CHAPTER 8: Someone is JEALOUS..

140 5 1
                                    

"Salamat ulit sa paghatid Rukawa." Ang pasalamat nya sakin. Ngumiti lang ako "Wala yun Kariya. Basta wag ka na ulit iiyak. Kapag minamaliit ka nila, ipakita mo na nagkakamali sila." Yun lang ang sinabi ko at umalis na ako.

(Kariya's P.O.V)
Pagka alis ni Rukawa ay pumasok na ako sa loob. Pagdating ko doon, Andito na naman si Akira. "Good evening wifey. Ang sweet nyo naman ni Rukawa. Back ride ka pa nya sa bike nya." Ang bungad nya. "Ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. "Andito ako para sunduin ka. May family dinner sa bahay andun din sina tito at tita... I mean yung parents mo" ang sagot nya. "Hintayin mo lang ako maliligo lang ako." Tumango lang sya.

(Sendoh's P.O.V)
Nakakainis yang si Rukawa. Magkasama na naman sila ni Kariya. Mabuti pa kaya ipamukha ko sa kanya na akin si Kariya. Hindi ako papayag na makuha nya si Kariya. Mayamaya pa bumaba na si Kariya wearing a blue fitted dress na pinarisan nya ng black heels. Ang cute nya talaga.

Paglabas namin nandun na ang sundo namin. Habang nasa loob kami ng BMW na sinasakyan namin.. tinanong ko sya. "Nanliligaw ba sayo si Rukawa?" Hindi agad sya sumagot. 10 seconds bago nya ako sinagot ng ganito "It's none of your business. Dahil kahit ligawan man ako ni Rukawa o hindi. Magustuhan ko man sya o hindi sayo pa rin ang bagsak ko."  Sa bagay may point sya.

Andito na kami sa bahay namin sa bahay namin. 385 Sakura street, Kanagawa, Japan. Yan ang address ng bahay namin. Pagbaba namin sa sasakyan pinahawak ko agad sya sa bisig ko. "Welcome home, Akira-sama" ang bati ng mga buttler at attendants. Ngumiti lang kaming dalawa. Tumuloy na kami sa dining area. Kung saan naghihintay sina mommy at daddy. Pati na sila mr and mrs Okade. "Akira, Kariya. Andito na pala kayo mga anak." Bati agad ni Mommy. "Konbanwa Mommy," sabi ni Kariya. Beso beso lang kami. "Konbanwa... It's so nice to see you together. Excited na ako na maikasal kayo." Sabik na sabik na sabi ni Mommy. "Kahit ako naman po eh". Natigilan sila sa sinabi ko. "Okay let me tell you this tito, tita. Mommy and Daddy. I like Kariya... no... I mean to say is... I love her so much. Hindi ko po ito sinasabi dahil sa fixed marriage namin. Pero totoo po talaga ang nararamdaman ko para kay Kariya. I love her so much... At hindi po ako papayag na maagaw sya ng iba." Ang sabi ko sa kanila at napaiyak naman ang mommy ni Kariya. "It's so great to hear that from you hijo. Natutuwa ako na sinabi mo ang mga bagay na iyan. Ngayon hindi na ako mag aalala na hindi kayo magiging masaya" ang wika ni Tita. Nagsimula na kaming kumain. "Oo nga pala... what are you doing to win her heart Akira?" Tanong ni Dad habang kumakain kami. "Nililigawan nya po ako Tito." Ang sagot nya. "Oo nga po. Para di na sya malapitan ni Kaede Rukawa." Ang dagdag ko naman kasi naasar na ako kay Rukawa. "And who is that Kaede Rukawa.?" Tanong ni Mr&Mrs. Okade. "Mom, Dad. Kasali na po ako sa Basketball team ng Shohoku. Assistant Manager po nila ako. Si Kaede Rukawa po ang Ace Player ng team namin. Galing sya sa Tomigaoka. Freshman din sya tulad ko. FRIENDS lang po kami mom. Nagkakasabay po kami pag pauwi kaya hinahatid na nya ako. Nagmamagandang loob lang naman po ang tao na ihatid ako. Kahit sabihin nyo naman po marunong akong lumaban... babae pa rin po ako." Ang paliwanag nya.

"Asus, pinaglaban pa ang FRIEND nya daw. Paalala ko lang WIFEY iba ang kaibigan sa Ka-ibigan".. ang sabi ko. "Yan ba ang tinatawag na... Anu nga ba yun dear Balae?" Tanong ni Tita sa Mommy ko "Yes dear... L.Q" sagot ni mommy at nagtawanan sila. "Alam mo Akira, manang mana ka sa Dad mo kapag nagseselos ka." Ang sabi ng daddy ni Kariya. "Tama ka jan" ang sagot naman ni dad.

