Ngayong araw ang laban ng Shohoku sa pinagsamang kuponan ng Shoyo at Ryonan. Pero ehto ako ngayon.. nakahiga sa kama ko dito sa tinitirhan kong appartment. Bakit? Nilalagnat ako. Grabe ang sakit ng ulo ko at ng katawan ko. Tapos ang lagnat ko 39.9 pano ako makaka attend ng practice game nila. Kailangan nandun ako eh pero di ko talaga kaya bumangon.
Nag ring ang phone ko. Tumatawag si Coach Anzai..
"Hello Kariya good morning hija.. Ako ito si Mrs.Anzai.. ipinapatanong kasi ng asawa ko kung makakapunta ka ba daw sa practice." Ang wika ni Mrs.Anzai. hay.. napakahinahon talaga nya..
"Pasensya na po.. pakisabi po kay coach di ako makakapunta.." sagot ko sa kanyan
"Hija, bakit ganyan ang boses mo? May sakit ka ba?" Tanong nya sakin.
"Opo eh. Sa totoo nga po nyan.. tinatrangkaso ako.. kaya kahit guatuhin kong pumunta di ko po talaga kaya" ang paliwanag ko sa kanya. At mukhang naintindihan nya naman.
"Ganun ba, sige ako na ang bahalang magsabi sa kanya na masama ang pakiramdam mo". Wika nya "Pakisabi na rin po kay coach na wag muna sabihin kay Rukawa na may sakit ako. Baka mawala sa konsentrasyon nya sa paglalaro." Pakiusap ko sa kanya..
"Nako tama ka nga. Sige makakarating.. magpagaling ka ha hija.. Bye." Ang wika nya bago nya ibinaba ang telepono.
Napakabait talaga ng asawa ni coach. Di na ako magtataka na kahit matanda na sila napakalambing pa rin nila sa isat isa. Sana lang kung sakali man na maging mag asawa kami ni Kaede.. ganun pa rin kami..
Mayamaya, dumating si Manang Hoshi na may dalang pagkain. "Ehto Ms.Kariya kumain ka muna bago uminom ng gamot." Ang nakangiti nyang wika sa akin. "Ano ba kasing nangyari bakit ka nilagnat?" Ang tanong nito. "Hindi ko po alam manang. Siguro po sa pabago bagong panahon. Tapos dumagdag pa ang stress dahil sa mga ipinapasang project. Kahit nakakapagod masaya naman ako sa pagiging Assistant Manager ng team." Ang sagot ko sa kanya. "Hay.. kahit ano pa man iyan matuto lang pag ingatan ang sarili mo. Sigurado ako na kapag nalaman to ng Daddy mo mag aalala yun. Lalo na ang Mommy mo. Dragon lang yun pero nagiging anghel pagdating sayo." Ang pagbibiro pa ni Manang at kumain na lang ako para makainom na ako ng gamot.
Time Skip
(Rukawa's P.O.V)
Kakatapos lang ng laban ng Shohoku laban sa pinagsamang team ng Shoyo at Ryonan.. Ang dunk ni Sakuragi ang tumapos ng laban. Pero.. dapat narito ang Mahal kong girlfriend pero bakit wala sya.. "Teka, may napapansin ba kayo?" Tanong ni Mitsui sa team. "Oo nga no.. Bakit wala si Kariya?" Dagdag naman ni Kogure. "NYAHAHAHAHAHA nako Soro, kabahan ka na baka naagaw na ng iba ang jowa mo. Hehehe Kung sa bagay ang ganda talaga ni Bonsai kahit maliit sya. Di malabong makahanap sya ng mas henyo at mas gwapo sayo na gaya ko." Ang pang aasar naman ni Sakuragi sakin. Bakit ba ang ingay ng gunggong na to."Hay nako, ayan na naman si Sakuragi.. dumadaldal na naman." Side comment naman ni Fukuda. "Ano bang bago? Eh si Sakuragi yan eh. Literal na madaldal at maingay." Sagot naman ni Uozumi kay Fukuda at napatango na lang silang lahat. "Hay Nako" yan na lang ang nasabi ko.
Nang biglang lumapit si Coach Anzai sa akin. "Team, alam ko na nagtataka kayo kung bakit wala ngayon dito ang binubunso ninyong si Kariya. Lalo ka na Rukawa, alam ko na kanina mo pa syang hinahanap." Jusko ano ba tong sinasabi ni Coach.. Kinakabahan ako. "Pagpasensyahan nyo na sana ang di nya pagpapakita ngayon. May sakit sya at di kaya ng katawan nya ang umatend dito kaya mas minabuti nya ang magpahinga. Hindi muna nya sinabi sayo Rukawa dahil alam nya na mawawala ka sa konsentrasyon kapag nalaman mo na may sakit sya." Dagdag pa nya. "Nako, kawawa naman si Kariya, mabuti pa bisitahin natin sya sa bahay nya." Wika ni Ayako. "Yun ay kung papayag si Rukawa..." wika ni Miyagi..
"Balakayojan..." ang tangi kong nasabi. Dali dali akong nagpunta ng banyo at nagbihis. Humahangos kong pinaandar ang bike ko para makarating agad ako sa appartment nya.
Nakakainis ka Kariya, bakit di mo sinabi sakin na may sakit ka... yun ang mga bagay na nasa isip ko.
Hanggang sa makarating na nga ako dito sa apartment nya. "Oh, ikaw pala Kaede.." ang bati ni Manang Hoshi. "Nasaan po si Kariya?" Ang tanong ko. "Nandun sa taas natu-" hindi ko na sya pinatapos ng pagsasalita at umakyat na ako sa kwarto nya.
Ibinaba ko sa may sofa ang gamit ko at umupo sa kama nya. Hinawakan ko ang noo nya at mataas pa rin ang lagnat nya. Mahihirapan din syang huminga dahil siguro sa sipon nya. Bumaba ako at kumuha ako ng batya na may malinis na tubig na kasamang malinis na twalya. Piniga ko ang twalya at ipinatong ko ko sa noo nya.
Maya maya pa ay dumating na ang mga ka team mates ko. Pinaakyat na siguro sila ni Manang Hoshi. "Kumusta na sya Rukawa?" Tanong ni Akagi. "Ito ang taas pa rin ng lagnat nya." Sagot ko naman.. "May dala kaming mga prutas para makadagdag sa vitamins nya sa katawan.. kailangan nya to para gumaling agad sya." Wika ni Ayako. "At may dala din akong bulaklak para di sya maalibadbadan sa pagmumukha ng Jowa nyang Soro HAHAHAH" at binatukan sya ni Akagi sabay sapak ni Ayako ng Pamaypay nya. "Buti nga.." sabi ko na lablng.
"Teka Sakuragi, saan mo kinuha ang mga bulaklak na yan? Wala naman tayong nadaanang flower shop kanina ah.." Tanong ni Mitsui sa kanya. "Ah... Eh.... Ehhehhehhe..." ang tawa ni Sakuragi sabay kamot sa likod ng ulo nya. Nako kinakabahan ako sa tawa nyang yun ah. "Hoy Hanamichi.. wag mong sasabihing kinuha mo yan sa..." ang di pa natatapos sinasabi ni Miyagi "Sa burol na nadaanan natin sa may Kanto ha Sakuragi?" Ang dagdag ni Kogure at tinignan namin ng masama ang gunggong na to. "Hehehehe, masama ba?" Painosenteng gunggong.. "GUNGGONG! IPINAGMALAKI MO PA YUNG BULAKLAK MO EH GALING PALA SA PATAY NINAKAW MO PA..." Sigaw ni Akagi at binukulan na naman sya. "SIRA-ULO KA TALAGA HANAMICHI! HINDI PA PATAY SI KARIYA." Ang sigaw ni Miyagi. "Aba at sa lahat talaga ng makukuha mo Kampupot pa talaga ha.." ang side comment ni Mitsui na masama ang tingin kay Sakuragi. Inagaw naman ni Ayako ang bulaklak at itinapon. Sinapak nya ulet ng pamaypay si Sakuragi. "Ibang klase ka Hanamichi Sakuragi. Hindi mo na ginalang ang nakaburol doon gunggong ka." Wika nito.
At nagising si Kariya, "Kaede ikaw ba yan?" Tanong nito. "Oo ako nga. Bakit di mo naman agad sinabi na may sakit ka?" Tanong ko naman sa kanya. "Obvious naman Rukawa, di ka ba nakinig kay Coach kanina? Kung nalaman mo ng mas maaga na may sakit sya mawawala ka sa konsentrasyon mondahil sa pag aalala." Ang wika ni Ayako. "Andito rin pala kayo team." Ang puna naman ni Kariya. Napuno ng kwento ang buong kwarto nya nung oras yon. Minabuti ko na ring magpaiwan para maalagaan ko naman si Kariya.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...