Chapter 22

5.3K 143 3
                                        

Chapter 22

Ilang araw na ang makalipas at palagi nalang kaming tumatambay ni Vera sa clinic kapag wala kaming ginagawa o hindi kaya ay walang class. Hindi ko pa rin nakakausap ang Guardians regarding Jave.

Bumisita na rin ang parents ni Jave rito, and I see that they're also worried for him. Ililipat na nga sana si Jave sa isang hospital but the Dean said na mas mabuting dito nalang muna siya kasi baka magkaroon pa ng rumor. Iniisip ko ring i-contact si Aling Dory about Jave's condition. Baka kasi may ikatutulong siya. Kasi kung tama nga ang hinala ko na isang sorcerer ang nagbigay ng sumpa kay Jave, isang sorcerer lang rin ang makakapagpapawalang bisa nito.

Medyo nagwo-worry na ako kasi nangangayayat na siya. Pati nga rin si Vera dahil sa pag-aalala sa pinsan niya. Masyado silang close that's why I understand Vera, kaya nga palagi ko siyang pinaalalahanan na magiging ayos rin ang lahat. Na gagaling rin si Jave.

"Aren't you planning to eat, you two?", agad naman kaming napatigil nang may marinig kaming nagsalita. It's Prince Travis. Nakita ko pang napakurap-kurap si Vera saka napaawang ang mga labi habang nakatitig kay Travis.

"I can't bring you food in here, so let's go to cafeteria. I'll treat you.", sambit niya pa kaya mas lalong napanganga si Vera habang ako naman ay napatigil na talaga. Woah! What is he doing?  I mean, bakit?

"Ha? Are you sure? And why are you talking to us? Are we closed?", sagot ko naman kaya napahalakhak ito.

"Nope, but I am concerned. You've been doing these for the past few days. And I think, it would be okay if I'll ask you two out? Besides we're classmates.", turan niya pa kaa hindi ko mapigilang hindi mapataas ang kilay. What is he planning to do? Nakita ko namang tumayo si Vera saka ako hinigit papuntang pintuan.

"Sure, kakain na kami. Treat mo huh?", sambit ni Vera saka nagpatiuna sa paglakad, leaving us two, alone.

"May pinaplano ka ba?", tanong ko at umiling naman siya.

"I'm trying to be nice here, Chaos. You're accusing me, that's so bad of you.", aniya kaya napaismid ako saka nagsimulang maglakad. Sinabayan niya naman ako kaya hindi ko mapigilang hind mapaismid.

"I'm not accusing, I'm just being careful.", sagot ko saka bahagyang lumayo sa kanya nang makitang nagbubulungan na ang ibang estudyante habang sinusulyapan kami.

"Oh gosh. This will make them assume things.", bulong ko sa sarili habang nakatungong naglalakad nang bigla na lamang may humigit sa akin kaya agad naman akong napatunghay rito at napatitig kay Prince Travis.

"You looked dumb. Stop over thinking.", aniya kaya napabuga na lamang ako ng hangin saka siya hinayaan. Yeah, maybe I would. I think that would be better. Hindi ko alam, pero mas lalong grumabe ang tinginan sa aming dalawa pagdating namin sa cafeteria. Napapikit na lamang tuloy ako ng mariin saka nagpuntang counter. Nag-oorder na pala si Vera ng para sa kanya.

"Ahm, just one fried chicken meal. With one box of orange juice.",  sambit ko sa tindera.

"Dagdagan mo rin ng dalawang slice ng mango graham cake.", rinig kong sambit ni Travis sa may likuran ko.

"Is that for you?", tanong ko at umiling naman siya.

"No, it's for you.", sagot niya kaya napanganga naman ako ng bahagya samantalang si Vera ay napangisi. Aasarin talaga ako nito.

"Fine, whatever.", sambit ko na lamang at agad rin naman nitong sinabi ni Travis ang order niya at nagbayad. Nang ibigay na ang order namin ay nagulat nalang ako nang nasa isang supot ang kay Vera.

"Wait, hindi ka kakain rito?", umiling naman siya saka ako kinindatan.

"Nope, instincts! Yahoo! My ship is sailing.", bulong niya pa sa akin saka nagpaalam kay Travis na sa dorm siya kakain. And for the second time, she left us two, alone. Napapikit na lamang tuloy ako ng mariin saka bahagyang nginitian si Travis. This would be awkward. Oh bloody hell.

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon