CHAPTER 17: Oda Tatsuma vs. Hanamichi Sakuragi

67 4 0
                                    

Papunta na ako sa school ng Takezono. Kasabay ko sina Haruko, Fujii at Matsui. "Kariya, totoo ba?" Tanong ni Matsui. "Na ano?" Tanong ko din sa kanya "Na kayo na ni Rukawa" "Hay nako Matsui, huli ka talaga sa balita. Alam na ng mundo ang balita ikaw na lang hindi." Pangaasar ni Fujii. "Tumigil na kayong dalawa. Nasa loob tayo ng tren eh. Nasan ang manners?" Awat pa ni Haruko. Buti tumigil na silang dalawa.

Pagdating sa Takezono, naghiwalay kami ng daan nila Haruko pagdating sa gate. Dadaan ako sa cafè para bilhan ng maiinom si Rukawa. Dala ang 3 cans ng paborito nyang energy drink naglakad na ako. Nakita ko si Sakuragi na may kausap na babae. Yun siguro si.... "Miss, sino yung kausap ng lalaking yun?" Tanong ko sa dumaang estudyante. "Ah sya ba? Sya si Yohko. Girlfriend ni Oda" sagot nya.  Naglakad na sya pero nalingat lang ako ng makita si Sakuragi na ka debate ang isang lalaki. Lumapit ako kasi nagkakainitan na. "Hanamichi, tumigil ka" awat ko pero di sya nakinig. Binalibag pa nya si Oda sa pader at akmang susuntukin si Oda. "Sakuragi!!!!!" Pipigilan ko pa sana sya pero sa halip na masuntok bya si Oda, ang kahoy sa tabi ni Oda ang sinuntok nya. "Sakuragi..." ang nanginginig na sabi ni Yohko. "Ikaw si Yohko hindi ba?" Tumango sya. "Mas pinili mo si Oda kesa kay Sakuragi hindi ba? Wag na wag mo na syang lalapitan ulet. Pangatawanan mo ang ginawa mo. Patay na ang Hanamichi na binasted mo noon. Iba na sya ngayon. Habulin mo na si Oda" sabi ko sa lanya at agad syang tumakbo para habulin si Oda. "Sakuragi, tama na. Tandaan mo ang sinabi ko sayo nung isang araw" sabi ko at lumapot sya sa akin. "P-p-pero kasi.... nagagalit ako. Ni hindi man lang ako makaganti na sinaktan ako ni Yohko para sa kanya. Maniwala ka Kariya, pinigilan ko naman ang sarili ko na gumawa ng gulo. Pero sumosobra na talaga ang pang-iinsulto ni Oda sa akin kanina" Siryoso nyang paliwanag sa akin.. "Alam ko, nasaksihan ko ang lahat. Proud ako sa ginawa mo Hanamichi. Ngayon, para makaganti ka kay Oda. Maging henyong sportsman ka tulad ng sinasabi mo sa akin dati" wika ko. Kaya nagpunta na kami sa basketball gym.

Pagpasok na pagpasok pa lang namin si Sakuragi na agad ang binubulyawan ng Takezono Cheering Squad. "Rukawa, wag mong papansinin ang malakas na cheering squad ng Takezono" wika ko. "Oo alam ko. Gagalingan ko" sagot nya. "Rukawa, si Oda pabayaan mo na sya kay Sakuragi. May dapat kasing patunayan ang gunggong na yan." Tumango na lang sya. Magsisimula na ang laban kaya nagjump ball na sila. "Ibang klase ka Bonsai, biruin mong napapasunod mo si Rukawa. Eh ang tigas din ng ulo nyan" sabi ni Kogure. "Kilala ko naman sya. Kaya okay lang kung minsan ay matigas ang ulo nya at ipinipilit nya ang gusto nya. Kapag nagkaganun alam kong may dahilan sya" paliwanag ko at sumang-ayon sila.

Sa simula ng 1st half, panay palpak ang nagagawa ni Sakuragi. Kaya naman mas lalo pa syang binubully ng cheering squad. Pero wala syang pakealam. Talagang pursigido sya. Hanggang sa natapos na ang 1st half. "Naiintindihan mo ba ang instruction ng Captain ha Sakuragi?" Tanong ni Kogute pero si Sakuragi... Matama lang syang nakatingin sa kabilang kuponan. Tinuro nya si Oda at sinabing... "Oda! Tatalunin kita maghintay ka lang". "Ano na namang problema ng gunggong na ito?" Tanong ni Rukawa. "Hayaan mo na, personal na problema nya yun" sagot ko at ininom nya yung energy drink na binili ko. Matapos nya lumagok "Kung sa bagay tama ka naman. Mas mahalaga ngayon ay wag syang gagawa ng kagunggongan" sabi nya.

