Chapter 46

1.7K 38 0
                                    

CHAPTER 46

Third Person's Point of View

Sa pagpasok ng mga tauhan ni Ronan sa loob ng Therondia ay siya ring paghahanda ng isa pang hukbo sa Velarys. Hindi nila inaasahang may iba pa palang grupo ang nais magpatumba sa kaharian ng mga may abilidad.

"Sigurado ba kayong si Ronan iyong nakita niyo? Akala ko ay nagpakalayo-layo na ang g*gong iyon!", turan ng lider nung hukbo kaya napatawa naman ang katabi nito.

"Kung sana ay pinatay na siya ni Dominique, edi hindi na sana iyan nanggugulo ngayon. Inaagawan pa tayo ng spotlight, p*ta.", sabi ng katabi nito kaya napailing na lamang ang iilan sa kanila.

"We can't interfere with them, baka maipit lang tayo. Kahit sorcerers ang halos sa atin ay baka pag-initan din tayo ni Ronan.", sambit naman nung isang may katandaan na kasalukuyang humihithit ng tabacco.

"Naduduwag kayo sa isang iyon? Eh kamuntikan na nga iyon matuluyan dati.", ani nung babaeng nasa may pinto kaya napatingin sa kanya ang matanda.

"Naging malapit ako kay Ronan, Sylvia. Alam ko kung ano kaya niyang gawin. Hindi man niya makakayang sakupin ang buong Therondia but he could destroy it if he wants to.", sagot sa kanya ng matanda.

"Kunsabagay, he's been considered as one of the greatest sorcerers kahit na tumaliwas ito ng daan.", sambit nalang nung babae saka tumungo sa may mesa at kinuha ang bote ng alak na naroroon.

"Ano na ang plano? Maghihintay lang ba tayo dito? O ano? Nakahanda na ang mga tauhan natin.", tanong naman nito sa dalawang nakatayo na siyang kapwa nag-iisip ng malalim.

"Let's wait, we shouldn't act recklessly. Hindi pa tayo makakasigurong makukuha natin ang kailangan natin ngayon. We should caught them off guard. Paniguradong nakahanda na rin ang militar nila kaya hindi pwedeng tayo ang tumungo sa Therondia.", sabi nung isa saka tumungo sa isa sa mga upuan saka inagaw ang baso na may alak na hawak-hawak nung babae.

May bigla namang pumasok na uwak sa may bintana at sa isang iglap ay nag-iba ang anyo nito. The man has long nails and his eyes are red. Isa ito sa mga successful experiment nila. They've been hiding for ages dahil na rin sa sinusubukan nilang gumawa ng nilalang na maaaring makakatulong sa pagsakop nila sa buong Therondia.  Hanggang sa may nalaman nga silang hindi na nila kailangan gumawa ng nilalang. They could just use someone who existed already.

"Nasa may merkado ang grupo ni Ronan, hinihintay nitong lumitaw iyong prinsesa ng Velarys. Mukhang iisa lang ang pakay natin.", pagpaalam nito sa mga kasamahan nila kaya naman ay nagsipalitan sila ng tingin.

"Sigurado ka?", tanong nung babae at tumango naman ito. Natahimik naman sila at tila ba hindi sigurado sa kung ano ang magiging sunod na hakbang nila.

"Send someone, all we need is her blood. Hindi na importante kung makukuha ba talaga natin siya. Ang kailangan lang natin ay dugo niya. Send few of our men, and spy on them. Kung sakali mang makuha siya ni Ronan, we can try to steal her.", sabi nung lalaking unang nagsalita kaya naman ay tumango iyong babae.

"Noted, I'll tell them right away.", sagot nito saka tuluyang lumabas sa silid habang iyong lalaking uwak ay nagpalit uli ng anyo bilang uwak bago ito muling lumipad palabas.

CHAOS' POV

We were all silent nang pinatawag na uli kami sa may garden ng palasyo. Ang reyna ang magbubukas sa amin ng portal. Ramdam ng lahat ang tensyon dahil na rin sa hindi nila ito inaasahan. Ang nakakapagtaka ay kung bakit ako ang hinihingi ni Ronan.

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon