Chapter 24
"Uy sino iyon? Si Prince Zeus iyon diba?", napalingon naman ako kay Vera na papalapit nga sa akin. Napangiwi pa ako nang mapansin titig na titig ito sa papalayong bulto ni Prince Zeus. Napangiwi nalang tuloy ako kasi baka mang-aasar na naman ito at mag-aassume ng kung ano-ano pero naalala kong kay Travis niya ako shini-ship kaya hinayaan ko na lamang.
"Oo, and stop thinking about anything. Hinatid niya lang ako.", sambit ko naman kaya pinanliitan niya ako ng tingi kaya napairap ako saka siya inilingan.
"Tigilan mo ko Vera ah, may pagkain sa tasa hindi ba? Nagugutom na ako.", sambit ko naman kaya napailing ito.
"Aysus kaninang pinapakain ko siya ayaw kumain kasi magpapahangin raw pero ayun pala. Achuchu Chaos. Pero kay Prince Travis pa rin ako.", aniya saka ako inunahan sa paglakad kaya napanganga na lamang tuloy ako.
What would be her reaction once na malaman niyang first kiss namin ni Prince Zeus ang isa't-isa? Pero, is it really considered as a kiss? Saka tinawag niya pa akong Eris! Oh God! Ang dami ko na namang iisipin.
* - *
Kinabukasan nga ay ang tungkol pa rin sa pagtawag sa akin ni Prince ng Zeus ang iniisip. Alam niya bang ako ang prinsesa? Naalala ko naman ang sinabi niya noon na pinapabantayan lang ako ng ng mga magulang niya. Shoot! Baka alam nga nito prinsesa ako. Napalunok na lamang tuloy ako. This means alam rin ni Travis na prinsesa ako. Napahinga naman ako ng malalim saka lumabas sa kwarto ko. Sakto ring paglabas ko ay siya ring paglabas ni Vera sa kwarto niya.
"Arat na?", tumango naman ako kaya agad naman kaming bumaba. Tinungo na muna ang clinic para tingnan si Jave at mukhang okay pa naman ito. Except sa pamumutla at panlalamig nito ay mukha lang itong natutulog.
"Kailan kaya magigising ang baklang iyon 'no? Nakakamiss na siyang kadaldalan.", napangiti naman ako sa sinabi ni Vera.
"Magigising rin iyon, let's just wait.", sagot ko kaya napatango naman ito. Pagkatapos nga naming mag-order ay agad naman kaming pumuwesto sa isang table. May iilang estudyante pa rin ang nagbubulungan about dun sa sabay naming pag-lunch ni Travis. Pero nagulat na lamang kami nang may umupo sa harap namin. Pagtingin ko rito ay si Travis na naman. Napangiwi naman ako habang si Vera ay tila kinilig, nailing tuloy ako. Naman oh, baka pag-usapan na naman kami nito.
"Morning.", bati niya sa'ming dalawa ni Vera kaya bumati na rin kami pabalik saka nagpatuloy sa pagkain. Nang maalala ko si Prince Zeus, pero baka nakaalis na ito sa mission niya.
'Travis', tawag ko rito gamit ang isipan ko kaya napatingin naman ito sa akin saka ako tinaasan ng kilay.
'Nandito pa ba si Prince Zeus? O wala na?', tanong ko kaya napakunot noo naman ito. Mukhang nagtataka kung bakit natatanong ako kung nasaan ang pinsan niya.
'Why? May kailangan ka sa kanya?', tanong niya pabalik kaya napahinga ako ng malalim saka napatango ng bahagya.
'May itatanong sana ako.', sagot ko kaya napataas ang kilay nito.
'I didn't know that you're interested to my cousin.', aniya naman kaya sinipa ko naman ang paa nito sa ilalim ng mesa kaya napatawa ito ng bahagya.
'Kidding aside, ano bang itatanong mo sa kanya? Maybe I can answer it for him tho if gusto mo na talagang malaman ang sagot.', turan niya kaya napatitig ako sa kanya contemplating if tatanungin ko ba siya if alam niya na talaga kung sino ako o hindi.
"Anyare sa inyong dalawa kanina pa kayo nagtititigan diyan.", naputol nga ang titigan naming dalawa nang magsalita si Vera. Nakangiwi ko naman itong sinulyapan pero tinaasan lang ako nito ng kilay.
