Puspusan na ang pagpapractice ng team. Ang susunod kasing makakalaban ay ang Kainan. Kahit pagmamay-ari ng pamilya ko ang Kainan ayokong matalo ang Shohoku.
"Ako ba yung iniisip mo?" Sabi ni Rukawa. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang practice nila. "Hehehe bakit sino bang gusto mong isipin ko si Akira?" Sabi ko naman at sinam-an nya ako ng tingin..."Ay.... nagseselos na Soro? Ang galing.." ang pangaasar ni Sakuragi. "Di ka mabiro. Syempre yung mahal ko. Kilala mo naman kung sino sya diba?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti sya "Ehto oh, lemon water." Sabay abot sa kanya. "Thanks love..." ang wika nya nung kinuha nya yung lemon water.
"Ang sweet nga naman talaga ng dalawang ito. When kaya yung sakin?" Tanong ni Miyagi sa sarili nya. "Ryota..." ang pagtawag sa kanya ni Ayako at katulad ng dati... pumuso-puso na naman ang mga mata nya.. "Aya-chan... 😍😍😍" ang wika nya. "Ehto oh, energy drink." Sabay bigay sa kanya nito. "Galingan mo sa susunod nyong laban ha." Dagdag pa ni Ayako. "Oo Ayako... Salamat." Bubuksan na ni Ryota ang energy drink nang halikan sya ni Ayako sa pisngi nya.. mabatobato sya sa kinatatayuan nya. Hindi nya namalayan na umalis na pala si Ayako.
"Hanamichi..." tawag nya kaya Sakuragi. "Ano kulot... naka isa ka na jan." Sabi naman ni Sakuragi. "Kariyang Bonsai, pwede bang sapakin mo ako ng notebook mo please." Pagmamaka-awa pa nya. Kinuha naman ni Kaede ang notebook ko at sinapak kay Miyagi. "Aray" ang angal ni Miyagi. "Miyagi... Hindi ka nananaginip gunggong. Hinalikan ka talaga ni Ayako." Wika nya kay Miyagi at natawa na lang ako.
"WAAAAAAHHHHHHH! Diyos ko kunin nyo na po ako.... Hinalikan na po ako ni Ayako, handa na po akong sumalangit!!!" Ang sigaw ni Miyagi. Natawa na lang ako. "Gunggong ka talaga Miyagi." Ang wika ko.
Nang hapon na yung magkasabay ulit kaming umuwi ni Kaede. "Ano bang iniisip mo jan?" Tanong sakin. "Sorry kung di kita naipakilala kay Mommy." Ang siryoso kong wika sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko at sinabing. "Wala iyon. Naiintindihan kita. Ang mahalaga sakin ay ikaw at hindi ang mommy mo." Ang wika nya.
"Nahihinuha ko na tutol ang mommy mo sa ating dalawa. Pero nangako ka na di mo ako iiwan diba? Magtiwala ka lang... Ipaglalaban kita." Dagdag pa nya. Jusko itong taong yelo na to napaka sweet naman pala. "Oo naman.. ilalaban natin to" sagot ko sa kanya.
Mamaya pa ay nakarating na ako sa appartment ko. Nag goodbye kiss lang sya tapos umuwi na sya.
Pagpasok ko ng bahay... nandon si "Mommy?" Ang wika ko kasi andito talaga ang mondragon na to. "So, totoo pala na boyfriend mo si Kaede Rukawa." Ang sabi nya sakin with a smirk. "Eh ano ngayon.." yan lang ang nasabi ko kasi... Na-adopt ko na ang pagiging cold person ni Kaede.
"Alam kong tutol ka. Kaya hindi ko na sinabi sayo. Walang halaga kung malaman mo man o hindi. One thing is for sure hindi ako papayag na mawala sya sakin." Ang wika ko sa kanya at naglakad na ako papuntang kwarto. Nang bigla ayang nagsalita.
"Kariya! How dare you turn your back while I am talking to you!? And talking to me like that?" Galit na galit na sabi ni Mommy. "Because I dont care of what are you thinking of. Gusto mo lahat ng gusto mo makukuha mo. Like what the hell. Buti di ako total spoiled brat na tulad mo." After I said that... sinampal nya ako. "Are you happy?" Ang sabi ko sa kanya.
