Chapter 17

5.6K 146 2
                                        

Chapter 17

Kinabukasan ay naging maayos naman ang lahat. Hindi rin nabad trip si Jave nang kumain kami kasi wala si Entice. Isa lang ang subject namin ngayon, and that's self defense class. Hindi ko rin naman mapigilang hindi alalahanin ang nangyari kagabi. Wala nga ring alam sina Jave at pati ang ibang guardians.

"Uy? Tulala ka diyan?", napatingin naman ako kay Vera nang bigla niya akong kalabitin. Napakurap-kurap naman ako nang pagtingin ko sa mga mata niya ay nagsisulputang mga imahe sa aking isipan. And she's begging for help. Napaawang na lamang tuloy ang labi ko at nanigas.

"Hoy! Problema mo? Nababaliw ka ba Chaos? Yuhoo?", napalunok naman ako saka napailing.

"Ha? Wala naman.", sagot ko kaya napakunot noo na lamang ito saka napatango.

"Fine, bahala ka. Saka dali na, excited na ako.", sabi niya kaya tipid nalang akong napangiti. Why am I seeing this?

* - *

Na-P.E. uniform kaming lahat since self defense class nga namin ngayon. Nasa classroom na kami pero wala na ang mga upuan namin. Para lang siyang isang kwarto na walang laman. Well, kailangan rin naman ng malaking espasyo since self defense nga ang subject namin. Napasulyap naman ako kay Travis na katabi ko. Naalala ko tuloy iyong puppy kagabi, nasaan kaya iyon? Nasa dorm pa rin kaya nila o ano?

'Prince Travis', tawag ko rito gamit ang isip ko kaya gulat itong napalingon sa akin.

'Okay lang iyong puppy? I mean, iyong magical creature?', tanong ko sa kanya nang hindi siya nililingon.

'Oo, pero dinala siya ni Zeus sa isa mga pwedeng mag-alaga sa kanya. Hindi pwedeng dumito iyon.', sagot niya kaya napanguso nalang ako saka napatango. Makalipas naman ang ilang minuto ay dumating na nga ang prof namin. Napahinga pa ako ng malalim nang makitang sobrang seryoso ng mukha nito. Napasulyap naman ako kay Vera nang makitang napangiwi ito.

"A pleasant morning students. I'm Professor Dior, and I'll be your instructor for your subject Self Defense.", walang buhay nitong sabi kaya mas lalo kaming nagsingiwian.

"Before we'll start, I need all of you to have a pair. But I'll be the one to choose your pair.", sambit nito kaya napangiwi pa ako lalo. Mas lalo pa akong napangiwi nang magawi ang tingin nito sa akin. Bahagya pa itong napatigil nang makita niya kung sino ang katabi ko. Matapos niya kaming tingnan isa-isa ay bigla na lamang itong nag-snap at bigla na lamang na may lumitaw na papel sa harap namin.

"That's your number, you're exactly 40 so there's 20 pairs all in all. Hanapin niyo kung sino ang kapares niyo. I'll be giving you 3 minutes, now go.", sambit nito kaya dali-dali naman naming kinuha ang mga papel na nasa harap namin. No.8, iyan ang nasa papel ko kaya agad naman akong napatingin sa iba. Nagbabasakaling makita ang kung sino mang partner ko. Napatigil naman ako nang biglang tumingin si Travis sa akin.

"What's your number?", tanong niya kaya napatigil ako.

"8", sagot ko kaya napangisi ito saka ipinakita ang number niya. Holy mackerel, siya ang partner ko.

* - *

"NOW!", napaigtad naman kaming lahat saka nagsimulang mag-push up. Oo, mag-push up. Masyadong perfectionist ang prof namin at bago raw siya magturo ng mga self-defense techniques he would like to make sure na physically fit pa kami. Bahagya pa akong napapangiwi nang may nasisigawan ito. Gosh! Ba't palaging ganito ang mga klase namin? Masyadong harsh.

"Ayusin niyo ang position niyo! Nagmumukha kayong tamad!", sigaw pa uli nito kaya mas lalo akong napangiwi habang nagpapupush-up. Napasulyap pa ako kay Vera na halatang nahihirapan sa pagpush-up napangiwi pa ako nang panay pa ang mura nito sa isip niya. Pero agad rin naman akong napasimangot nang maalala ko ang nakita kong image kanina. Why do I keep seeing those things?

"Are you okay?", napalingon naman ako kay Travis nang magsalita ito.

"Ha?", sagot ko at napailing naman ito.

"You're spacing out, tumigil ka sa kakapush-up.", sagot niya kaya napatingin ako sa sarili at napatigil nga ako sa pagpush-up. Sasagot pa sana ako nang bigla nalang mapunta sa amin ang atensyon ng prof namin.

"You too! Why do you keep on talking?", sabi pa nito kaya nailing nalang ako saka nagpatuloy sa pagpush-up. Mukhang hindi yata 'to academy na para sa mga may abilities, mukhang academy yata 'to para i-train kami para maging army. I'm starting to hate Tuesdays.

* - *

"Ayoko na! Hakdog! Nakakapagod! Nagmukhang physical education ang self-defense class natin!", nailing naman ako sa sinabi ni Vera.

"May point rin naman si prof, kailangan munang maging physically fit tayo bago sumabak sa isang self-defense class but I won't disagree with you. Nakakapagod nga, feeling ko magiging sore ang muscles ko.", napaismid naman si Vera sa sinabi ko.

"May muscles ka ba? Ang payat mo kaya.", napangiwi naman ako sa sinabi niya.

"Oa mo sa payat na part, of course may muscles ako. Lahat tayo meron, I'm no exception.", sagot ko kaya nailing naman siya. Papunta na kami sa cafeteria para kumain. Baka nandun na si Jave, siguro kasama niya ang guardians since sabi nga niya ay may mission sila.

Pagkarating nga namin sa cafeteria ay hindi naman namin mapigilang hindi magtaka nang makitang sobrang tahimik. Problema nila? Inilibot naman namin ang aming tingin at labis nalang kaming nagulat nang makitang may isang nakataob na mesa sa harap ni Entice at Jave. Both of them are glaring at each other.

"Nag-away ba sila?", tanong ko at nakita ko namang napalunok si Vera.

"Parang, iba ang aura ni Jave oh.", sagot ni Vera kaya napangiwi naman ako.

"Ba't ba galit na galit si Jave kay Entice? Hindi niya ba nai-kwento sa'yo?", tanong ko at napangiwi naman uli si Vera.

"Just the typical story of bestfrienda to enemies. Hindi na masyadong in-elaborate ni Jave sa akin. Basta ang alam ko lang ay bestfriends iyang dalawa. Then ayun, isang araw naging mag-mortal enemy na.",  sagot niya kaya napatango naman ako.

"You b*tch! Social climber!", rinig naming sambit ni Jave kaya napaawang ang mga labi namin. Ganun ba siya kagalit ka Entice? Nakita naman naming nalukot ang mukha ni Entice at halatang nasaktan ito sa sinabi ni Jave pero mukhang pilit nitong binabalewala.

"Ano bang ginawa ko para magalit ka ng ganyan? Mygosh Jave! You're being childish!", sagot ni Entice pero mas lalo nalang kaming nagulat ng biglang ngumisi si Jave. As if he's mocking Entice.

"Really? Hindi mo alam? Continue acting like a victim Entice because you know what? Karma's a b*tch.", sagot nito saka nagsimulang maglakad papalayo sa kanila. Napatitig ito sa amin pero nanatiling seryoso ang mukha nito. Gustuhin ko man siyang lapitan ay hindi ko naman magawa. I think he really needed a time alone. Nagtinginan naman kami ni Vera at nagkibit balikat naman siya.

"Maya na tayo chumika sa kanya. Let's eat first.", sambit nito saka ako hinila papuntang counter.

* - *

"What are you thinking? Iniisip mo pa rin ba si Jave?", tanong ni Vera kaya napatango naman ako.

"Oo, I mean, nakita mo na ba siyang ganun?", umiling naman si Vera.

"Hindi pa, well, may mga ganyan naman talaga hindi? Iyong tipong mga sides natin na saka lang lumalabas kapag galit tayo o ano?", tumango naman ako.

"Siguro, I'm getting curious. Hindi naman palaging ganun hindi ba? Parehas silang guardians kaya hindi maiiwasang magkakasama sila sa isang mission.", sambit ko at napakibit balikat naman si Vera.

"Uh-huh, pero labas na tayo diyan. Problema nila iyang dalawa. Saka namo-moblema pa ako.", sagot ni Vera kaya napataas ang kilay ko.

"Sa alin?", sagot ko.

"Enhancing of abilities ang subject natin bukas. Nae-excite ako at the same time kinakabahan. Sunod-sunod na ang kamalasan natin sa mga subjects, sana naman matino na bukas. Saka excited na ako malaman kung ano ang ability mo!", sagot nito kaya napanganga ako. Speaking of ability, ano nga bang ability ang ipapakita ko?

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon