Chapter 42

2.4K 50 1
                                    

Chapter 42

CHAOS' POV

Maaga kaming ipinatawag sa may Dean's office. Naging maayos na rin naman ang lagay nina Zeus kaya nakakagalaw na rin sila kung papaano. I still don't know kung anong plano nila but I am hoping that everything will work out.

"Magiging maayos din ang lahat.", sabi ni Jave nang makita nitong panay ako buntong hininga.

"Alam ko, nandiyan naman kayo. I'm pretty sure everything will be fine.", sagot ko sa kanya kaya napatango-tango ito.

Pagkarating namin sa Dean's office ay nasa loob na si Dean at may tatlo pang mga taga-Therondia ang naroroon. Pare-parehas na may mga suot itong badges sa may kanang dibdib nila.

"What are they?", bulong ko kay Vera.

"Kasali sila sa army ng Therondia.", sagot nito kaya napatango-tango nalang ako.

"Good morning, students!", masiglang bati sa amin ng Dean kaya binati rin namin ito pabalik. Pinaupo naman niya muna kami at hindi ko maiwasang hindi maaasiwa because they actually look so deadly.

"Let me introduce to you your trainers for 3 days. Yes, we need you to train more bago kayo pumunta sa Velarys. They're also gonna teach you some ways para malabanan niyo ang sumpang maaaring ibigay sa inyo ng mga sorcerers.", anunsyo ng Dean kaya napatango nalang kami.

"This is Sir Riade, he's the one who's responsible for your physical training.", pakilala ng dean sa amin sa lalaking nasa gitna nung tatlo. Siya rin ang pinaka-bulky sa kanila. Sa tingin ko nga ay kung tatayo ito ay sobrang tangkad nito.

"And this is Sir Yaske, he's the one who's responsible for your ability mastery. Tutulungan niya kayong i-control ng maayos ang mga abilidad niyo and he can also teach new ways on how can you use your abilities. He has memorized each moves like possible attack and defense moves that one can do using their abilities.", napanganga naman ako dahil sa sinabi ng Dean. How can he know everything? I mean, maybe he has the ability of mind manipulation? Tapos kaya niyang i-memorize lahat? Because that actually sounds impossible!

"Last but not the least, we have Miss Aina. She's the one who's going to help you for you to control your emotions. Siya rin ang magtuturo sa inyo kung paano io-overturn ang mga bagay-bagay once na makasalamuha kayo ng sorcerers.", pakilala ng dean sa babaeng nakaupo sa may kaliwa. She smiled at us pero hindi iyong welcoming na ngiti. It was if she's threatening us.

"They're currently the top 3 of the Therondian Army. And sila ring tatlo ang sasama sa inyo sa pagpunta niyo sa Velarys.", napatango-tango naman kami sa sinabi ng Dean. I badly want to go to Velarys pero hindi ko maiwasang kabahan sa mga susunod na mangyayari.

"This is gonna be hell.", bulong sa akin ni Vera. And that's what I'm also thinking. This is gonna be hell.

- - - - - - - - - -

"Feeling ko konti nalang ay magc-collapsed na iyong katawan ko! Akala ko nung una ay malala na iyong pinapagawa sa atin nila dati pero mas malala pa ito.", lahat kami ay hingal na hingal pagkatapos ng training namin with Sir Riade.

"Isang oras lang iyong break, hindi ba?", tanong ni Jave kaya tumango naman kaming dalawa ni Vera. Napatingin naman ako sa ibang guardians at nakitang kahit sila ay hirap na hirap din. All of us are breathing heavily except for the 2 princes.

"Sanay na iyan silang dalawa sa ganito. Kahit dati pa man ay ganito na ang training nila kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit hindi sila hirap.", sambit ni Calyx kaya napatango naman ako.

"Kain na muna tayo?", aya ni Entice kaya nagpalitan kami ng tingin.

"Guardians!", napatayo naman kami nang marinig naming tinawag kami ni Sir Riade.

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon