CHAPTER 2: Dont mess with me.

198 6 2
                                    

Kagabi, inihatid ako ni Rukawa dito sa bahay. Habang nasa bike kami tinanong ko sya. "Bakit sa Shohoku mo napiling mag-aral?" Pero amg sagot nya "Malapit eh". Kapag naiisip ko yun natatawa na lang ako. Aakalain mong siryoso syang tipo ng tao. Pero literal mag isip. Yung tipong bakit mo nga naman pahihirapan ang sarili mo. As easy as that.

Nasa gate ako ng shohoku campus maabutan ko si Haruko. "Ohayo, Haruko" ang bati ko sa kanya. Ngumiti sya at sinabing "Ohayo Kariya. Sabay na tayong pumasok sa classroom." Yaya nya sa akin at naglakad na kaming dalawa papunta sa classroom namin. Pagdating namin sa classroom... "Anong... nangyari sa upuan mo Kariya?" Tanong ni Haruko. "Hindi ko alam, alam mong maayos to kahapon diba? Hindi ko to iniwan ng putol ang paa at may vandals" nagtataka din ako eh. Sino kayang sira ulo ang gumawa nito. "Oo alam ko" ang sagot ni Haruko. Lumapit si Fujii sa amin ni Haruko. "May usap-usapan ngayong umaga ..... may nakakita sayo kagabi na back ride ka ni Rukawa sa bike nya."  Tinignan ako ni Haruko ng may weird face. "Oo Haruko alam ko na may gusto ka sa kanya pero dont worry hindi ako sulotera. Wait, Haruko ikaw ba ang gumawa nito?" Tanong ko sa kanya at bigla na lang syang bumalik sa dati nyang mukha. "Ano? Hindi ako Kariya. Hindi ko magagawa yun dahil kaibigan na kita." Sagot ni Haruko. "Oo tama sya Kariya, matagal na kaming magkakasama nina Haruko at Matsui. Hindi pa nya nagagawa ang ganitong bagay sa amin..." dagdag pa ni Matsui. So sino pala amg gumawa nito. "Marami namang may crush kay Rukawa dito sa School. Pero yung tatlong yun... sila lang ang posibleng gumawa nito sayo" wika ni Fujii. "Yung FANGIRLS ni Rukawa" dagdag ni Haruko.

After class nagpunta ulet kami sa Gym. "Hi, Kariya." Bati ni Rukawa with matching kaway. Nginitian ko lang sya. Si Haruko on the side ang sama ng tingin sa akin. "Kariya, nakikita mo ba yung tatlong babae dun sa kabilang pinto? Sila yung fangirls ni Rukawa." Wika ni Fujii. Ah, sila pala yun ha. Dont mess with me. Or else your dead. Lagot talaga sa akin yung fangirls ni Rukawa. "Excuse me lang girls ha. May aayusin lang akong.... mga sira ang ulo". Sabay alis pero pinigilan ako ni Haruko. "Alam ko na ang iniisip mo Kariya. Tatlo sila isa ka lang". Nag aalalang wika sa akin ni Haruko. "And so? Hindi naman sila ganong kagaganda para mambully. Hindi pwede sakin yun ha. Dont mess with me". Natahimik si Haruko sa sinabi ko. "Alam mo Kariya, matagal na din akong nagtitimpi sa kanila. Binubully nila si Haruko pero itong tropa natin hindi man lang gumaganti." Wika ni Fujii. "Hindi ka namin papabayaan." Dagdag pa ni Matsui.