"Ha? Wala naman. Saka ba't naman kami magtititigan, hindi ba Prince Travis?", sambit ko saka sinulyapan si Travis pero sa halip na sumagot ay ngumisi lang ito sa akin saka ibinaling ang tingin kay Vera.
"It was just nothing Vera, nagco-confess lang ng feelings si Chaos sa akin.", sagot niya sinipa ko na talaga siya ng malakas sa ilalim ng mesa. Napa-aray ito pero nanatili pa rin itong nakangisi kaya ansarap niyang sabunutan.
"H'wag kang maniwala diyan, mas malaki pa ang tsansang magkagusto ako kay Jave kaysa sa kanya.", sagot ko naman kaya napahalakhak ito.
"Really Chaos? Magkano pusta?", aniya habang nakangisi pa rin kaya napairap ako.
"Ba't ka pa ba naki-share ng table ano?", inis kong sabi ko kaya napatawa ulit ito.
"I would looked like a loner kung kakain akong almusal mag-isa, you know? Saka I love seeing you annoyed.", aniya kaya sinimangutan ko.
"Seeing you annoyed, nye nye nye.", sagot ko kaya natawa nalang ulit saka nagpatuloy sa pagkain. Nawala tuloy sa isip ang tanong ko para sa kanya. Mamaya nalang siguro. Matapos nga naming kumain ay agad rin naming tinungo ang classroom namin.
* - *
Papatapos na ang klase namin sa History nang biglang napatigil si Prof at napatingin sa akin.
"Wait, nasaan si Chaosiah Autumna?", tanong nito kaya agad naman akong napatigil saka napataas ang kanang kamay.
"Yes, prof?", tanong ko.
"Pinapapunta ka nga pala ng Dean sa office niya. And that's all, dismissed.", aniya napalingon ako ka Vera at nagkibit balikat na lamang. Agad ko rin namang inayos ang gamit ko.
"Mauna ka na sa cafeteria, punta na muna akong Dean's office.", paalam ko kay Vera na siyang tinanguan niya lang. Napaisip naman ako ng rason kung bakit ako ipapapunta, nang naalala ko ang sinabi ni Ama. He said he's going to visit me one of these days.
Pagkarating ko nga dun ay agad naman akong kumatok. Bumukas naman ang pinto at bumungad nga sa akin ang secretary ng Dean.
"Ms.Velarys?", nakangiting tanong nito sa akin kaya napatango naman ako.
"Yes po.", sagot ko ata agad niya naman akong iginaya sa isang opisina. Agad ko namang naabutan roon na nag-uusap ang Dean at si Ama. Yumukod pa ako saka muli silang tiningnan. Nakangiti ang dean, habang si Ama ay nanatiling seryoso ang mukha.
"I'll just step out a bit, you can talk in here.", anunsyo ng dean at nagsabi naman si Ama rito ng kanyang pasasalamat saka ito tuluyang lumabas sa sarili nitong opisina.
"Chaos.", bati nito sa akin.
"Ama.", sagot ko naman saka lumapit rito.
"Take a seat.", sambit naman nito kaya tumango ako saka umupo sa kaharap na sofa nito.
"Your mom's really against about this.", aniya kaya napabuga naman ako ng hangin. Alam ko naman. Hindi iyon basta-bastang mapapapayag. She's a woman of pride.
"But nasubukan ko siyang pakiusapan. Papayag siyang mag-aaral ka rito, but you need to keep low profile baka pag-usapan ang pamilya natin once na malamang nandito ang prinsesa ng kabilang kaharian, disguise as a commoner.", napatango naman ako.
"Iyon lang po ba?", tanong ko at tumango naman ito. Nakita kong namungay naman ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
"Okay ka lang po ba, ama?", tanong ko naman at ngumiti naman ito saka tumango.
"Yes, I'm fine. I'm just proud of you. Are you doing good in here?", sagot niya kaya napatango naman ako.
"Yes po, I'm doing good.", sagot ko naman kaya tumango naman ito.
"Don't hesitate to ask for help to us, pwede kang manghingi ng favor sa dean if may kailangan ka, I already told him to help you if you're in trouble o kung magkaproblema ka man.", aniya kaya napatango naman ako saka napangiti.
"Sige po, ama.", sagot ko kaya nginitian naman ako nito pabalik.
"I miss you, Chaos.", sambit niya naman kaya hindi ko naman mapigilang hindi mapalunok.
"I miss you too, ama.", tanging sagot ko na lamang.
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...