Chapter 31
Chaos' POV
"Tulong."
"Chaos, tulungan mo ko."
"Chaos!"
Napabangon naman ako saka napalingon sa paligid. Napahinga naman ako nang malalim nang mapagtanto kong nasa lang kwarto ako. Sumulyap naman ako sa may orasan at nakitang mag-uumaga na pala.
Tumayo naman ako saka tumungo sa banyo. Mugto ang mga mata ko at tila ba wala itong buhay. Napapikit naman ako nang mariin nang maalala ko ang kwento ni Travis.
Nagsimula nalang akong mag-ayos at sinubukang iwaglit iyong sa isipan. Baka mapansin nilang may kakaiba sa akin. Hindi ko tuloy alam kung nakakabuti pang nalaman ko pa ang katotohanan o hindi.
Pero isa lang ang masisiguro ko, sa oras na makita ko ang tiyuhin ni Travis ay hindi ko ito hahayaang mabuhay. Kung tama ang hinala ko, baka siya ang nangunguna sa pag-aalsa ng mga sorcerers.
Iyong lalaking nakasalamuha ko sa may garden, kasali nga kaya siya sa Tridon? O may iba pang gusto akong kunin? Mas lalo lang tuloy akong naguguluhan sa lahat.
Ang akala ko ay matatahimik ako kapag makakaalis na ako sa palasyo pero tila ba mas lalo pang gumulo ang buhay ko. Saka ang kwento ni Travis, pansin kong hindi siya nagsisinungalin pero tila may kulang dito. Hindi ko alam pero ramdam kong may tinatago ito, hindi ko nga lang alam kung ano.
Pero hayaan ko nalang muna, it would be better to take one step at a time. Bibisitahin ko na rin muna siguro si Jave bago tumungo sa cafeteria. Gising na kaya siya?
Malamig pa ang simoy ng hangin paglabas ko ng dorm. Masyado pang tahimik ang paligid kaya naman ay hindi ko mapigilang hindi mapalingon-lingon. Baka bigla nalang may kung anong umatake sa akin, mahirap na.
Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na ako sa may clinic. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto at agad ko namang nakita sa may kabilang kama si Vera. Dito na pala siya natulog. Napakunot noo naman ako nang makilala ko nang makitang may nakatayo pala sa may kabilang banda ng kwarto.
"Ba't ka andito?", bulong ko rito nang napatingin ito sa akin. Ilang araw din itong nawala, tumitig pa ito sa akin at balak ko rin sanang h'wag magpatalo nang maalala ko ang nangyari kahapon. Nakita niya akong umiyak, silang dalawa ni Prince Travis.
"I was just checking on him, if gising na ba siya or may improvement na.", sagot niya sa akin kaya napatango naman ako. Lumapit naman sa kama ni Jave saka siya pinasadahan ng tingin.
Nam-miss ko na rin ito, masyadong tahimik ang buhay kung walang kagaya niyang dumadaldal. Hinawakan ko naman ang kamay nito saka pinakiramdaman ang katawan niya. Mukhang nawala na nga ang spell at unti-unti nang bumabalik ang lakas niya. Baka bukas o sa susunod na araw ay magising na ito.
Tiningnan ko naman si Vera saka inayos ang kumot nito. Kahit hindi gaanong pinapakita ni Vera ay alam kong sobrang miss na niya ang kanyang pinsan. Ilang beses ko itong nahuling palihim na umiiyak.
Napabuntong-hininga na lamang tuloy ako saka sinulyapan si Prince Zeus na matamang nakatingin lang sa akin. Hindi ko alam pero may kakaiba sa titig nito ngayon. May problema ba siya?
"Are you okay?", napakurap-kurap naman ako sa tanong niya.
"Oo, hindi naman ako itong ilang linggong nasa clinic hindi ba?", sagot ko rito at nakita ko namang napangisi ito. It was the first time I saw him react like that. Hindi ko tuloy napigilang hindi siya titigan. Mas bagay pala talaga kanyang may reaksyon ang mukha, mas nagmumukha siyang tao.
"Why are you looking at me like that?", aniya at umiling naman ako.
"Chini-check ko lang if sinasapian ka ba.", sambit ko and I heard him scoffed. Napailing nalang tuloy ako saka nagsimulang humakbang.
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...