Chapter 39
Chaos' POV
Napalunok naman ako nang tila ba parang ilang segundo ay tatawagin na ako. Alam ko namang kaya kong ipagtanggol sa ang sarili ko but still, mukhang isa sa mga prinsipe ang makakalaban ko. Lahat ng miyembro ng guardians pati si Vera ay tapos na. Naging maayos naman ang laban nila, si Vera ay nasali pa sa top 20 habang ang mga miyembro ng guardians ay nasa top 10.
"Sa tingin niyo ba ilalaban ako ng Dean sa kanila?", bulong ko kina Jave at Vera kaya napangiwi ito.
"Hindi naman siguro Chaos, sabi nga ni Prince Zeus at silang dalawa ang ipaglalaban. It would be unfair to you 'no? For sure, sila nang dalawa ang top. Nausog pa tuloy rank ko.", sagot sa akin ni Jave kaya napabuntong hininga nalang ako.
"And for the special battle for this examination, let me call on the Princes! Prince Zeus and Travis!", anunsyo ng Dean kaya tila ba nabunutan ako ng tinik.
"And Miss Chaosiah Autumna!", dagdag naman ng dean kaya tila ba napako ako sa aking kinauupuan.
Nagbulungan naman ang mga ibang studyante nagtataka sila kung bakit ang isang katulad ko ay ilalaban sa dalawang prinsipe. Naramdaman ko namang pinisil ako ni Vera sa braso kaya napatayo ako. Nakatingin silang lahat sa akin naghihintay kung ano nga ba ang gagawin ko.
Tiningnan ko naman sina Prince Zeus at nagsipagkibit balikat lamang ito. Sabay naman kaming bumaba at tumungo sa arena. Nang makarating kami roon ay nagpalitan naman kami ng tingin. So sino ang unang aatake?
Jave's POV
Napatayo naman ang lahat nang makatungtong na ang tatlo sa arena. Ang kaninang puno ng sigawan na auditorium ay nabalot ng katahimikan. Lahat ay nag-aabang sa kung ano na ang susunod na mangyayari. Ramdam naman naming nasa audience ang tensyon na namumuo sa kanilang tatlo.
"Tataya ako kay Zeus.", ani ni Marcus saka naglagay ng sampung gallons sa may vacant na upuan.
"Bente ang itataya ko kay Zeus.", sambit naman ni Calyx at nagsipasunuran naman ang iba. Sina Entice at Beverly ay tumuya kay Prince Travis.
"Singkwenta sa aming dalawa ni Vera para kay Chaos.", naiinis kong sabi kaya nagsipag-ilingan ang iba.
"Sigurado ka na riyan, Jave?", tanong sa akin ni Luke kaya ngumisi ako. Sasagot pa sana ako nang magsalita si Vera.
"Make it a hundred for Chaos, tig-singkwenta kami ni Jave.", sabi ni Vera kaya napangiwi ako. Nagtinginan na tuloy sila. Bago pa man may magsalita ay umugong na ang sirena kaya ibinalik na naman ang atensyon sa arena.
Napahiyaw naman ang lahat nang inilabas ni Prince Zeus ang kanyang espasa na halos kasing laki na ni Chaos. Napangiwi tuloy ako, kapag talaga nahagi si Chaos niya paniguradong lilipad siya. Pinagdaop ko naman ang aking mga palad saka nagdasal sa mga diyos.
'Make Chaos win, please.'
Tahimik naman akong nagdasal saka muling tumingin kina Chaos. Napatayo naman ako nang bigla nalang may dumagundong. Napanganga naman kaming lahat nang umitin ang kalangitan. Nakabukas bobong ng Auditorium sa may arena kaya kitang-kita namin kung paano tumama ang kidlat sa gitna ng arena.
"Oh my! That's my bestie!", sigaw ni Vera kaya may ilang estudiyanteng napasulyap sa amin kaya siniko ko naman ito. Inirapan naman ako nito kaya napangiwi ako.
