Kasama na nila si Ayako kaya naiwan din ako dito sa Kanagawa... Gusto ni Coach na isulat ko ang detalye ng improvements nya. Ako ang magbabantay sa tuwing magpapraktis sya... "Kumusta na ang improvement ni Sakuragi Kariya?" Aniya. "Coach... simula po ng nagsimula syang magbasketball mabilis ang naging improvement nya. Mabilis po nyang nakukuha ang rebounds. Mahina po ang depensa nya at ang shooting skills nya." Ang sagot ko sa kanya.
Tumango tango sya at sinabing "Ganun ba? Salamat hija." At saka sya humigop ng tsaa na.. Oo baon nya. At sa tingin ko may balak gawin ang Buddha na to.. meron talaga... nararamdaman ko may balak sya...
"Tatang... bakit mo naman ako pinaiwan dito? Kailangan ako nila doon.. ako ang kanilang secret weapon eh." Wika ni sakuragi na naghuhurumintado na sa inis dahil naiwan sya. Sinapak ko naman sya ng notebook ko.. "Aray naman..." pagal nito. "Tumigil ka sa kalokohan mo Sakuragi... napaka arte mong gunggong ka".
"Gusto mong sumama sa kanila?" Tanong ni Coach. "Aba syempre naman Tatang" sagot nito.. "Sige... ganito... hinahamon kita sa isang shooting game... Kapag natalo mo ako papayagan kitang sumunod sa kanila maliwanag ba?" Sagot ni Sakuragi.
Siryoso? Hinamon ni Coach amg kumag na to? Ang tanong... uubra kaya si Tatang kay Sakuragi? Sa lagay ng katawan nya... ewan ko na lang kung makaisa sya..
Hindi... hindi nga pala malabong mangyari yon.. Maalala ko ang sinabi ni Ayako... Dati nga palang kasali si Coach Anzai sa National Team ng Japan..
Nagsimula nang mag warm up si Coach Anzai.. matawa tawa pa si Sakuragi.. actually pati naman ako eh.. "Hay.. tama na nga ang warm up.. laro na." Ang wika nito.. at saka nito kinuha ang bola. "Makinig ka Sakuragi. Kapag mas madami kang naishoot na bola sakin papayagan na kitang sumunod sa kanila."
At nagsimula ng magpaulan ng pashoshoot ng bola si Coach Anzai.. syam sa sampung bola ay naipasok nya. "Sayang.. isa na lang hindi pa pumasok... ikaw naman Sakuragi." Wika nito. Ay nako Coach... kung alam ko lang nagmimintis ka talaga.
Sumunod na tumira si Sakuragi... pero dahil bulok nga ang shooting skills nya.. walang ni isang bola ang naipasok nya...
Lumabas mula sa pinagtataguan nila ang special army ni Sakuragi... hindi ko alam na narito pala sila. Dala ni Takamiya ang isang DSLR Camera. Ibig sabihin... pinicturan nila lahat ng tira at postura ni Sakuragi sa pagshoot ng bola..
Kinahapunan umuwi na din ako.. nakasalubong ko si Akira. "Oy... mag isa ka ngayon Kariya." Wika nito sakin. "Nasa training camp si Rukawa. Pati na ang ibang myembro ng team. Maliban sa isa." Sagot ko sa kanya.. ngumiti sya at sinabing. "Parang alam ko na kung sino ang naiwan." "Oo nga pala.. kung hindi mo mamasamain.. pwede ka bang sumama sakin? Kasi alam mo na... magkaibigan pa rin tayo.. tagal na nating di nagkakasama.. baka naman pwedeng mayaya ka bukas ng gabi. Birthday ni Coach Taoka.." dagdag pa nya. Tumango na lang ako dahil minsan lang naman yun. Pero ipapaalam ko kay Rukawa na pupunta ako sa birthday ni Coach Taoka.
Kaya pagdating ko sa bahay.... nagchat ako kay Rukawa..
Me: Sweet Mapple.. niyaya ako ni Sendoh sa birthday ni coach Taoka.. pwede sumama?
Rukawa: hindi pwede kasi si Sendoh ang kasama mo.
Me: Naman eh...
Rukawa: Mag aaway pa ba tayo ha?
Me: sabi ko nga di ako sasama...
