Chapter 27

3.3K 99 17
                                    

Chapter 27

3rd Person's POV

"Someone is doing my part already."

Hindi naman mapigilang mapabuntong hininga ni Prince Zeus habang inaalala iyong sinabi ng ina ni Prince Travis. What does she mean by that? Na may tutulong na iba? Pero sa pagkakaalam niya ay ito lang ang hiningan ng tulong ng academy.

Napatigil rin naman siya nang maalala niya si Chaos. Siya ba ang tutulong rito? May kakilala ba itong sorcerer? Kasi kung hindi siya, eh sino naman ang maaaring tutulong? Base pa naman sa itsura ni Jave ay halatang hindi na maganda ang lagay nito.

Napahilot na lamang tuloy siya sentido saka napatitig sa family portrait ng pamilya ni Travis. They look happy, kahit na-dethroned ang uncle niya ay namumuhay pa rin naman ito ng marangya. Ngunit nasa labas nga lang sila ng palasyo at kaharian para maiwasang mapag-usapan.

Hindi niya lang talaga lubos maintindihan kung ba't kailangan pang ibaba sa puwesto when in fact alam na rin naman ata ng lahat na hindi lahat ng sorcerers ay masama. Pero sabi-sabi na rin naman noon na ayaw na naman talaga nitong maging hari.

"Zeus hijo?", napalingon naman siya tumawag sa kanya at nakita niya naman ang uncle niya ito.

"Kumain na raw muna tayo bago magbalik sa palasyo. Kailangan muna nating bumiyahe papunta sa may labasan bago gumamit ng portal. Masyadong malakas ang kapit barrier rito.", sambit nito kaya napatango na lamang ang prinsipe saka napatitig rito.

*-*

Chaos' POV

Usap-usapan pa rin ng mga estudyante ang tungkol sa sinasabi nilang mga outsider na nakapasok. Cancelled ang classes ngayon dahil sa balitang iyon at makikita mo ring walang pagala-gala. Napakagat labi na lamang tuloy ako habang hinihintay si Elias. Nagpadala ako sa kanya ng mensahe kagabi at sana naman ay natanggap nito.

Napahawak naman ako sa dibdib nang bigla na lamang may kumalabog. Buti na lamang ay wala si Vera sa dorm at nasa clinic. Lumingon naman ako rito at nakita ko namang nakasalampak sa sahig si Elias.

"Okay ka lang?", nag-aalalang tanong ko rito saka siya nilapitan at tumango naman ito.

"Oo, okay lang ako. Medyo namali lang ang pagbagsak ko.", sagot niya sa akin kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiwi.

"Anong sabi ni Aling Dory?", tanong ko rito at nakita ko namang napangiti ito.

"Papunta na siya rito, kasama ang ama mo.", aniya kaya napanganga ako.

"B-ba't kasama ang ama ko?", tanong ko naman sa kanya at napabuga naman ito ng hangin.

"Humingi siya ng tulong upang mapadali ang pagpasok niya sa akademya. Nang masabi niya namang ikaw ang humingi ng tulong sa kanya ay agaran ring pumayag ang ama mo. Sa tingin ko'y kinausap na rin ng ama mo ang reyna at hari patungkol rito. Lalo na't di pa rin nakakabalik si Prince Zeus.", sagot nito kaya napatango ako.

"Kailan ba raw ang punta nila rito? Bukas?", tanong ko at umiling naman ito.

"Baka maya-maya'y nandito na rin sila.", anas niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Ganun ka bilis?

"Nais ka rin raw kasing kausapin ng ama mo kaya napagpasyahan nilang ngayon na magpunta rito." sambit niya kaya napatango ako. Naalala ko tuloy si Prince Travis, nasaan na kaya ang isang 'yun?

*-*

Naglalakad ako papuntang garden nagbabasakaling makikita ko dun si Cronus nang makita ko si Travis na tila ba papunta sa may kakahuyan.

Napatigil na lamang tuloy ako saka ito tinitigan. Bahagya pa akong napatigil nang tila ba may narinig akong umungol na kung ano. Kaya tahimik akong lumapit rito at tiningnan kung sino ang kausap nito.

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon