Chapter 49

1.7K 46 0
                                    

Chapter 49

Chaos' Point of View

Pinanood ko naman ang lahat ng mga nangyari. Napanood ko rin kung paano sinubukan ni Serenity na tumakas at ang pagtulong ni Travis sa kanya. Ang sabi ni Ronan ay nakaplano na itong pagkadakip ni Serenity pero bakit naman sinusubukan niya na tumakas? Napatakip naman ako sa bibig nang makita kong sinaksak nung isa sa mga tauhan ni Ronan si Serenity. Sinubukan kong gumalaw sa kinatatayuan ko but I can't.

It was as if nanonood lang ako ng palabas. Hindi ko naman mapigilang hindi mapaiyak nang makita kong duguan ang kambal ko. Totoo mang spirit guide ko siya o ano, she's still my twin at hindi na maaalis ang katotohanang iyon. Hindi ko tuloy maiwasang hindi magalit dahil sa sinapit nito.

Nag-iba naman ang paligid at mukhang napunta ako sa kung saan nakatira si Ronan. Nanlaki naman ang mga mata ko nang may makita akong nakahiga na kama na siyang kamukhang-kamukha ni ina. Siya siguro si Chiara, totoo nga iyong sinabi ni Ronan na hawak niya ang totoo kong ina.

Napalingon naman ako sa may pinto nang bumukas ito. Pumasok naman si Ronan kaya hindi ko mapigilang hindi ito samaan ng tingin. Pero napatitig naman ako sa taong kasunod niyang pumasok. It was Serenity! Pero maayos ang lagay nito. It was as if she wasn't even stabbed. Pinagaling ba siya ni Ronan?

"Here's what you're asking for. Your mother is alive.", parang walang kabuhay-buhay na sabi ni Ronan kaya hindi ko mapigilang hindi mapailing. Napatingin naman ako kay Serenity at nakita ko namang tila ba naluluha ito.

"So she's really alive? Paano mo naman siya nakuha? Ang sabi ni ina ay kusa siyang nawala!", sabi ni Serenity umiling naman si Ronan. Paano niya kaya nakakausap ng ganyan si Ronan? Like dinukot kaya siya nito!

"Kung hindi ko siya hinanap ay baka nga patay na talaga iyang ina mo. So, don't accuse me of what happened!", sagot ni Ronan pero sinamaan lang siya ng tingin ni Serenity.

"Kasalanan mo naman talaga! Kung hindi ka sumali sa mga masasamang sorcerer ay wala sanang mangyayaring ganito. Hindi sana sila itinakwil ng mga magulang nila.", turan ni Serenity at napabuntong hininga si Ronan.

"I was angry. I was hurt. I was deceived. What do you expect me to do? Magtatalon sa tuwa dahil ang mapapangasawa ko ay nabuntis ng mapapangasawa ng kapatid niya? Of course, I'm gonna be mad. Saka h'wag mo nga akong sisihin! It's not like everything is my fault.", sabi ni Ronan kaya napatitig naman ako sa kanya. Hindi ko alam pero mukhang hindi nga naman talaga ganun kasama si Ronan. Masama pa rin naman siya pero hindi naman ganun kasama.

"I need you to do something. May nakapagsabi sa akin maaaring dugo niyo lang ng kambal mo ang makakapagpagaling sa kanya.", seryosong ani ni Ronan pero umiling naman si Serenity.

"Hindi ko siya mapapagaling.", sabi ni Serenity habang natingin kay Chiara. Bumaling naman ito kay Ronan.

"Si Chaos lang ang makakatulong sa kanya. At hindi pa sa ngayon.", dagdag pa ni Serenity kaya naman napakunot noo naman ang kaharap nito.

"Alamin mo iyong totoong nangyari. May nangyari sa kanya na hindi natin alam at may mga nangyayaring hindi natin alam.", sambit ni Serenity kaya napatitig sa kanya.

"You know something, what about you just tell me everything. Alam kong alam mo ang totoo.", sabi ni Ronan pero umiling si Serenity.

"I am not supposed to tell anyone anything.", sagot ni Serenity kaya napailing naman si Ronan.

"You're just making it longer for us to do something. Just tell me everything.", sambit ni Ronan pero nginisihan lang siya ni Serenity.

"Pumayag na nga akong maging bihag mo tapos manghihingi ka pa ng impormasyon sa akin. Do it on your own, you have your men, you have the resources and you have the brain. Gamitin mo.", napatakip naman ako sa bibig ko dahil sa sinabi ni Serenity. Hindi ko alam pero tila naging iba itong Serenity na nasa harap ko ngayon.

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon