Chapter 43
CHAOS's POV
Dinala naman ako ni Miss Aina dun sa loob nung parang may barrier sa may field. Kumuha rin ito ng dalawang upuan at pinagharap ito.
"Take a seat, Chaos.", aniya kaya tumango naman ako saka umupo.
"Your biggest problem right now wasn't actually the sorcerers. It was your emotions, Chaos.", sambit niya kaya napalunok ako.
"When you're fighting the two princes during the examination, your full potential has awakened. Pero sa tingin ko ay may iba pang nangyari. That is why I want to talk to you right now.", napahinga naman ako ng malalim dahil sa sinabi nito.
"I'm gonna see if someone casted a spell on you or it's just your emotions that makes you flare up.", dagdag niya pa at inilabas nito ang parang wand niya. So she's a sorcerer.
She started chanting some words na hindi ko alam at nagsimula naman akong lumutang. I suddenly felt lightheaded. I almost fell asleep mabuti na nga lang ay natapos din ito. She looked at me weirdly.
"May problema po ba, miss?", tanong ko sa kanya at umiling naman siya ito.
"Someone has been following you.", aniya kaya napatitig ako sa kanya.
"Ang daming gustong makuha ka, Chaos.", dagdag niya pa kaya napahinga ako ng malalim.
"And that's one of the reasons kung bakit masyadong malakas ang hatak ng emosyon mo sa iyong enerhiya. It's unstable right now dahil alam nitong maraming gustong mapasakanila ito. There's this external urge around you na gustong pakawalan ang kapangyarihan mo kaya hindi ito napapakali sa iyong kaloob-looban.", explain niya sa akin pero hindi ko ito maintindihan ng gaano.
Hinawakan naman nito ang kamay ko saka muling nag-chant, I think she's casting some sort of a spell at me. Napatingin naman ako kay Sir Yaske nang pumasok ito sa loob.
"Yaske will try to manipulate your mind so subukan mong h'wag labanan ito. Just let it be para malaman natin kung paano magr-react ang kapangyarihan mo if something will trigger you.", ani ni Miss Aina saka ito umatras.
Bigla namang parang nawala ang lahat-lahat sa paligid ko. And the scenery changes, nasa Velarys ako. Okay, now it is starting. Nakita ko naman sa di kalayuan si Serenity at si Ina. Naglakad naman ako papalapit sa kanila. Pero agad din akong napalingon sa may likuran nang may marinig akong umungol. May isang dambuhalang ogre ang papunta sa kanila.
"Ina! Serenity!", sambit ko saka sinubukang magpakawala ng vines nang hindi lumabas ang kapangyarihan. Is this part of the manipulation?
"Noooo!", sigaw ko nang tuluyan nitong makuha si Serenity at unti-unti na nitong inilalapit sa nakabukas nitong bunganga ang kapatid ko.
"Serenity!", sigaw ko pero agad din akong napahinga ng malalim nang pagkurap ko ay nakabalik na ako sa field. The ground is shaking, iyong barrier na gawa nila ay tila nagsisimula ng magka-crack habang ako naman ay nag-iinit.
"I'm sorry about that.", nakangiwing sabi ko dahil parang kahit sina Sir Yaske at Miss Aina ay hindi makapaniwala sa nangyari.
"You really should try to keep your emotions at level, Chaos. Or else, baka sa susunod na hindi mo makontrol ang sarili ay buong akademya na ang masisira mo.", sambit ni Sir Yaske saka umalis.
Napalingon naman ako sa kapaligiran at napatakip naman ako sa bibig nang makitang sira na pala ang lahat ng barrier na nasa field. May cracks na rin ang lupa habang iyong kalapit na mga puno ay nagsipagtumbahan na. Lumingon naman ako kina Vera at mukhang kahit sila ay gulat na gulat din.
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...