Nagpalitan naman silang tatlo ng atake, panay wasiwas si Prince Zeus ng kanyang espasa kaya panay iwas si Chaos. Nagpaulan naman ito ng mga pana na gawa sa kuryente saka nagpalabas ng tatlong buhawi patungo sa gawi nila. Pigil hininga naman kami habang nanunod.
Nagpalabas naman ng maitim na usok si Prince Travis. Nakita ko namang napaubos si Chaos at Prince Zeus. Nagpalabas naman si Chaos ng vines galing sa ilalim ng kalupaan. Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiwi nang masira ang sahig ng arena. Puno ng tinik ang vines saka sinubukang atakehin ang dalawang prinsipe. Hindi iyon inasahan ni Prince Travis kaya tumilapon ito sa sulok ng arena habang si Prince Zeus ay pinutol ang vines bago pa man ito makarating sa kanya.
Mula sa pagiging espasa ay nag-iba ang hawak-hawak ni Prince Zeus. Naging latigo ito at sinubukan niya namang abutin ang binti ni Chaos. Akala ko ay matatamaan na ito nang bigla na lamang kinain ng apoy ang latigo ni Prince Zeus. Nawala rin naman ito nang tila ba nagpalabas si Prince Zeus ng kulang abong tubig. Hindi talaga namin alam kung ano ang kapangyarihan ni Prince Zeus, ang alam lang namin ay kaya niyang magpalabas ng iba't ibang armas.
Nakita naman namin si Prince Travis na tumayo saka kumumpas. Bigla namang may lumitaw na parang maitim na creature saka hinila ang binti ni Chaos. Ang unfair nun ah, ba't nila pinupuntirya si Chaos? Dapat sila muna ang magpatayan. Malayo man kami sa arena ay kitang-kita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon ni Chaos.
"Nakakapanindig balahibo iyon.", rinig kong bulong ni Marcus kaya napangisi ako. Naramdaman niya na sigurong matatalo siya sa pustahan. Nang ngumisi si Chaos ay napansin ko ring naman napatigil ang dalawang prinsipe. Mukhang nagulat pa nga ang mga ito.
Ngunit muli na naman kaming ginulat ni Chaos nang bigla na lamang itong sumigaw ng pagkalakas-lakas. Matapos nito ay bigla na lamang siyang lumiwanag. Nakita ko pang nilapitan ng dalawang prinsipe si Chaos at pilit na pinapakalma.
Ngunit huli na ang lahat, napapikit naman kami dahil tila na mabubulag kami sa sobrang liwanag. Nang maramdaman naming wala na ito ay lumingon kaming muli sa arena. Napanganga naman kami nang makita naming lumiliwanag si Chaos. Iyong buhok niya ay parang naging kasing puti ng nyebe at ang mga mata niya ay tila ba kumikinang. Lumulutang ito at literal na lumiliwanag. But what's more surprising ay parehas na walang malay ang prinsipe.
"Holy sh*t.", rinig kong may sabi. Napakurap-kurap naman ako dahil sa gulat.
"I guess we won the bet then.", anunsyo ko kaya napangiwi ang kapwa ko guardians.
* — *
Someone's POV
"And that's it! That's what I've been waiting for.", sigaw ng kung sino habang nakatingin kay Chaos.
"I guess it's time for me to start with my plan, mapapasaakin ka rin Chaos. It may be by hook or by crook."
* — *
"I guess we have a new top 1 then. Let's all congratulate Miss Chaosiah for being the strongest of all!", anunsyo ng dean na siyang sinundan ng katahimikan. Matapos din mapagtanto ng mga manonood ang nangyari ay nagsipagpalakpakan ang mga ito. Hindi pa rin lubos makapaniwala sa kung ano man ang nangyari.
[ A/N: Bolaga everyone! Hoping that you enjoyed reading this one. Probably there will be a few more updates this week since I don't have a ftf class. Thanks for reading! Lovelots! ]
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantezieNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...