"Bakit ba naman kasi ha Kariya? Alam mo naman pala na tututol ako sa relasyon mo sa ibang lalaki eh. Bakit ginawa mo pa? Mahal ka naman ni Akira diba? Ano pang kulang?" Tabong ni Mommy sakin.
"Because I love Kaede! Walang mali at kulang kay Akira Mommy. Pero friendship lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Okay na kami sa boundary na yun." Sagot ko sa kanya. "And what you know about love?" Tanong sakin ni Mommy.
"More than you mommy. Wala kang alam kundi ang paikutin sa palad mo ang mga tao sa paligid mo. At yun ang bagay na hinding hindi ko gagawin." Ang sagot ko sa kanya at tuluyan na akong umakyat papunta sa kwarto ko.
Pagdating doon nagchat ako kay Kaede.
ME: Kaede, nandito si mommy nag-away kami.
KAEDE: Ano? Okay ka lang ba? Pupuntahan kita jan haharapin ko ang mommy mo. Sinaktan ka ba nya?
ME: I'm alright. Alam na ni mommy yung tungkol sating dalawa.
KAEDE: Mag-usap tayo bukas. Good night mahal ko. Matulog ka na din. Wag kang iiyak ha. Wala ako jan eh. Ayokong makitang pugto ang mga mata mo bukas.
ME: Goodnight mahal... send love and kisses.After that nakatulog na nga ako. Grabe si Mommy. Ngayon magsisimula na ang kalbaryo saming dalawa. Kinabukasan sa rooftop kung saan lagi syang natutulog..
Natutulog na naman sya. Palibhasa lunch time na at kakatapos nya lang kumain. Humiga ako at umunan ako sa braso nya. Habang ang kamay nya ay nakalagay sa ulo nya. Ipinikit ko lang ang mga mata ko. At di ko namalayang may tumulo palang luha galing sa mga mata ko. Niyakap ako ni Kaede. "Wag kang umiyak... tahan na.." wika nya.
"Sorry... di ko mapigilang umiyak.. Ngayon lang kami nag-away ng ganto. Masakit kasi nanay ko sya. Pero alam ko sa puso ko ito ang tama. Kaede ayoko mawala ka sa tabi ko ayoko..." ang pag-iyak ko sa kanya sa bisig nya. "Ssshhh... Di ako mawawala sayo pangako.. tahan na ha. Tahan na." Ang pag-aalo nya sakin.
Sa practice nila tahimik lang ako sa isang tabi. "Bakit ang tahimik yata ngayon ni Bonsai... Hoy Hari ng Yabang... May LQ ba kayo?" Pang-uusisa ni Sakuragi. "Wala ka na dun ususerong gunggong." Sagot naman ni Rukawa.. Ang cold talaga. Kelan kaya sila magkakasundo?
"Kariya, bakit namumugto ang mga mata mo? Inaway ka ba ni Rukawa?" Tanong ni Ayako. "Hiwalayan mo na Bonsai!" Ang pang-aasar ni Sakuragi. Binatukan sya ni Akagi. "Nang-aasar ka pang gunggong ka eh." Sabi pa nito. "Bukol again Gori..." angal pa ni Sakuragi.
"Hindi kasi... mag-aaway kami ni Kaede pero di kami maghihiwalay. Nalaman na kasi ng Dragon ang tungkol sa amin eh.." sagot ko naman. "Nako... problema nga yan." Ang sabi na lang ni Ayako. Saka nya ako niyakap. "Stay strong lang kayo ha... Walang bitawan." Ang dagdag pa nya. "Bonsai, wag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para matulungan ka. Okay ba yun?" Sabi pa ni Sakuragi.
"Sa wakas may nasabi ka ring matino." Ang sabi ni Kaede. "Tumahimik ka jan Soro." Ang sagot naman ni Sakuragi... Sila talagang dalawa... Kelan kaya sila magkakasundo? Kapag end of the world na?
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...