Chapter 38
Chaos’ POV
Hindi ko alam pero tila ba nakaramdam ako ng pagod matapos naming kumain. Kakagaling lang naming tatlo sa cafeteria at andito kami ngayon sa may garden. Nilingon ko naman sila at napapikit naman ako nang makaramdam ako ng hilo. Napalunok nalang tuloy ako saka dinama ang paligid.
Walang mali, wala rin naman akong maramdamang kakaiba. Kaya ano naman itong nararamdaman ko? Pagmulat ko naman ay mas lalong grumabe ang hilo ko. Napahawak naman ako kay Vera kaya napatingin ito sa akin.
"Chaos? May problema ba?", tanong nito sa akin pero hindi ako makasagot. Tila ba nang-iinit ang buong katawan ko.
"Chaos? Aray.", rinig ko pang sabi nito kaya binitawan ko ito.
Mukhang ang init na ata ng katawan ko. Huminga naman ako ng malalim saka sinubukang pakalmahin ang sarili. Tumayo naman ako saka sinubukang balasehin ang katawan nang muntikan na akong matumba. Mabuti nalang at may humawak sa akin. Napalingon naman ako dito at nakita ko namang si Prince Zeus pala ito.
"Anong problema?", rinig kong bulong nito at umiling naman ako. Tila ba bigla nalang akong hindi makahinga. Napahawak naman ako sa dibdib ko.
"Chaos! Chaos!", tila ba natataranta na ang mga ito. Narinig ko na rin ang boses ni Prince Travis. Hindi ko alam pero parang may humihila sa akin patungo sa kung saan.
Agad naman akong napamulat nang tila ba bigla nalang gumaan ang pakiramdam ko. Pero wala na ako sa garden, nasa parang isang madilim na kwarto. Nasaan ako?
"Chaos.", napakunot noo naman ako nang may marinig akong magsalita pero wala akong makitang kung ano.
"Sino ka?", tanong ko dito pero natigilan din naman ako nang tila ba mapagtanto ko kung gaano ka pamilyar sa akin ang boses na ito.
"Chaos.", nanlaki naman ang mga mata ko saka inilibot ang paningin.
"Serenity! Ikaw ba iyan?", naiiyak na sagot ko.
"Hindi lahat ng nakikita mo'y totoo, Chaos.", sabi nito kaya napalunok ako. Napaiyak naman ako lalo. Parang ang lapit-lapit lang nito sa akin pero hindi ko siya makita.
"Serenity, anong ibig mong sabihin?", bulong ko sa hangin.
"H'wag mong hayaang gamitin ka nila, h'wag kang magpalinlang. Buksan mo ang iyong mga mata, at makikita mo lahat.", aniya kaya hindi ko naman mapigilang hindi magtaka. Hindi ko siya maintindihan. May iba pa bang kalaban?
"Mag-ingat ka.", bulong nito at naramdaman ko namang tila ba may dumamping malamig na hangin sa katawan ko.
"Serenity!", sigaw ko pero pagmulat ko naman ay bumalik na ako sa garden. Napatitig naman ako sa kanila isa-isa. Nakatingin ang mga ito sa akin nang puno ng pag-alala. Napalunok naman ako nang maalala ko ang sinabi ni Serenity.
"Ayos ka lang ba? Anong nangyari?", bungad sa akin ni Travis kaya sinubukan ko namang umupo.
"Ayos lang ako, wala lang iyon.", sagot ko nalang pero halatang hindi sila kumbinsido.
"Sure ka? Ang init mo kanina halos hindi ka na nga namin mahawakan.", sabi ni Vera kaya napalunok ako.
"Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari, basta bigla nalang akong nahilo.", sagot ko naman kaya nagsipagtanguan na lamang ang mga ito.
"Gusto mo bang pumunta muna sa clinic? Ability Examination bukas Chaos, baka mapano ka.", sambit ni Jave kaya napailing naman ako.
"Ayos lang naman ako, hayaan nalang natin.", sagot ko sa kanya. Napatingin naman ako kay Prince Zeus na tila ba hindi kumbinsido sa mga sinasabi ko. Umiwas naman ako ng tingin saka napatingin kay Prince Travis. Napakunot noo naman ako nang makitang tila ba malalim ang iniisip nito. Hindi ko tuloy alam pero parang lahat ata sila kakaiba ang kilos.
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasíaNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...
