Chapter 5

5K 154 3
                                    

Chapter 5

Matapos ang konting pag-uusap ni Aling Dory at ni Ama ay agad rin naman kaming umalis. Sabi pa ni Ama ay tutulungan niya kami upang hindi ako mahanap ni Ina at magbibigay rin siya ng allowance para sa akin. Sa tingin ko nga ay alam niya naman yata kung saan kami pupunta, he just kept quiet.

"Mabuti na lamang pala'y hindi kasing tigas ng Ina mo ang Ama mo, he was able to understand your sentiments.", napatango naman ako sa sinabi ni Aling Dory, bahagya pa akong napatigil dahil sa paggamit nito ng lengwaheng ingles. Mukhang hindi lang yata isang simpleng mananahi si Aling Dory, sa paraan kasi ng pagsasalita nito ay nandun ang conviction at pati na rin ang accent niya.

"Mabuti na nga lamang po ay parang binigyan niya rin ako ng permission na lumabas. Saka mas mabuti nga rin po iyon para matulungan niya akong hindi mahanap ni Ina.",  sagot ko saka bahagyang nginitian si Aling Dory. Hindi ko alam pero tila ba hindi maganda ang relasyon nina Aling Dory at ni Ina kung alalahanin ko iyong pag-uusap nila noong nakaraan.

"Ang sabihin mo ay mabuti nalang ay hindi ganoon siya ganun kasama ng iyong ina.", bulong nito sa sarili pero rinig na rinig ko pa rin. Napangiwi na lamang tuloy ako sa sarili.

* - *

Naging maayos naman ang aming pagba-biyahe. Inabot kami ng ilang oras bago makarating sa kabilang kaharian. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilang hindi mamangha nang makapasok na nga kami. May iilang naglulutangang mga bagay sa ere. May mga pagala-galang magical creatures. May nakita pa akong pegasus!

"Wow, pegasus!", bulong ko sa sarili at narinig ko namang napatawa si Aling Dory at Elias.

"Sa skwelahan mo, pag-aaralan niyo iyan. Makakasalamuha ang mga magical creatures.", sambit ni Aling Dory kaya napatango naman ako.

"Wala na po bang entrance exam or kung ano pa ang academy?", tanong ko at umiling naman si Aling Dory.

"Wala na, malapit na nga pala tayo.", sambit nito kaya agad naman akong napatango. At makalipas nga ang ilang minuto ay agad na ring tumigil ang karwahe sa isang mansion. Bahagya pa akong napatingala pagkababa ko sa karwage dahil iba ang pagkakadesinsyo nito sa mga mansion na nasa kaharian namin.

"Auntie!", agad naman akong napalingon sa isang ginang na papalapit sa amin. May kasama itong lalaking parang asawa nito at isang babaeng kaedad ko.

"Prescilla.", sambit naman ni Aling Dory.

"Prescilla, si Chaos nga pala, iyong ikinukwento ko, Chaos, si Prescilla, pamangkin ko, si Hans, asawa niya at si Vera, anak nila.", pakilala ni Aling Dory sa amin at agad ko naman silang nginitian.

'She seems like a good kid.'

'Kyaaaaaah! Ang ganda niya! I'm pretty sure na mabait rin siya! Hihihihihi.'

Muntikan pa akong mapangiwi nang marinig ko ang iniisip ng anak nilang si Vera. Mukha yatang mapapasabak pa ako sa kanya.

* - *

"Ahm, hija just feel free to roam around. And make yourself feel at home since mananatili ka pa naman rito since sa sa susunod pa naman na araw kayo pupunta ni Vera sa akademya.", sambit ni Tita Prescilla kaya napatango naman ako.

"Ihahatid ka ni Vera sa magiging kwarto mo, katabi lang ng kanya.", dagdag pa nito kaya agad naman akong lumingon kay Vera na nakangiti lang na nakatingin sa akin. She look so jolly and bubbly. Baka hindi kayanin ng energy ko ang pagiging jolly niya.

"Sige Mommy, samahan ko lang siya sa taas.", agad naman akong hinigit ni Vera patungo sa taas ni hindi ko man nadala ang gamit ko. Pipigilan ko pa sana siya nang umiling ito.

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon