Chapter 33

2.6K 62 0
                                    

Chapter 33

Chaos’ POV

Makalipas ang iilang araw ay tuluyan na ring pinayagan si Jave na pumasok ulit. Kaya heto kami ngayong apat sa cafeteria para mag-almusal. Bakit apat? Dahil nakikisampid si Travis.

Halos hindi na ito umaalis sa tabi namin, nasisiyahan ata itong sumali sa friend group namin. Wala ang mga guardians dahil sa pagkakaalam ko ay may mission sila, kaya ilang araw ko na ring hindi nakikita si Prince Zeus. It's not like I want to see him though.

"Malapit na iyong ability examination niyo ah. Iilang araw nalang ata.", sambit naman ni Jave kaya napakunot noo ako.

"Talaga? Pero wala pang sinasabi sa amin.", sagot ko at nakita ko namang napanguso si Vera.

"Oh, baka pala surprise iyon tas nasabi ko sa inyo.", napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya. Napatingin naman ako kay Travis na tahimik lang sa tabi. Sinipa ko naman ang binti nito kaya napatingin ito sa akin.

"Problema mo?", tanong ko sa kanya at umiling naman ito.

"Wala, nasa mood ako maging cool guy.", sagot niya kaya napahagikik iyong dalawa kong kasama. Napatitig naman ako sa may leeg nito at pansing may pasa roon.

May naging kaaway pa nga ata ang isang ‘to. Pero imbes na maki-usyuso ay hinayaan ko nalang. Nakakatamad maki-chismis. Matapos naman naming kumain ay dumiretso rin naman kami sa room.

Hindi ko alam pero tila ba kinakabahan ang mga kaklase ko. Nagpalitan naman kami ng tingin ni Vera.

"Anong meron?", bulong niya sa akin kaya nagkibit balikat ako.

"Hindi ko alam, hindi mo nga alam kung anong nangyayari tas magtatanong ka sa akin.", sagot ko kaya napaismid ito.

Hindi ko alam pero nanatili lang na tahimik ang mga kaklase ko. Napapikit nalang tuloy ako nang mariin. Ayoko ng ganito.

"Anong meron?", malakas kong sabi kaya nagsipagtinginan silang lahat sa akin. Naghintay akong may sumagot sa akin pero wala man lang niisa sa kanila ang nagbukas ng bibig.

Magtatanong pa sana ako ulit nang hawakan ni Travis ang braso ko saka umiling kasabay nito ay ang pagbukas ng pinto. Si Prof Geoffry, pansin ko namang nakasuot ito ng kulay itim na damit.

What the hell is happening right now?

Hindi ko alam pero tila ba kinakabahan ako. Something's wrong with them!

"Miss Autumna, pinapatawag ka ng dean sa office niya.", napahinga naman ako nang malalim dahil sa sinabi niya. Tiningnan si Travis pero umiwas lang ito ng tingin. Tumayo naman ako saka nagpaalam, ramdam ko ring nagtataka si Vera pero hindi na ito nagsalita.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang binabaybay ko ang daan patungo sa office ng Dean. Hindi ko alam kung anong nangyayari, ni wala man lang akong napanaginipang kung ano.

Kumatok naman muna ako saka pinihit ang doorknob. Pagkapasok ko naman ay agad din naman niya akong sinalubong ng ngiti. Pero hindi lamang ito basta-bastang ngiti, may pahapyaw na kalungkutan doon.

"Chaos hija, maupo ka muna.", sabi niya kaya napatango naman ako saka umupo.

"Kailangan mong umuwi sa inyo hija.", sambit niya kaya nagulat naman ako. May nangyari ba sa kaharian?

"May nangyari po ba?", tanong ko at tumango naman ito.

"Ang ina mo Chaos.", panimula nito kaya napalunok naman ako.

"Ay inatake ng mga sorcerers, to be precise ang palasyo niyo ngunit ang ina mo lang ang napuruhan. At mukhang hindi na maayos ang kalagayan niya.", nanlamig naman ako sa narinig.