Nagsimula na ang 2nd half. Pagpasok pa lang ng court, hinarangan na ni Oda si Sakuragi at sinabing "Ang kapal naman ng mukha mo. Sa tingin mo ba matatalo mo ako?" "Oda, hindi mo pa rin pala naiintindihan... " napatigil si Oda. "Hindi ikaw ang kalaban ko ngayon kundi ang basketball" dagdag pa ni Sakuragi. Medyo gumanda na ang performance ni Sakuragi. Pinapaandaran lang sya ni Oda pero wala syang pakealam. Nagpangabot sina Oda at Sakuragi sa ilalim ng court. Nabigla si Oda sa ginawang pagdipensa ni Sakuragi at ni di man lang nya maipasa ang bola. Pero katulad ng mga naging laban namin... na foul sya. Maganda rin na hindi naipasok ni Oda ang 2 free throws nya. Sa buong 2nd half, walang ginawa si Sakuragi kundi ang habulin ang lose ball. Hanggang sa sumalampak sya sa pader. Pero di namin inasahan na papalakpakan sya ng coach ng Takezono. Kaya nagsipalakpakan na din kami. Natapos ang laban at nanalo naman kami.

Papunta na ang team sa locker room. "Rukawa saglit lang" pagpigil ko. "Bakit? May kailangan ang baby ko?" Tanong nya at... kinilig naman talaga ako. "Pawis na pawis ka. Ehto ang towel mo. Magpalit ka rin ng t-shirt." Sabay abot ko sa kanya ng white towel at blue t-shirt. "Ang sweet naman talaga ng Baby kong ito." Sabi ni Rukawa sabay kiss sa pisngi ko. "Wow, sana all inaalagaan!" Sigaw ni Miyagi. Sinapak sya ni Ayako ng pamaypay. "Tama ka na sa kadramahan mo at magbihis ka na" dagdag pa nya. "Ayako naman, akala ko ba mahal mo ako. Bakit ba lagi mo na lang akong sinasapak ng pamaypay mo? Sa halip na alagaan mo ako sinasaktan mo pa ako" angal ni Miyagi na parang bata. "Kulot, alam mo naman ang kasabihan. The more you hate, the more you love. Kaya kapag hindi ka na nya sinasapak ng pamaypay kabahan ka na." Paliwanag ni Sakuragi. "Kung sa bagay tama ka." Sabi ni Miyagi at naglakad na sila papunta sa locker room nila. Kami ni Ayako nagbihis na rin kami ng uniform sa banyo. Pagdating ko sa tapat ng building kung saan hinihintay ako ni Rukawa... Aba mga haliparot na babae nagpapa-cute sa boyfriend ko. "Hi ikaw si Kaede Rukawa diba?" Sabi ng isa. "Do you need me? Bibilhan kita ng tubig." Dagdag pa ng isa. Naglakad na ako palapit. "Kanina ka pa ba jan?" Tanong ko. "Hindi naman, kakadating ko lang. Halika na. Ihahatid na kita pauwe." Sabi nya sabay hawak sa kamay ko. "T-t-teka... sino sya?" Tanong ng isa. "Ang baby at prinsesa ko... Specially, Girlfriend ko" sabi ni Rukawa at naglakad na kami palayo sa kanila. Itong mga taga-Takezono na ito. Gaganda nga haliparot naman.

"Teka lang.... Ikaw yung kasama ni Sakuragi kanina diba? Ano nga ulet ang pangalan mo?" Si Yohko. Hinabol nya ako. Bakit kaya. "Ako nga. Ako si Kariya, Yohko." Sagot ko naman. "Gusto ko sanang mag-sorry. Dahil nasaktan ko si Sakuragi. Ang dami kong naging pagkakamali sa kanya pero ni minsan... Hindi ko inisip na ma-" "Alam mo Yohko, kung magso-sorry ka wag sa akin. Yan si Hanamichi. Kausapin mo sya" sabi ko sabay turo kay Sakuragi na naglalakad. Tumango sya. "Oo nga pala. Salamat dito sa t-shirt. Parang sinukat mo eh. Pano mo nalaman ang size ng t-shirt ko?" Tanong ni Rukawa. "Tinanong ko kay Ayako. Sya yung in charge sa mga jersey nyo diba?" Sabi ko. "Grabe inaalagaan mo ako ah." Sagot nya. Ngumiti na lang ako. "Hoy kayong mga love birds jan. Bagal nyo" wika ni Mitsui kaya ang sabi namin ni Rukawa.. "Heh, inggit ka lang bungal." With matching chibi face.

Nag aasaran lang kami sa daanan papuntang train station. Masaya naman ako para kay Sakuragi. Atleast may justice na ang nangyari sa kanya. Ulila na sya Papa nya at nasa ibang bansa naman ang kanyang Mama. Ang pamilya nya dito sa Japan ay kami. Kaya ako bilang itinuturing nyang kapatid.. hindi ko sya hahayaang maging malungkot. Magiging masaya sya, alam ko yun dahil nakikita ko yun sa kanya.

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon