Chapter 21
"So how's life Chaos? Enjoying being a commoner?", aniya kaya mas lalo akong napalunok at napatigil. Ano na ang gagawin ko?
"It's Dory, right? Ang tumulong sa'yo para makapunta ka rito? That old hag! Talagang ang kapal ng mukhang suwayin ako! And you! Ilang beses mo na ba akong sinuway! Do you think na masisiyahan ang mga tao once na malaman nilang lumayas ka at tinakbuhan ang responsibilidad mo bilang prinsesa? You really have the guts na magtago! Chaosiah Autumna? Sa tingin mo ba makakatago ka sa akin?", napasinghap naman ako nang tuluyan na itong makalapit sa akin at sinampal ako. Nanginig naman ako nang dahil sa gulat at dahil na rin sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang tumulo ang mga luha ko. Tumunghay naman ako saka siya tinitigan sa mata.
"Have you ever thought kung ano ang rason ko kung bakit ako umalis sa palayso, Ina?", sambit ko at napaismid naman ito.
"Of course! You're rebelling against me and your father! Sa tingin mo ba gawain iyan ng isang prinsesa? Hindi! A princess must be an obedient daughter! You should be a role model pero anong ginawa mo? You kept on making mistakes! Again and again! Bakit ba kasi hindi ka nalang gumaya kay Serenity--Si Serenity na naman! Ina! Hindi ako si Serenity! I am Chaos! Kambal ko si Serenity so why do you keep on making me act like I am Serenity! Magkaiba kami! Alam niyo ba kung ano ang mali sa inyo? Masyadong sarado ang isip at puso niyo sa akin. Kasi in the first place, it has always been Serenity. Na kahit wala na siya, si Serenity pa rin ang gusto niyo.", putol ko sa sasabihin niya kaya napasinghap ito.
"So you're disrespecting me huh? Iyan ba ang natutunan mo kay Dory? Iyan ba ang natutunan mo nang lumayas ko palasyo. Kahit ano mang gawin, babalik ka sa palasyo. Ngayon!", aniya kaya nailing ako.
"Hindi, Ina. I will stay. Mag-aaral ako whether you like it or not.", sagot ko kaya napanganga ito. Agad na lamang akong napapikit nang makita kong umangat ang kamay nito at tila sasampalin na naman akong muli nang bumukas ang pintuan.
"Olivia! What are you doing!?", napatingin naman ako kay ama na siya palang nasa may pintuan. Siya lang ang naruan at gulat na gulat rin ito nang makita niya ako.
"Chaos.", sambit nito at nakita ko pang bahagya itong naasiwa nang makitang umiiyak ako. Hindi ako basta-bastang umiiyak.
"Oh God, Gio. Don't tell me alam mong nandito lang ang anak mong iyan!?", ani ni Ina at napabuntong hininga si Ama. Kaya napanganga na lamang si Ina saka napatawa na tila ba nang-aasar.
"Kinu-konsente mo ang pagre-rebelde ng batang iyan? Are you out of your mind, Gio?", sambit ni Ina at nailing naman si Ama.
"Olivia, calm down. We shouldn't make a scene here, uuwi na tayo.", sagot ni Ama kaya napataas ang kilay ni Ina.
"What? Fine! Let's go home! And she's also coming home!", sambit nito saka niya itinuro. Pero nailing naman si Ama.
"No, just let her be Olivia. Malaki na si Chaos.", sagot ni Ama kaya nailing naman si Ina.
"What? What are saying? That we'll let her live in here? Living as a plain commoner?", turan naman ni Ina kaya nailing si Ama.
"Olivia, I said calm down. Uuwi na muna tayo.", sagot ni Ama kaya mas lalong napanganga si Ina.
"Let her be. We really need to go. Stop acting like a brat.", dagdag pa ni Ama kaya napatawa at nailing naman si Ina saka ako sinulyapan at sinamaan ng tingin. Inismiran niya nalang ako saka naunang lumabas. Nginitian na lamang ako ng bahagya ni Ama.
"I'll come by one of these days Chaos, we will talk. Ako na rin ang bahala sa ina mo.", aniya kaya tumango naman ako.
"Aalis na kami, are okay in here?", tanong ni Ama at tumango naman ako.
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...