Ang tapang ko oo.. pero bakit pag dating sa kanya tiklop ako? Hay buhay is life.
Kinabukasan balik na ulet ako sa Gym para bantayan si sakuragi. Kasi itong si Coach Anzai.... pinagpractice si Sakuragi ng 2000 jump shot... pero tiwala naman ako. Malakas ang fighting spirit ni Sakuragi... kaya nya yun..
Natalo daw kahapon sila Kaede sa practice game. Isang puntos lang ang lamang ng kalaban.. pero alam kong babawi na sila..
(TIME SKIP)
Amdito ako ngayon sa Okade Mansion.. kasama si Daddy.. ang alam ko bukas pa ang dating nila.. "Kariya, pwede mo ba akong samahan sa birthday party ng kaibigan ko?" Wika ni daddy habang nanonood ako mg TV. At dahil wala akong pagpipilian kasi wala naman akong ginagawa.. "Sige po Dad" ang wika ko sa kanya ng pagsang-ayon.
Matapos makapagbihis at makapag ayos, lumabas na ako kasi hinihintay na ako ni Dad. "Bakit ang ganda ng anak ko?" Tanong ni daddy na parang nangbobola. "Kasi anak mo ko" simpleng sagot ko. Pero ng pagsakay ko ng kotse.. "Kaide?...." Seriously? Andito sya? Akala ko bukas pa ang dating nya. "Bakit parang nagulat ka pa ha Kariya.. Oo ako to.. ang pinakapogi mong boyfriend" wika ni Rukawa na nakaupo sa driver's seat.
Umupo na ako sa unahan tapos si Daddy nasa likod. "Akala ko bukas pa matatapos ang training camp nyo?" Tanong ko sa kanya. "Hindi.. ngayon talaga ang tapos nun.. 5 days lang naman kami eh." Sagot nya sakin.. "Okay.. I see." Yun lang ang nasabi ko at nag drive na sya..
Sa daan tahimik lang kami sa loob ng kotse.. mabilis ang byahe at nakarating na kami sa venue ng party. Di papahuli ang karangyaan ng lugar na to.. nagkikintaban ang mga chandeleir na gawa sa dyamante.. from red carpet hanggang sa pinakamaliit na gamit mamahalin..
"Welcome to the party Ms.Kariya.." ang wika ni... "Aba manong Maki.. andito ka pala.." bati ko sa kanya. "Sobra ka naman sa word na MANONG Kariya.. masabi ko lang sayo 18 anyos lang ako" reklamo nya. "18 years old pero mukhang 80?" Ang bulong ni Rukawa na natinig ko kaya pinisil ko ang tagiliran nya. "Aray naman Kariya.." angal pa nya sakin. "Manahimik ka na lang muna ha heheheh" pasimple kong bulong sa kanya..
"Lumalamig na dito sa labas. Halikayo dito sa loob.." ang pagyaya ni Maki. Habang nasa daan kami.. " Congrats nga pala sa team nyo Rukawa.. magaling ang pinakita nyong laro sa Ryonan." Ang bati sa amin ni Maki. "Salamat Maki.. galingan na lang natin sa magaganap na interhigh." Ang wika ni Rukawa.. at napansin ko ngayon lang sya naging ganito ka pormal.. ano nakain ng lokolokong to? "Oo nga pala.. balita ko nagpunta kayo sa Aichi.." ang pag usisa ko sa kanya.. "Ah, yun ba? Oo.. at may kasama akong dalawang unggoy" sagot nya sakin..
Mung sinabi nyang dalawang unggoy parang alam ko na kung sino eh. "Hulaan ko.. si Sakuragi at Kiyota" sabi ni Rukawa "Mismo.." tanging sagot ni Maki..
Naalala ko.. bukas nga pala naka schedule ang laban nila sa pinagsamang team ng Shoyo at Ryonan. Alam ko na kapag nanalo sila malaki ang tyansa namin na manalo sa interhigh. Si Sakuragi.. mabilis naman ang mga improvements nya.. kung napasabak sya sa basketball ng mas maaga.. marahil mas magaling pa sya kay Rukawa. Kung ano man ang pinapagawa sa kanya ni Coach Anzai.. Alam kong magiging kapaki pakinabang yon sa kanila.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...