Chapter 1
Napakagat labi naman ako habang nakatingin sa isang bag kung saan ko inilagay ang aking mga gamit na dadalhin. May dala-dala rin akong pera kung sakali mang mangangailangan ako.
Ang ikinakakaba ko lang ay kung paano ako makakaalis ng palasyo. Napatingin naman ako sa orasang nakasabit sa may dingding ng aking kwarto. Malapit nang mag-alas dose ng madaling araw. Napahinga na lamang tuloy ako ng malalim saka napapikit ng mariin.
"Kaya mo 'to, Chaos."
Nang makita ko ngang mag-aalas dose na ay agad naman akong nagpalit ng anyo. I looked like one of the maids dito sa palasyo. Tahimik na lamang akong nagdasal habang naglalakad sa madilim na pasilyo ng palasyo. Iilan na lamang ang gising sa kanila.
Napabuga pa ako ng hangin nang matanaw ko na ang nagtataasang tarangkahan ng palasyo. Napasinghap naman ako nang biglang itinutok sa akin ng isang kawal ang kanyang espada, kung hindi pa ako nakaiwas ay siguradong nasugatan na ako nito.
"Hating gabi na, saan ka pupunta?"
Tanong nito sa akin kaya napayuko na lamang ako saka ibinigay sa kanya ang sulat na nagpapatunay na binigyan ako ng permiso ng prinsesa na lumabas sa palasyo.
Which is ako lang rin naman.
I have the ability to do teleportation pero baka maramdaman ng mga magulang ko ang enerhiya at kapangyarihang ipapalabas ko once na magteteleport nga ako kaya mas pinili ko nalang na mag-iba ang anyo.
Saka hindi ka lang rin basta-bastang makakateleport palabas ng palasyo lalong-lalo na't a sacred spell was casted upon it.
Nanlambot naman ang mga tuhod ko nang tuluyan na akong makalabas at makalayo sa palasyo.
Ngayon ang iisipin ko naman ay kung saan ang daan patungong pamilihan.
Hindi ako makapagteleport papunta doon dahil hindi pa ako nakakapunta sa pamilihan.
Nasa loob lang ako ng palasyo namin all these years.
"Now what should we do, Chaosiah?"
Tanong ko sa sarili.
* - *
Halos mawalan na ako ng pag-asa habang naglalakad sa madilim na daanan. Hanggang sa biglang may lumitaw na pixie mula sa kung saan. It feels like parang alam nitong wala akong kaalam-alam kung saan ako pupunta kaya parang nagsilbi itong guide para mahanap at marating ko ang pamilihan.
At makalipas nga ang halos isang oras na paglalakad ay nakarating nga ako sa pamilihan ng aming kaharian. Napanganga naman ako habang kasalukuyan akong naglalakad sa gitna ng isang pamilihan.
'Grabe, ang ganda!'
I mean, hating gabi na pero marami pa rin ang taong nagsisibilihan. Napangiti pa ako ng may isa akong batang nakitang sayang-saya sa kinakain nitong cotton candy. Kasama nito ang kanyang ina, and it seems like they're really fond of each other.
Napabuga naman ako ng hangin nang tila ba bumigat ang aking nararamdaman. Seeing the kid, getting along with his mother, made me felt something. I feel envious towards the child. Kasi ni minsan hindi kami naging ganyan ng ina ko. Mahirap ngang bigkasin o tawagin man lang siyang Mama. That's how pretty fvcked up our relationship is.
But this isn't the time for dramas. Kailangan ko pang hanapin si Aling Dory. Dati siyang nagta-trabaho sa palasyo namin pero dahil sa katandaan ay tumigil na ito at pumunta nga rito at nagtayo ng sariling negosyo.
Siya ang nagbigay sa akin ng ideya kung paano ako makakaalis sa palasyo. Hindi ko alam pero tila ba gustong-gusto niya na makalaya ako mula sa pagiging tila bihag ng aking mga magulang.
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...