Ilang minuto na lang ang natitira sa Laro. Babalik na sana ako nang makita ko si Mitsui na nakaupo sa hagdan. Pinulot ko ang energy drink na naigulong nya ng di sinasadya. "Mukhang tumatanda ka na Mitsui... Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. "Nagagalit ako sa sarili ko... Bakit nga ba sinayang ko ang dalawang taon na iyon.... Napaka haba ng panahon na sinayang ko...." ang wika ni Mitsui. Umupo ako sa tabi nya. "Naiintindihan kita... Wag mo nang paka alalahanin yun... Ginawa mo ang lahat ng kaya mong gawin. At alam ko na malalampasan mo ang limitasyon mo ngayon. Saludo ako sayo... Hisashi Mitsui..." ang pag aalo ko sa kanya. "Salamat... medyo lumakas ang loob ko. Napakaswerte naman yata ng mayabang na yun na minahal mo sya. Oo nga pala maiba ako.. kakagaling mo lang sa pag iyak ano... wag kang magsisinungaling... Ano bang nangyari?" Tanong ni Mitsui sa akin.
"Masama ang loob ko kay Kaede Mitsui. Pano nya nagawa yun??? Bakit sya pumayag na gawin akong pangpusta kay Sendoh?...." Ang sagot ko sa kanya habang pinipigilan ko ang pagpatak ng luha ko. "Aba loko ang Mayabang na yun ah. Hindi ko pa nararanasan ang magmahal ng tunay.. pero... hindi nya dapat ginawa yun..." wika ni Mitsui sakin.
"Tahan na Kariya... Tama na... Ayakong makakita ng babaeng umiiyak. Para na kitang nakababatang kapatid kaya ayokong nalulungkot ka. Lalo na at birthday mo ngayon... Diba? Kaya smile ka na." Dagdag pa nya kay magkasabay na kaming bumalik sa gym.
Pagdating namin... si Akira... nagpapaulan na naman sya ng mga puntos. "ISANG PUNTOS NA LANG ANG LAMANG NATIN. KAHIT ANONG MANGYARI WAG SILANG PAPALAMANGIN!" Sigaw ni Mitsui.
"HOY KAEDE RUKAWA!!!! ALAM MO NAMANG HINDI KA PWEDENG MAGPATALO SA KANYA DIBA?! KAYA MO YAN!!" Ang sigaw ko naman. "Iba na talaga kapag supportive ang girlfriend...." wika naman ni Kogure. "Nakita mo ba Mitchi? Napakagaling ng ginawa ng henyonh ito diba?" Wila naman ni Sakuragi. "KALIMUTAN MO MUNA ANG PAGIGING HENYO MO AT MAG CONCENTRATE KA GUNGGONG!" Sagot naman ni Mitsui sa kanya.
Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Sakuragi.. Nahatawan nya si Sendoh. Yung nga lang... gunggong talaga ang walangya. Hindi marunong sa jumpball kaya nakuha ulit ito ni Saendoh... "Hay... kung di ka rin naman isang katerbang gunggong Sakuragi. Natalo mo sana si Akira sa jumpball kaso di ka marunong tumayming." Wika ko na lang na nanghihinayang. Sayang kasi talaga eh.
Ang mga sumunod na nangyari ay nagpahanga sa akin kay Sakuragi. Akalain mo nga naman. Kapag nagseryoso na sya sa laro, magagawa nya ang bagay na di mo inaasahan. Na-block nya si Fukuda kaya wala itong nagawa kundi ipasa sa iba ang bola. Ishoshoot na ni Koshino ang bola pero na block ito ni Akagi.
Hanggang sa nakuha ni Uozumi ang bola at ishoshoot na nya ito. Iba-block ni Akagi pero parang napaaga yata ang talon ni Akagi noon. Pero di namin inaasahan na mabilis na nakapunta doon si Sakuragi at mabilis itong tumalon sa likuran ni Akagi..... Si Sakuragi... Napalpal nya si Uozumi.
Si Hanamichi Sakuragi... Nahatawan nya si Sendoh. Na-block si Fukuda. At napalpalan si Uozumi. Sya ba talaga ito. Di ako makapaniwala sa ginagawa nya.. Hindi... Sa palagay ko, hindi na sya nag iisip. Ang katawan na nya ang kumikilos para kalabanin ang Ryonan.
Susugod si Miyagi. Naharang sya ng dalawang player ng Ryonan. Kaya wala syang nagawa kundi ang ipasa ito kay Akagi na mahigpit na binabantayan ni Uozumi. Pero magaling na player si Akagi kaya nalampasan nya si Uozumi. Ishoshoot na nya ang bola ng i-block sya ni Fukuda. Hindi.... hindi nya maaring ituloy ang shoot na yun. Mapa foul out na sya.
Pinakawalan ni Akagi ang bola pero sumablay ito. Samantala, dagling tumalon si Sakuragi. Sinalubong nya ang bola sa ere at sabay slam dunk. Pagbaba nya sa ring. "DALIAN NYO... BALIK NA.... SIGURADONG BABAWIAN TAYO NI SENDOH..." ang wika nito. "Tama ka Sakuragi, si Sendoh nga ang gumawa ng huling puntos noong practice game natin sa Ryonan.." pag sang-ayon ni Ayako.
