Epilogue
[A/N: Errors ahead!]
Queen Audrianna's Point of View
"May balita na ba kayo patungkol sa nangyari sa kanila?", tanong ko sa mga kawal pero nagsipag-ilingan lamang ang mga kawal.
"Hindi ba pwedeng puntahan natin sila, Lexus? Baka napano na ang mga bata. Dapat talaga ay hindi na tayo pumayag sa kagustuhan ng council. Labas na dapat sila sa away na ito.", naiiyak kong ani kaya naman napalapit ito sa akin.
"Everything will be fine. Hindi sila pababayaan nina General. Nagdagdag na rin tayo ng ilang hukbong militar. At alam mo namang kahit hindi natin ipapadala ang guardians ay magpupumilit lamang mga ito lalo na si Chaos.", sagot nito sa akin kaya mas lalo lang akong nag-alala.
Napahawak naman kami kaagad sa may mesa nang maramdaman naming gumalaw ang lupa. Nagpalitan naman kami ng tingin ni Lexus. This isn't just a normal quake. Something must have happened at the battle. Napapikit na lamang ako saka nagsimulang magdasal sa mga Diyos na protektahan nawa nila ang mga guardians pati na rin ang mga militar.
Makalipas lang ang ilang segundo ay muli namang gumalaw ang lupa at kasunod nito ay ang tila ba isang malakas na pagsabog. Mas lalo lang akong kinabahan dahil malayo ang palasyo sa merkado kung saan nagaganap ang labanan. Kung umabot na dito ang pagsabog ay paniguradong hindi na nga ito normal.
"Hindi na ito pwede, we need to check on them.", nauna na akong tumayo para sana lumabas sa opisina ng asawa ko pero agad din naman akong napatigil nang bumukas ang pinto at sinalubong ako ng isa sa mga kawal namin.
"Mahal na Reyna!", bungad nito sa akin at hindi ko alam kung bakit tila nababahala ito.
"Anong meron?", tanong ko sa kanya at hindi siya nakasagot kaagad dahil sa hinihingal ito marahil na rin sa pagmamadali.
"M-may naghahanap po sa inyo. Pero—", hindi na nito naituloy ang sasabihin nang tumabi na sa akin ang hari.
"Pero ano?", tanong ni Lexus sa kanya at mukhang nagdadalawang isip pa ito sa kung anong isasagot niya.
"Mga sorcerers", sagot naman niya kaya nanlaki na lamang ang aking mga mata. Anong ibig sabihin nito? Ibig sabihin ba ay natalo ang aming panig?
"What? Then call the guards! Surround the palace and make sure no one will enter the premises!", utos ng asawa ko saka nagpalit ng kanyang kasuotan at nagpalabas ng espada.
Nauna naman itong naglakad sa amin pero agad din namang tumigil saka ako tiningnan.
"You're gonna stay here, Anna. You're not going anywhere. Dito ka lang.", aniya kaya napailing naman ako. Aangal pa nga sana ako pero mukhang hindi na ito magpapatinag.
"Pero—", hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil sa nagsipagdatingan na ang iilang kawal at inutusan niya itong h'wag akong hayaang makalabas man lamang sa opisina niya.
"Ano ba kasing nangyayari?", bulong ko sa sarili habang palakad-lakad sa loob ng opisina. Nakakailang ikot na ako dahil sa hindi ko makuhang kumalma. I need an update. Kailangan kong malaman kung anong nangyayari.
Nakakainis dahil pagdating sa ganitong bagay ay wala man lang akong magawa. Pero agad din naman akong napatigil nang mapansin kong nakatingin sa akin iyong isang sa mga kawal.
"Iyong dumating po kasi, mahal na reyna. Ang pakilala nila ay kasamahan daw sila ni Ronan.", napakunot noo naman ako dahil sa sinabi nito.
"Pero may akay-akay po kasi sila.", nagtaka naman ako dahil sa sinabi nito.
"May kasama po silang walang malay. Hindi ko alam kung tama po ba ang hinala ko pero may kakaiba po kasi.", sambit nung kawal kaya napaisip naman ako sa kung ano ba ang gusto niyang sabihin.
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasíaNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...