Ngayon ang araw na makakalaban ng Shohoku ang Kainan. Kinakabahan ako para sa kanila. 10:00 am ang simula ng laban pero dahil na-late ako ng gasing 9:30 na nang umalis ako ng bahay. Male-late ako dahil malayo ang venue.
Nagmamadali na akong maglakad papuntang venue.. naglalakad akong papuntang train station.. Napansin ko na kanina pang may sumusunod sa akin. "Kung sino ka man lumabas ka na." Ang wika ko.
Lumabas ang dalawang lalaki na nakasuot ng uniform. "Ikaw si Kariya Okade diba?" Tanong nung kulot ang buhok. "Ano naman sayo kung ako nga." Sagot ko sa kaniya "Sige na kung wala kayong kailangan sa akin, mauna na ako. Male-late na ako sa laban eh." Dagdag ko pa.
"Teka lang.. Hindi ka namin pupuntahan kung wala kaming kailangan sayo." Ang wika ng lalaking naka pony tail. Ipinakita nila ang tatoo ng asul na buwan... Ibig sabihin kasapi din sila ng isang Yakuza. Ang yakuza na kalaban nila Mommy at Daddy. "Kasapi kayo ng grupo ng Mizuki . Ano naman ang kailangan ng mga kasapi ng Mizuki sa prinsesa ng Tsurugi?" Tanong ko naman sa kanila.
"Syempre kailangan ka naming isama sa Master namin." Ang sagot nila. "Pero alam nyo naman di ako sasama diba?" Sabi ko sa kanila. "Eh di daanin sa santong paspasan..
At sumugod na nga sila. Pero mabilis akong tumakbo at nagpunta sa bakanteng lote kung saan nakakita ako ng bakal na tubo. Tumago ako at dumating na sila... "Hoy prinsesa ng Tsurugi. Wala kang takas sa amin. Nagiisa ka lang dalawa kami." Wika ng isa. "Bugok, wag mong mamaliitin ang baabeng yun.. Sya ang prinsesa na tinuruan at sinanay sa pakikipaglaban. Hindi sya basta basta. Sige na maghiwalay na tayo sa paghahanap sa kanya" sagot ng lalaking kulot.
Mabuti naman at alam nyo ang kakayahan ko bilang Yakuza princess. Pero tinamaan naman ng magaling oo. Late na ako eh. Nagsisimula na ang laban nila eh. Pagtingin ko sa relo ko 10:10 na. Bwiset.
Una kong sinugod ang lalaking naka pony tail. Pinalo ko sya sa tyan nya ng tubo at hinampas ko sya sa ulo nya. "Bwiset ka late na ako!" Wika ko nang mapatulog ko sya. Sunod kong hinarap ang lalaking kulot ang buhok. "Natatandaan na kita. Minsan mo na rin akong pinagtangkaang kidnapin diba. Sa mismong Okade Mansion sa Fukushima." Sabi ko. "Malaking karangalan na naalala pa pala ako ng mahal na prinsesa." Ang wika nya nang nakangiti. "Sugod na!" Ang sabi ko at sumugod nga sya. Nadaplisan nya ako ng dala nyang punyal sa tyan ko. "Argh" ang singhal ko kasi masakit eh. "Yan lang ba ang kaya mo?" Tanong nya na parang nakakaloko. Huminga ako ng malalim at sinugod ko sya. Kalkulado ko na ang mga tirada nya kaya alam ko na kung pano ko pipigilan ang mga iyon.
Papaluin ko na sana sya ng tubo sa ulo nya pero nadaplisan na naman nya ako ng punyal sa tagiliran ko. At tuluyan ko na syang pinalo ng tubo sa ulo nya kaya bumagsak na din sya dahil sa lakas ng pagkahampas ko. May dugo sa tiyan at tagiliran ko. Kaya nag jacket na lang ako para di yon makita ng mga makakasalubong ko. Ayoko ring mag alala si Kaede habang naglalaro sya.
Patapos na ang 2nd half nang makarating ako. Si Kaede... na passed out sya matapos ang pagda dunk nya. "Kaede...." ang nasabi ko habang nag aalala ako. Babalik na sya sa bench. Bago pa sya sumalampak sa bench ay nasalo ko sya. At medyo sumakit ang mga sugat ko. "Kariya... Dumating ka.." ang sabi nya sa akin habang nakayakap sya sa bewang ko. Tinulungan ko syang umupo sa bench.
"Bakit ka na late Kariya. Di ka naman nale late diba?" Tanong ni Ayako. "Coach Anzai, Sorry po at na late ako." Wika ko sa kanila. "Ayos lang yun iha. May mga pagkakataon na may inaasikaso tayo kaya di rin maiiwasan ang ma late." Sagot sa akin ni Coach sakin. Pinunasan ko ang pawis ni Kaede. "Wow, sana all may nag pupunas ng pawis!" Sigaw ni Miyagi habang nakatingin sa amin. "Umayos ka Miyagi" ang wika ni Akagi at kinotongan nya si Miyagi.
"Sorry ngayon lang ako. Ito oh. Inumin mo para di ka ma dehydrate." Ang nag aalala kong sabi sa kanya. Kinuha nya ang energy drink at sinabing... "Mag-usap tayo mamaya" ang wika nya at bumalik na kami sa panonood ng laro. Medyo sumasakit ang sugat ko.
Ito na nga ba ang sinasabi ko... Nagtatampo na sakin si Kaede...
Dahil na late ako... Bwiset na grupo ng Mitsuki. Gusto na naman akong makuha para ipanakot kina mommy at Daddy.Ginagawa na ni Sakuragi ang lahat. Sa mga huling segundo ay nagpakawala si Mitsui ng 3 points pero pumalya yon.. nakuha ni Sakuragi ang rebound pero.... Naipasa naman nya sa isang myembro ng Kainan.. Panalo ang Kainan.. Napaluha na lang kami ni Ayako sa pagkatali namin.
Actually lahat talaga kami napaiyak. Nanlalabo na ang mga mata ko hindi ko alam kung bakit. Lumapit ako kay Kaede.. "Natalo tayo..." ang wika nya. Hinawakan ko ang mga pisngi nya.
(Rukawa's P.O.V)
Nagtatampo ako kay Kariya dahil na late sya. Isa pang dagok na sumampal sakin at sa team ay ang pagkatalo namin sa Kainan. Wala akong nagawa at hindi naging sapat ang lakas ko sa buong game. "Natalo tayo..." ang sabi ko kay Kariya ng hawakan nya ang mga pisngi ko.Nawalan sya ng malay sa bisig ko. "Kariya, anong nangyayari? KARIYA GUMISING KA!" Ang panggigising ko sa kanya na nakaagaw ng pansin ng lahat. Lumapit ang kuponan ng Kainan. "Anong nangyari?" Tanong ni Maki habang tinatapik ko ang pisngi ni Kariya para magising sya. "Hala... Ms.Kariya gising!" Ang sigaw naman ni Kiyota. Teka... Pano nila nakilala si Kariya.
Lumapit na rin ang Ryonan. "Kariya? KARIYA!" ang humahangos na wika ni Sendoh. "Anong nangyari Rukawa?" Tanong nya sakin.. "Hindi ko alam... Basta na lang sya bumulagta sa mga bisig ko." Ang sagot ko sa kanya.
Ibababa ko na sana ang zippper ng jacket ni Kariya. "Hoy Rukawa, wag kang mag take advantage manyapat walang malay si Bonsai!" Ang wika ni Miyagi. "Ako na lang..." sabi ni Ayako. "Ilapag mo sya sa sahig wag nyo sang pagkalibingbungan!" Utos ni Ayako at nagsitabihan sila at naiwan ako sa tabi nya. Napaliligiran nila kami.
Binuksan ni Ayako ang jacket nya at tumambad sa amin ang white T-shirt nya na puno ng dugo.. "Diyos ko.... Kariya" ang wika ni Ayako at napaiyak sya. "K-k-kariya...." ang natutulalang wika ni Sendoh. "Hindi mo ako pwedeng iwan mag-isa" ang umiiyak kong wika. Kinapa ko ang pulso nya at naramdaman ko ang pagtibok ng puso nya. Dagli ko syang binuhat. "Ayako, pwede bang pakisunod na lang ng gamit ko? Dadalhin ko na sya sa pinakamalapit na hospital" ang pakiusap ko kay Ayako at dagli kong itinakbo si Kariya sa ospital.
Wala akong pakealam kung naka-jersey pa ako. Madali lang akong nakapamara ng taxi. Pagdating namin namin sa ospital sinalubong nila agad kami ng stretcher at inilapag ko doon si Kariya. Hawak ko ang kamay nya habang itinatakbo sya sa E.R "Wag mo akong iiwanan Kariya nangako ka diba? Di mo ako iiwan. Lumaban ka!" Ang sabi ko kay Kariya.
"Sir bawal po kayo sa loob." Sabi ng Nurse. Napaupo na lang ako sa sahig habang nakasandal sa pader. "Kariya... Di mo ako pwedeng iwan hindi ako papayag..." ang sabi ko sa sarili ko habang pinipigil ko ang luha ko sa muli nitong pagbagsak mula sa mata ko.
Kalhating oras na ang nakararaan mula ng ipasok si Kariya sa loob ng E.R "Rukawa... Kumusta na si Kariya?" Ang tanong ni Akagi na kakarating pa lang. Kasama sina Ayako, Kogure, Sendoh pati na rin si Maki. Tumayo ako. "Kalhating oras na ang nakararaan mula nang ipasok sya jan sa E.R" ang sagot ko sa kanya. "Natawagan ko na si Tito Shion... Nasa daan na sya." Ang wika ni Sendoh. Tumango na lang ako.
Mayamaya pa ay dumating na si Tito Shion. "Kaede, kumusta na si Kariya?" Nag aalalang tanong ni tito. Sasagot pa sana ako nang lumabas ang doktor. "Sino dito ang kamag anak ng pasyente?" Tanong nito. "Doc ako po. I'm her Dad." Wika ni Tito Shion. "I see, Mr.Okade, stable na po ang lagay ni Ms.Okade... daplis po ng anumang matalas na bagay ang cause ng sugat nya sa tiyan at tagiliran nya. Pero dahil hindi agad naampat ang pagdugo ay nawalan sya ng malay. Marami din pong dugo ang nawala sa kanya." Wika ng Doctor. "Ano po ba ang blood type ni Kariya?" Tanong ko sa doktor pero si Tito ang sumagot. "Type AB. Type A ang blood type ko pero di ako pwedeng mag donate sa kanya dahil may alchohol ang dugo ko. Medyo nakainom kasi ako kagabi eh." Ang wika ni Tito Shion. "Baka pwede akong magdonate." Wika ko sa kanila.. "Bakit? Ano bang blood Type mo?" Tanong ng Doctor. "Type B po." Ang sagot ko. Tumango ang doktor. "Pwede naman bata." Ang sagot nya. "Ililipat na po namin sya sa private room." Ang dagdag pa nito.
Sino ba ang may kagagawan nito kay Kariya... Di ko sya mapapatawad.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...