Chapter 47

1.5K 42 0
                                    

CHAPTER 47

[A/N: This is just a short update. 🤸]

CHAOS' POV

"Hindi ba talaga iyan sila mamatay-matay?", parang gulat na ani ni Luke nang makita niyang nagsipagbangunan ang mga ogre na siyang nakalaban namin.

"Isa lang ang magagawa natin para matapos ito. Hanapin ang kung sino mang kumokontrol sa kanila.", sabi ni Sir Riade saka nagsimulang magmasid.

"I think it would be better for us to split our team. Madali lang tayong mac-corner kung palagi tayong magkasama.", sabi nung General na siyang sinang-ayunan ng iba.

"Okay, let's split up ulit by 5. Mag-ingat kayo. Iwasan niyo nalang muna ang ogre.", bilin ni Sir Riade bago kami tuluyang maghiwa-hiwalay. Hindi naman gaano kalayo ang distansya namin sa isa't-isa.

Huminga naman ako ng malalim saka dinama ang paligid. Mararamdaman ko naman siguro kung saan nanggagaling ang enerhiya nitong mga ogre 'no? Pagmulat ko naman ay agad akong napatingin sa may kanan. Kusang gumalaw ang mga kamay ko kaya hindi ko na nasabihan ang mga kasama ko.

Bigla nalang akong nagpatama roon ng bolang gawa sa liwanag at nagpalabas ng buhawi. Nagpalabas din ako ng mga vines na pinagapang ko sa ilalim ng lupa para hindi makita nung kalaban namin. Napalingon naman ako sa may unahan ng may maramdaman akong kakaiba roon.

"Sa may bandyang iyon!", sigaw ko sa mga kasamahan ko kaya nagsipag-galawan naman din sila.

Muli na naman kaming sinubukang i-corner ng mga ogre pero hinayaan ko na silang labanan ito. Naramdaman ko namang may parang papabulusok papunta sa direksyon ko. May bigla namang humakbang papunta sa harap ko.

Si Travis, gumawa naman ito ng parang shield na gawa sa dark element niya para hindi kami tamaan nung atake ng kalaban.

"Stavros!", napalingon naman ako sa may tabi namin ng lumitaw mula roon si Stavros. Muntikan ko na itong makalimutan! May alaga nga pala siyang ganito.

"Tawagin mo lahat ng kampon, dumadami na masyado iyong ogres!", aniya saka tumakbo papunta sa gawi nung sinusubukang hulihin na sorcerer kanina.

May bull naman na biglang lumitaw at hinawakan naman ni Stavros ang kwelyo ni Travis at pinasakay roon. Nanlaki naman ang mga mata ko nang pinatakbo nito ang bull roon sa gawi nung sorcerer. Sumunod naman si Zeus na siyang tila ba gumalaw na parang hangin sa sobrang bilis at tulin ng takbo nito.

Kaya naman ay kinontrol ko nalang ang hangin para mas lalong mapabilis ang paggalaw nila. Napatingin naman ako sa kasama kong natitira. Nakatingin lang sa akin iyong General at Colonel. Nginitian ko nalang sila ng bahagya saka bumaling sa paparating na ogre na mukhang pipisain na ata kami gamit nung pamalo niya.

Nagpalabas lang ako ng vines mula sa lupa saka ito hinila pabaon ulit sa lupang kinatatayuan nito. Kasalanan niya kung bakit pa kasi trip pa nilang magsipagbangunan eh. Tiningnan ko naman sina Zeus at mukhang kaya na naman nila iyong sorcerer kaya napatingin ako kina Sir Yaske at Miss Aina na siya namang kaharap nung isa pa.

Sa tingin ko may iba pang kumu-kontrol kaya naman ay muli kong pinakiramdamanan ang paligid. Lumingon-lingon pa uli ako nang pagtingala ko ay may napansin akong may kung anong lumilipad sa kalangitan. Tinitigan ko naman ito at nakitang may uwak na siyang nakatingin sa amin. Or sa akin?

Weird ba ako? Pero ramdam ko talagang nakatingin sa akin iyong uwak. Napakurap-kurap pa ako nang tila ba parang iwinigayway nito ang isang pakpak niya sa akin. Is he even real? Nawala naman ang atensyon ko dito nang may marinig na sumigaw.

"Iyong grupo ni Ronan! Papunta na raw dito!", sigaw ni Commander Goncillo kaya napatingin ako kina General. Naging alerto naman sila kaya muli akong napatingin sa taas para tingnan ang uwak. Pero nawala na ito.

Hanggang sa isa-isa namang nagsipagtumbahan ang mga ogre. Napatingin naman ako kina Zeus at hawak-hawak na nila iyong sorcerer at mukhang tapos na rin sina Sir Yaske. Tumakbo naman kami papunta sa gawi nila.

"Nagbigay na ng signal iyong mga nasa loob. Papunta na dito ang grupo ni Ronan. Anong gagawin natin, Commander?", sabi ni Commander Goncillo kaya napabuntong hininga nalang din ako. Bitbit nila Zeus iyong sorcerer na nakalaban nila.

"Sabi niya ay hindi naman daw talaga nila balak manggulo. They just need Chaos.", nakasimangot na sabi ni Travis kaya napailing nalang ako.

"I guess malalaman na rin natin ang rason ni Ronan kung bakit gusto niyang kunin si Chaos. Let's not attack first kung hindi sila aatake.", sabi ng General kaya tumango naman kami.

"Pero paano kung ipagpupumilit nila na gusto talaga nilang makuha si Chaos?", tanong naman ni Sir Yaske.

"Then I guess that's cue kung kailan tayo aatake.", sagot nung General.

Hindi ko alam pero napalunok nalang ako nang tingnan nila ako na para akong babasaging bagay. Kaya ko na naman ang sarili ko. Ang sa akin lang ay makahaharap ko na si Ronan. Ang kumuha kay Serenity. Hindi ko pa alam kung anong plano niyang gawin sa akin but I won't let him have me. Magkamatayan na muna kaming dalawa. He should pay for what he has done to Serenity.

* * *

THIRD PERSON'S POV

Sa loob naman ng merkado ay nagsisimula na ring maghanda ang kasamahan ni Ronan. Hindi na naman nito balak na manakit. He just want to ask Chaos for something. It may look like he's shameless pero he doesn't have a choice.

Wala na naman siyang ibang magagawa pa para makuha ang gusto niya. Ang inaalala niya lang ay kung paano nito ipapaintindi sa kanila ang gusto niyang mangyari. Paniguradong hindi nila siya hahayaan lang dahil na rin sa mga ginawa niya dati.

He's aware na hindi siya naging mabuting sorcerer, he was clouded with his anger and resentment to everyone kaya naman ay napasapi ito sa grupo ng Triad. Huli naman na ang lahat-lahat but he's willing to surrender himself para lang makuha ang gusto niya.

"Boss, mukhang alam na ata nila paparating na tayo sa kung nasaan sila.", sambit ng isang kasamahan niya kaya tumango si Ronan.

Hindi man siya sigurado sa kung anong mga mangyayari but one thing's for sure. Hindi siya titigil hangga't hindi niya makukumbinsi si Chaos na tulungan siya. By hook or by crook, he'll make her agree with him.

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon