[A/N: Short lang talaga ‘to, shshshshsjj. Baka maguluhan kayo after niyong basahin ‘to so you could just feel free to comment your questions and I’ll just answer it nalang. The following chapters may be full of revelations and such na. Ror. Lovelots! Pasensya na if may grammatical and typographical errors ito. Please bear with it po muna, thank youuu!]
Dedicated to Robbie_Hernandez, nagana na utak ko ror.
Chapter 29
Chaosiah's POV
Kanina pa panay sulyap sa akin si Prince Travis. Napaghahalataan na ata akong may hindi sinasabi. Napalunok na lamang tuloy ako habang iniisip at tinitimbang kung dapat ko bang sabihin sa kanya o hindi. But he should know right? He's a prince after all.
"Hoy Chaos, okay ka lang?", napatigil naman ako saka napalingon kay Vera. Napakurap-kurap pa ako saka sumagot.
"Ako? Oo ah, okay lang. Bakit?", sagot ko sa kanya at napanguso naman ito.
"Bigla ka nalang tumulala diyan, panay pa buntong hininga. May iniisip ka ba? May problema?", aniya pa kaya agaran din naman akong umiling.
"Wala naman, iniisip ko lang ang sitwasyon ni Jave.", sagot ko kaya kaya napatango ito sa akin. Sinulyapan ko naman si Travis at kita ko namang nakatitig ito sa akin.
'May hindi ka sinasabi ss akin Chaos.', aniya sa aking isipan kaya inilingan ko naman siya.
'Lahat ba dapat ay sasabihin ko sa'yo?', tanong ko pa sa kanya at nakita ko namang nagsalubong ang kilay nito. Tinitigan pa ako nito sa mga mata na tila ba'y gusto nitong basahin ang kung anong iniisip ko.
Matapos rin naman naming kumain ay plano pa sana nilang pumuntang pamilihan pero hindi na natuloy dahil sa andito raw ang magulang ni Jave at gustong kausapin si Vera. Nauna na tuloy ito at naiwan kaming dalawa ni Travis na magkasama.
"Wala ka talagang balak sabihin?", ani ni Prince Travis kaya lumingon ako rito. Pinakatitigan ang mga mata, mukha naman siyang mapagkakatiwalaan but still. Napabuntong hininga na lamang tuloy ako saka nagsalita.
"Kapag ba sinabi ko ang mga alam ko, will you answer my questions? May gusto rin akong itanong sa’yo.", sagot ko kaya napatitig rin ito sa akin, iniisip ata kung ano ang dapat niyang maging desisyon. Napatingin naman ako sa kamay nito nang hawakan na lamang nito ang braso ko.
"Fine, we’ll exchange. But for now, mas mabuting sa dorm nalang tayo mag-usap para masigurong walang makakarinig sa pag-uusapan natin.", tumango naman ako at sa isang iglap ay nasa dorm na nila kami. Malinis pa rin ito at talagang namamangha pa rin ako sa iilang muwebles rito.
"Should I get you something? Or simulan na na‘tin ‘to?", aniya kaya napailing ako.
"Atat Prince Travis?", sagot ko naman kaya napaismid ito.
"Travis Chaos, just Travis. Tayo-tayo nalang rin naman ang andito. I’ll just make you some tea, nakakahiya naman para sa’yo mahal na prinsesa.", sambit niya kaya pasimple ko siyang sinipa sa binti that made him glare at me.
"Ikaw na nga ‘tong pagsisilbihan eh.", rinig ko pang bulong nito kaya hindi ko mapigilan ang sariling hindi mapairap. Sa iilang araw na pagkakakilala sa kanya, isa lang ang napagtanto ko.
He may look rude outside, pero sa totoo lang ay mabait ito. He’s soft and quite thoughtful. Gentleman pa nga ito. Habang si Prince Zeus naman ay iyong tipong seryoso lang. I bet hindi pa nakikita ng ibang tumawa ito.
Makalipas rin ang iilang minuto ay bumalik na rin sa may sala si Travis. Akala ko ay tea talaga ang ihahain nito pero hindi. Juice at may brownies sa tray na dala-dala nito.
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasiNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...