Chapter 18
Hindi ko naman hindi mapigilang alalahanin ang sinabi ni Jave kanina. Pati na rin ang kwento ni Vera. Magkaibigan pala silang dalawa, then naging ganun napang bigla? Napabuga nalang tuloy ako ng hangin saka napasimangot nang maalalang enhancing of abilities nga ang subject namin bukas. Ano ba dapat kong gawin? Nahinga nalang tuloy ako ng malalim saka nagpalabas ng itim na apoy sa kabilang kamay, habang sa kabila ay puti. Tinitigan ang lampshade na nasa may side table ko saka ito sinira gamit ang isipan ko. Nasira nga ito kaya muli ko naman itong binalik sa dati.
I can destroy, I can create as well. I can do both. Nagpalabas naman ako ng bolang gawa sa iba't iba elements saka ito pinalutang sa hangin. Pero walang nakakaalam nun, except for Aling Dory. I can't help but get curious kung bakit ako ganito. Kung bakit may abilidad ako eh wala namang ability ang mga magulang ko.
Napabuga nalang tuloy ako ng hangin saka humilata sa kama ko. I was branded by my own mother as a curse. Sa tingin niya ay sumpa ako. That's what she have been telling magmula nang mamatay si Serenity. Serenity has always been their fave, habang ako naman ang parang black sheep. She's bubbly amd jolly, while I'm not. Masyado kaming opposite but despite all of that, magkasundo kami. We love each other, iyong tipong parang hindi kami magkakahiwalay. But in the end, ako lang rin ang naging rason kung bakit siya namatay. It was all my fault. It was because of my freaking abilities. Papatulog na sana ako nang may marinig akong parang tahol ng isang aso. Or should I say puppy, ang kyut kasi ng tahol. Kaya agad rin naman akong napabangon saka inilibot ang paningin. Laking gulat ko nalang nang makita ko iyong tuta! Paanong napunta siya rito?
"Arf! Arf! Arf!", tahol pa muli nito saka dahan-dahang winawagayway ang buntot niya. Napakagat labi nalang tuloy ako saka ito kinuha at kinarga. Pero muli na lamang uli akong nagulat nang bigla itong lumiwanag, and in just a snap. Hindi na siya tuta! Si Elias na siya! Holy mackerel!
"Elias!?", gulat kong sambit at napakamot naman ito sa ulo niya saka nakangiwing napangiti.
"Hi, Chaos.", sagot niya kaya napanganga na lamang ako. What the hell is happening?
* - *
"Pinadala ako ni Aling Dory. Mukhang tama nga ang hinala naming sinusundan ka ng mga magical spirits. Hindi mo ba napapansin?", umiling naman ako.
"Pagdating mo sa tailoring shop ni Aling Dory, agad niyang napansin may iilang magical spirts ang nakasunod sa'yo. Kaya agad rin siyang gumawa ng potion para lumayo ito sa'yo na siyang inilagay niya sa pagkain mo. Pero ang epekto ng potion ay hindi gaanong magtatagal, just a few weeks kaya naghanap na muna si Aling Dory ng pwedeng gawing solusyon.", aniya kaya napakunot noo ako.
"What's with the magical spirits tho?", tanong ko at nakita ko namang napabuga ako ng hangin.
"Dahil sa sobrang nakaka-attract ang aura mo, ay lalapitan ka nila and they'll start to drain your energy and power. Ganun ang ginagawa ng mga magical spirits.", sagot niya kaya napatango naman ako.
"Pero wait, ikaw iyong toro hindi ba?", tanong ko at napakamot naman ito sa ulo niya saka tumango.
"Mukhang nagkaroon ng problema sa paggawa ng portal kaya nagtransform ako sa ganun. Pero ang hindi ko inaasahan ay nung hawakan mo ko ay naging tuta ako. Akala ko ay magiging elf ako, pero naging tuta pala.", turan niya naman kaya napangiwi ako.
"Pero ba't ka ba nagpunta rito? May kailangan ka ba?", tanong ko at tumango naman siya.
"Here, pinapabigay ni Aling Dory.", sambit niya saka ibinigay ang isang bracelet na may iilang ruby stones.
"Para layuan ka ng tuluyan ng magical spirits. Saka may sasabihin rin ako sa'yo tungkol dun sa anklet mo.", dagdag niya kaya agad rin akong napatigil. Ang anklet ko.
"Mukhang wala na sa kagubatan. Nakwento sa akin ng mga elves dun na nakasalamuha mo ang isang prinsipe. Sabi ng isa sa kanila ay napulot raw ito nung prinsipe. Iyon nga lang hindi rin sila sigurado kung sino sa dalawang prinsipe iyon.", sabi niya naman kaya napabuga nalang ako ng hangin. Ang anklet ko. Nginitian ko nalang si Elias saka tinanguan.
"Talaga? Pabayaan nalang muna natin. Saka thank you nalang rin pala. Masyado na talaga akong nakakaabala sa'yo.", sagot ko naman at umiling naman ito.
"Ano ka ba Chaos, okay lang. Oh siya, babalik na ako kina Aling Dory, baka hahanapin ako ng mga prinsipe, tumakas lang ako dun sa pinagbantay nila.", sambit niya naman kaya napatawa ako.
"Sige Elias, pakisabi kay Aling Dory na thank you.", sagot ko na siyang tinanguan niya lang.
"Ingat ka, baka saan ka pa mapunta.", sabi ko pa kaya natawa nalang ito saka ako sinaluduhan. Napailing nalang tuloy ako saka napatingin sa bracelet at isinuot ito.
* - *
Kinabukasan nga ay maaga kaming nagising ni Vera. Ang aga rin kasing mangbulabog ni Jave. Tulog na kami, pero panay na ang katok niya sa dorm namin. Himala nga at good mood siya. Nakatulog siguro ng maayos.
"Hakdog ka Jave! Ang agad pa eh!", reklamo ni Vera nang bumangon na nga ito. Ako kasi ang unang naligo sa aming dalawa.
"Che! Dali na kasi kayo! Gutom na ako!", sagot lang ni Jave kaya nailing nalang ako.
"Hindi ba Enhancing of Abilities subject niyo ngayon?", tanong ni Jave at tumango naman ako since pumasok na nga sa banyo si Jave. Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiwi nang bigla nalang itong ngumuso.
"Answerte niyo! Si Prince Zeus ang magiging instructor niyo! Wala kasi si Prof Howler!", aniya kaya napangiwi naman ako.
"Ba't ba sa tingin niyo ang swerte swerte kapag mapapalapit ka sa prinsipe? Yes, he's prince pero hindi naman siya diyos para sambahin.", sagot ko kaya napangiwi si Jave.
"Mygosh! Ang bitter mo Chaos. Bitter ka? Saka ano ka ba! Royalty siya! Ang swerte swerte mo na kung makausap mo ang isang royalty, kasi diba? Iba ang level niya sa level natin.", nailing naman ako sa sinabi niya.
"But still, estudyante pa rin siya. That doesn't mean na prinsipe siya ay iba na siya. Yes, he's top 1, pero hindi iyon enough reason para maisip nating iba siya. Sa loob ng skwelahan, estudyante pa rin siya. Hindi siya prof o dean, he's still a student. Except nalang kapag pinapa-sub siya.", sagot ko kaya mas lalong napaismid si Jave.
"Oo na! Oo na! Grabe ka, para kang may galit sa mga may royals.", aniya kaya napailing ako.
"Hindi ah, nauumay lang ako sa mga ganyan. Levels and all. Royals and commoner.", sambit ko at napatango naman ito.
"Pero di nga, nasaan na sweater niya? Naisauli mo na?", biglaang tanong niya kaya napa-facepalm ako. Talagang naalala pa niya. Imbes na sumagot ay inilingan ko nalang siya saka bumalik sa kwarto ko.
* - *
Matapos nga naming mag-almusal ay tinungo na rin naman namin ni Vera ang classroom namin. As usual ay nandon na nga iilan at isa na dun si Prince Travis. Hindi ko na lamang siya pinansin saka umupo sa upuan ko. After a few minutes nga ay sakto ring pagdating ng instructor namin.
And just like what Jave said, si Prince Zeus nga ang bumungad sa amin.
"Morning everyone. I'm Prince Zeus, and I'll be your instructor for today since Prof Howler need to do some errands.", parang bagot na sambit nito kaya napangiwi na lamang ako. Ano naman kaya ang gagawin namin ngayon?
![](https://img.wattpad.com/cover/219703444-288-k366934.jpg)
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...