Tumunog na ang buzzer. Game over na at nanalo kami.. Napakasaya ng team. Pasok na kami sa interhigh.... "Kariya...." ang pagtawag sakin ni Kaede. "Nanalo tayo... proud ako sayo..." ang wika ko nang bigla na lang syang yumakap sakin. "Bakit?" Tanong ko. "Alam kong nagtatampo ka. Gusto ko lang sabihin sayo na hindi talaga ako pumayag ipangpusta ka kay Sendoh. Sya lang ang nag isip nun. Kaya... tama na... wag ka nang magtampo..." wika nito. Teka... umiiyak ba tong si Kaede? Dahil lang alam nya na nagtatampo ako?
"Ehem, ehem, ehem... Konting galang sa mga walang jowa dito Rukawa..." pangbubulabog ni Kogure. "Ayako, payakap din ako hu,hu,hu,hu...." ang wika ni Miyagi na parang bata. "Alam nyo hayaan nyo na... Iniinggit lang nya si Sendoh. Para sabihin kay Sendoh na akin lang si Kariya at di ko sya isusuko sya..." wika naman ni Mitsui.
Kumalag na sa pagyakap si Kaede.... tama ako.. umiiyak nga sya. Pinunasan ko ang luha nya at sinabi kong... "Ssshhh, tama na. Okay na ha. Kalimutan na natin yun. Ang mahalaga nanalo ang team. Pasok na kayo sa pinaka aasam ninyong interhigh. At ikaw... alam kong ikaw ang magiging number 1 player sa Japan." Wika ko sa kanya.
"Ang Soro marunong din palang umiyak..." wika ni Sakuragi. "Isa yata itong himala..." dagdag pa ni Mitsui. Nagsimula na ang awarding ceremony at kasama sa Mythical 5 si Kaede at Akira. MVP naman si Manong Maki. Matapos ang awarding nagkaroon ng group picture. Hinatak ako ni Kaede. "Halika, papictire tayo. Yung solo lang kita..." wika nito kaya wala na akong nagawa.
Nakahilig ako sa dibdib nya habang hawak nya ang ulo ko. At nakayakap naman ako sa bewang nya. Ganyan ang post namin. "Guys... mauna na ako. May aasikasuhin pa ako eh... Aasahan ko kayo mamaya sa party ha." Wika ko sa kanila. "Oh sige. Dadalawin lang namin si Coach para sabihing nanalo tayo. " sagot sakin ni Akagi.
Nasa labas na ako ng venue nang makita ako ni Akira. "Congrats sa Shohoku. Kasama sila ng Kainan na pupunta sa interhigh." Wika ni Sendoh. "Congrats din sayo dahil kasama ka sa mythical 5." Sagot ko naman sa kanya. "Yun ba? Di ko akalain yun." Nakangiti nyang sabi sakin. Si Fukuda ay tulala pa rin sa likod ni Uozumi. "Fukuda... anong masasabi mo kay Sakuragi?" Tanong ko sa kanya. Hindi makaimik si Fukuda kaya sa Uozumi ang sumagot. "Gunggong sya kung sa kalokohan lang ang pag uusapan. Pero sino nga ba naman ang makakapagsabi na ang tulad nya ay nagawa ang mga malahimalang bagay na yon. Na-block nya si Fukuda... Nahatawan si Sendoh na parang nababasa nya ang iniisip nito. At.... napalpal nya ako.."
"Tama.... noong practice game namin sa kanila, wala talaga syang kaalam alam. Mangmang sya pagdating sa basketball. Pero ang mga pinakita nya kanina... masasabi kong.... kamangha mangha. Silang dalawa ni Rukawa... napakabilis ng improvement nila sa loob lamang ng ilang buwan." Wika Koshino. "Ganun ba?" Wika ko. "Kaya tama ang sinabi mo kanina na di sila matatalo ng dalawang beses." Wika naman ni Fukuda. "Ihahatid na kita." Wika ni Akira. "Hindi, ako ang maghahatid sa GIRLFRIEND ko." Wika naman ni Kaede na kakarating lang pala kasama ang team.
"Seloso kang boyfriend. Wala kang tiwala kay Kariya?" Tanong ni Sendoh. "Kay Kariya meron pero sayo... wala." Sagot naman ni Kaede sa kanya. Sabay akbay sa akin. "Tama na Sendoh... poporma ka pa eh nanjan na ang boyfriend. Ikaw kasi eh. Nasayo na pinaagaw mo pa." Pang aalaska ni Ueksa.
Kaya bago pa magkainitan dito, hinatak ko na si Kaede. Hinatid nya ako hanggang sa train station. Dadalawin pa nila si Coach Anzai eh. Mamayang 6 pm pa naman magsisimula ang party. Kaya may time pa ako para mag ayos.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...