(Kariya's P.O.V)
After that dinner dinala ako ni Akira sa secret garden niya. Sa likod kasi ng bahay nila ay mayroong Maze at sa gitna noon ay isang secret garden na punong puno ng mga ibat ibang klaseng bulaklak. May Gazebo doon sa gitna ng pond na may mga nakatirang coy at mga nakalutang na lotus. Sa loob ng Octagon shaped Gazebo ay may swing for two. Umupo kami doon. "Akira, ano bang pinagsasasabi mo kanina sa dinner?"tanong ko sa kanya nang makaupo ako sa swing. Umupo sya sa damuhan at isinandal ang ulo nya sa kandungan ko. "Totoo ang mga sinabi ko kanina. Kilala mo ako Kariya. Ako yung tipo na straight forward lang. I speak what's on my mind... Kariya, siryoso ako sayo." Hinawakan nya ang kamay ko at pinaglaruan. "Kakaiba ka sa mga nakilala kong babae. Hindi ikaw yung tipong pagpapa cute lang ang alam at puno ng kahinhinan. Simple ka lang... but you are beautiful in your own way. Kusa kong nadama na mahal kita. Hindi ko yun pinilit dahil sa f*ckn fixed marriage na yun." Ang dagdag pa nya at bigla ko na lang syang nakita na lumuha ng tahimik.

"Kaya nga nagseselos ako na lagi ka na lang hinahatid ni Rukawa. Pero may tiwala ako sayo. Sabi mo kaibigan mo lang sya diba? Naniniwala ako. Gusto ko lang naman mapatunayan na siryoso ako sayo. At once na mahalin  mo ako, kasama dun ang assurance na hindi kita iiwan kahit ikamatay ko pa. Hindi ako papayag na maagaw ka ng iba lalo na ni Rukawa. Gagawin ko ang lahat mapatunayan ko lang sayo na ang lahat ng sinabi ko sa mga magulang natin kanina ay totoo at walang halo ng kasinungalingan." At saka nya hinalikan ang mga palad ko. Sa totoo lang, kahit ayoko sa taong to, hindi ko sya kayang makitang umiiyak ng dahil sa akin. Kaya niyakap ko na lang sya. Pero wala akong sinasabi kundi "Ssshhh, Tahan na Akira. Tahan na." "Kahit sinasabi mo na ligawan ka man nya o hindi, mahalin mo man sya o hindi. Sa akin ka pa rin mapupunta. Nandun pa rin ang pangamba ko na baka mawala ka. Ayos lang naman kahit kaibigan lang ang turing mo sa akin. Pakiusap ko lang naman sayo wag kang mawawala sa tabi ko." Ang dagdag pa nya. Diyos ko ano po bang dapat kong gawin dito kay Akira. Alam naman pala nya na kahit anong gawin ko sa kanya pa rin ang punta ko. Ano pang minamaktol nya.

Kinabukasan sa school, nagkasabay kami ni Haruko sa gate. "Ohayo, Haruko" ang bati ko sa kanya. "Ohayo, Kariya. Balita ko ihinatid ka na naman kagabi ni Rukawa. Mukhang type ka nya". Ang sabi nya. "Anong iniisip mo sinusulot ko ang ultimate crush mo?". Ang tanong ko sa kanya. Umiling sya at sinagot ako ng ganito. "Ano ka ba Kariya. Wala naman akong magagawa kung ikaw ang gusto nya. Alam mo ba nung niyakap ka nya kahapon aa gym, alam kong nagaalala sya. Kasi naman itong si Sakuragi napaka insensitive." Niyakap ko na lang sya. "Arigatou Haruko. Napakabait mo. Akala ko magtatampo ka sa akin eh" wika ko at kumalas na ako sa yakap. "Naku hindi naman. Kaibigan kita. Tayo nina Fujii at Matsui magkakaibigan tayo. Dapat tayong magsoportahan at hindi dapat nag aaway. Ayos lang ang konting hindi pagkakaunawaan pero dapat maayos natin yun". At ngumiti sya ng pagkasabi noon. Napakabait talaga ng babaeng ito. Para syang angel in disguise.

Nang bigla na lang may tumama sa ulo ko. "Aray!" Ang pagpagal ko. Paglingos ko sa likod namin ni Haruko ang FANGIRLS  na naman ni Rukawa. Sino pa eh di si ispasol with the gang. Harap harapan pa akong binato ng bato. Tinamaan ako sa may sintido ko. "Kariya..." ang nag aalalang pagtawag ni Haruko sa pangalan ko at saka hinarap ang mga bumato sa akin. "Hindi nyo ba alam na mali ang ginawa nyo?" Ang galit na galit na sabi ni Haruko. Nagbu-blurd na ang unti unti ang paningin ko. Pero nakaya ko pang hawakan ang bakilat nya. "Hay nako Kariya, wag mo akong pigilan dahil maling mali ang ginawa nila." Yung ang huli kong naalala na sinabi nya.

(Oh no, ang sama naman ng FANGIRLS ni Rukawa. Napahamak si Kariya dahil sa kagagawan nila.... So ano mga madlang readers. Sino ang team Sendoh at team Rukawa jan?).

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon