kami isa-isa tiningnan. Hindi ko alam pero napangiwi ako nang mapatigil ang tingin nito sa akin. Napalunok pa ako ng bigla itong ngumisi.
"You, with pretty green eyes, show them what's the right position for push up.", napapikit nalang ako ng mariin ng tawagin ako nito. Sinamaan ko pa ito ng tingin nang mas lalo itong ngumisi nang makita niya ang reaksyon ko. Mas lalo pa akong napasimangot nang marinig kong natawa si Jave. Napabuga naman ako ng hangin saka tumungo sa harap. Sinamaan ko pa uli ng tingin si Calyx saka pinosition ang sarili na parang magpu-push up.
"Show them how to do push up Miss." sambit pa ni Calyx kaya muntikan pa akong mapairap saka nagsimulang mag-push up. Mygosh! I hate history and P.E. na. Napahinga naman ako ng malalim at nag-push up ng limang beses saka tumayo.
"Good, ganun ang pagpu-push up ladies, now do it.", seryosong ani ni Calyx kaya bumalik na uli ako sa pwesto ko kanina at nakita ko pang napangiwi si Vera nang makita niya ang itsura ko.
"Smile Chaos, mukha pinapatay mo na si Calyx sa isipan mo. Smile.", bulong nito sa akin kaya mas lalo akong napasimangot. Bahagya pa akong napairap nang biglang kumulog kahit tirik na tirik ang araw.
"Now, I hate Mondays.", bulong ko sa sarili saka muling napairap. Pagkatapos ngang mag-push up nung mga babae ay muli na naman nila kaming pinatakbo palibot sa field. This time, 10 laps na. Mukhang balak yata nila kaming patayin sa pagod.
![](https://img.wattpad.com/cover/219703444-288-k366934.jpg)
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...