Kung may nangyari sa kanya? Bakit naman hindi nagpadala ng mensahe si Aling Dory?

Tumango naman ako saka tumayo. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon. Pero nakakapagtaka, bakit naman may nakapasok na sorcerers sa palasyo? Masyadong matibay ang barrier na nakapalibot doon.

"May naghihintay sa'yo sa may gate, ihahatid ka niya pauwi sa inyo. Isusunox nalang namin iyong gamit mo. You can take your time, Chaos. Kung nais mo mang bumalik dito ay tatanggapin ka pa rin namin.", aniya kaya tumango lang uli ako saka tumungo sa may pinto. Ni hindi na ako nakapagpaalam pa.

I was just in utterly shock at nang makalabas ako sa office ay kusa na lamang nanlambot ang tuhod ko. Napaluhod naman ako saka napahagulhol.

Hindi man siya naging mabuting ina sa akin, but I still do care for her. Halos nasa ganoong posisyon lang ako nang ilang minuto nang may maramdaman akong lumapit sa akin.

"I was wondering kung ba't ilang minuto na ang makalipas ay wala ka pa rin.", napatunghay naman at napalunok naman ako nang makita ko si Prince Zeus. Pinigilan ko naman ang sariling maiyak nang mag-squat ito para maging magka-level ang aming mga mukha.

"Do you want me to carry you?", marahan nitong sabi kaya umiling naman ako. Hinawakan niya naman ang pisngi ko saka pinahid ang mga luha ko. Inilagay sa tenga ang iilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha.

"You need to be strong, Chaos.", sambit niya kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi pa rin kasi ako natigil sa pag-iyak.

"Do you want me to hug you, hmm?", hindi ko alam pero mas lalo akong naiiyak dahil sa tono ng boses niya. Hindi man ako sumagot pero kusa itong lumapit sa akin at niyakap ako. Mas lalo naman akong napaiyak.

"Hush, magiging maayos din ang lahat.", pang-aalo nito sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay kumalas na ito. Muli nitong tinuyo ang pisngi ko. Tumayo na naman ako at sumunod naman ito.

"Don't worry, magp-portal tayo para mas mapadali ang uwi mo.", aniya kaya tumango naman ako.

"Si ama? Hindi ba siya nasaktan?", tanong ko sa kanya at umiling naman ito.

"Hindi sila magkasama nang umatake ang mga sorcerers sa palasyo niyo, sa pagkakaalam ko'y umalis ito sa palasyo dahil sa may inayos ito sa may bayan.", sagot niya kaya napatango naman ako.

Hinawakan niya naman ang kamay ko saka hinila papunta sa garden. Nagbukas naman ito ng portal at agad naman kaming pumasok. Makalipas ang ilang segundo ay nakarating na kami sa kaharian namin.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Mga bobo! Ilang taon niyo na bang sinusubukang kunin ang Chaos na iyon! Pero ni isa sa inyo eh wala man lang nagawa! Mga inutil!"

Nagsiyukuan naman ang lahat matapos umalingawngaw ang boses ng kanilang amo.

"Ayusin niyo na ang pagp-plano at dalhin niyo sa akin ang babaeng ngayon.", anunsyo nito at nagsipagtanguan naman ang mga tauhan nito.

"Nasaan na ba si Theo? Mukhang nasisiyahan na rin atang magliwaliw iyon. Sabihin niyo ay kumilos na rin siya.", dagdag na sabi pa nito.

Naglakad naman ito papunta sa isa sa mga silid. Pagbukas ng pinto ay nakahiga roon ang isang babae. Nagmumukha na itong walang buhay pero mapapansin mo ang mabilis nitong paghinga. Hinawakan naman nito ang kamay ng babae saka marahan itong hinaplos.

"Chiara mahal, kailan ka ba magigising?", sambit nito saka napabuntong-hininga. Nauubusan na ito ng oras, at kapag hindi pa ito mabigyang lunas ay baka tuluyan na itong makitlan ng buhay.

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon