[A/N: Hinga muna kayo ng malalim tapos i-ready niyo mga utak niyo. Baka maguluhan kayo sa mga malalaman niyo eh HAHAHAHAHA.]
CHAPTER 48
CHAOS' POV
Panay pa rin naming nilalabanan ang mga ogres at ang mas nakakainis pa ay bigla nalang lumitaw itong mga malilit na goblin na parang hindi rin maubos-ubos! How can we move freely kung panay sila lapit nang lapit? Nagtawag na nga rin si Commander Goncillo ng ilan pa nilang tauhan pero hindi pa rin nauubos ang mga ito.
Napalingon naman ako sa may kanan nang may maramdaman akong paparating. Andito na si Ronan. Kusang tumigil sa paggalaw ang mga creatures nang lumitaw mula sa kung saan ang iilang sorcerers. Kasunod nila ay si Ronan na siyang nakatingin sa akin ng diretso.
Hindi ko naman napigilan ang sarili at kusang nagsipaglabasan ang mga vines ko na siyang pinagapang ko mula sa ilalim ng lupa. I even made it full of thorns para kung sakaling mang may matamaan ay paniguradong mapupuruhan. Hindi naman si Ronan kaagad ang pinuntirya ko.
Una kong pinagbabaon sa lupa iyong dalawang sorcerers sa likuran niya kaya tila ba nabahala ang mga kasamahan niya. They were about to strike us with their spells and such nang itaas ni Ronan ang kamay niya.
"It's been a while, Chaos.", aniya kaya hindi ko naman mapigilang hindi mapatiim bag-ang. Alam kong makapangyarihan siya pero nakakainis din talaga isipin na masyado itong kalmado. Ni kahit katiting na kaba ay hindi mo ito makikitaan.
"It's nice to see you here. Akala ko ay ipapapunta niyo pa ako sa palasyo para lang magkita tayong dalawa.", aniya kaya napahinga nalang ako ng malalim.
We just stood there, naghihintay sa kung anong magiging hakbang nila. Hindi ko alam pero tila ba parang hindi ito nandito pata sakupin ang kaharian. Ang konti nga lang din ng kasa-kasama niya, ang tanong ko nga lang ay kung bakit ikinababahala ito ng iba? Is it because of him?
"We don't want anything from the Therondia. Ikaw lang naman ang kailangan ko. We can end this here, just as it is kung sasama ka ng tatahimik sa amin.", sabi niya kaya napatawa naman ako.
"At ano? Magpapagamit ako sa'yo? Sa tingin mo ba talaga ay sasama ako sa'yo? Matapos ng ginawa mo sa akin noon? Kay Serenity? Ang kapal mo naman kung sakaling inaakala mong magiging madali lang sa'yo ang lahat.", iwinasiwas naman nito ang wand niya pero napigilan ko naman ang atake nito. Hindi ko alam pero parang nandito lang ito para makipaglaro.
"I just need you to do something. And I also need to tell you a few things. To enlighten you kung anong klaseng pamilya nga ba ang meron ka.", sambit niya kaya napatitig ako dito. And why would he know things about my family?
"And for the record, wala akong ginawa kay Serenity. Oo, sinubukan ko kayong dukutin dati pero iyon lang naman. You may thought that I killed her, but I didn't.", napatitig naman ako sa kanya dahil sa sinabi nito. What does he mean by that?
"Well, I won't deny na nasaktan ko siya pero hindi ko siya pinatay—", pinutol ko naman ang pagsasalita nito.
"So, are you saying that she's alive?", sambit ko sa kanya kaya napailing naman ito.
"No, she's not alive.", sagot niya naman kaya dumagundong ang kalangitan.
"But I didn't kill her! Will you please just listen to me first?", aniya kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Talaga bang maniniwala tayo sa sasabihin ng isang iyan?", rinig kong bulong ni Vera.
"Let's listen first, hindi pwede tayong magpadalos-dalos. This is much better than fighting him.", sagot ni Colonel Haizo kaya hindi ko naman mapigilang hindi mapairap. Now, this makes me feel annoyed.
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasíaNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...