Lumapit kami sa Fangirls ni Rukawa. "Hi, pwede ba kayong makausap. Lalo na ikaw" sabay turo ko sa babaeng may mahabang buhok. "Oh, bakit naman?" Tanong nya. "May pinasasabi sayo si Rukawa. Nahihiya lang daw kasi syang sabihin sayo kaya pinapasabi na lang nya sa akin... so ano, doon tayo sa likod ng gym?". Inaya ko sila papunta sa likod ng gym kung saan wala gaanong tao. "Matsui, Fujii. Pakihawakan ang akusado". Utos ko sa kanila na agad naman nilang sinunod. "HEY! WHAT THE HELL ARE YOU DOING?" ang pagpupumiglas nya. "Actually wala. Gusto kong maging mabait sayo kasi... kapag pinatulan kita hindi sa ospital ang tuloy mo kundi sa purinarya. Now, I just want you to be honest with your answer. Ikaw ba at ang mga kaibigan mo ang sumira at nag-vandalized ng upuan ko?" Ang tanong ko. "How could you. Pinagbibintangan mo ako ng walang pruweba. Alam mo kung nasa korte tayo.. talo ka na. Hindi pwede sa korte ang wa-" agad kong pinutol ang sinasabi nya sa salita ko "Hindi ako kasing bopols mo na mag aakusa ng walang pinaghahawakan. Medyo na late ako kaninang umaga pero may nakakita sa inyo na nanggaling kayo sa classroom namin. So you better tell me the truth." Tinignan ko sya ng siryoso. "Matsui, Fujii, diba sabi nyo binubully ng babaeng to si Haruko. Pwede kayong gumanti hindi kayo ma eexpel I promise.." dagdag ko pa.

"Kariya, wag." Pakiusap ni Haruko na kakarating lang. "Hindi, Hindi ako ang sumira ng upuan mo!" Ang sagot ng babaitang mukhang ispasol sa puti. Sinampal ko sya mg malakas na pati sina Matsui at Fujii ay nabigla din. "Gusto ko lang na umamin ka at sabihin sa akin ang dahilan kung bakit mo ako binully. At ikaw gusto pa bang masaktan?" Ang wika ko na pinipilit na huminahon. Sasampalin ko pa sana ulet sya kasi inis na inis talaga ako. Nagsalita sya "Oo na aamin na ako! Ako at amg mga kaibigan ko ang sumira at nag vandalized ng upuan mo. Bakit ba kasi kasama mo kagabi si Rukawa?" Pag amin nya sa akin. "So, kaya mo pala binubully si Kariya ay naiinggit kayo sa kanya. Dahil ikaw masama ang tama mo kay Rukawa" ang wika ni Fujii at hawak pa rin nila ni Matsui ang babaeng ispasol. "Inangkas lang ako kagabi ni Rukawa dahil wala akong kasabay. Nagmagandang loob lang ang tao sa akin. Tapos ikaw binully mo ako dahil lang nagselos ka?". Ang tanong ko. "Matagal ko nang sinusundan si Rukawa nag aaral pa lang kami sa Tomigaoka. Pero isa syang yelo, ni isa sa mga babaeng pumapantasya sa kanya ay hindi nya pinansin. Aanhin ko si Haruko kapatid sya ni Captain Akagi. Si Ayako naman manager. Pero ikaw kahapon ka lang nya nakilala. Pero pinansin ka nya at take note inangkas ka pa nya at ihinatid sa bahay mo". Ang sagot nya. Sinenyasan ko sina Matsui at Fujii na bitawan na si babaeng ispasol. "Pero hindi pa rin yun magandang dahilan para mambully ka. Kung gusto mo talaga si Rukawa, Suportahan nyo sya. Kailangan nya yun sa paglalaro nya. Patatawarin kita at ako na rin ang bahalang magbayad ng sinira mong upuan KO. Pero ipangako mo na wala ka nang ibubully na kahit na sino." Tumango sya at umalis ng umiiyak. "Alam mo Kariya mabait ka din eh ano. Ramdam ko na galit na galit ka kanina pero pinipilit mong huminahon." Sabi ni Fujii "Maganda na rin ang ginawa mong pananakot sa kanya. Sa ganung paraan wala na talaga sya ma bubully." Dagdag pa ni Matsui.

Ngumiti ako at sinabing. "Alam nyo kasi..... home schooling ako dati bago mag aral dito sa Shohoku. Ito ang unang paaralan na pinasukan ko. Kaya gusto kong magpakabait. At ayoko rin makakita ng mga binubully. Aaminin ko, maldita ako at ayoko ng binubully ako". Tumingin ako sa kanila isa-isa "Masaya akong may kaibigan na akong tulad nyo" ang wika ko at bumalik na kami sa Gym para manood ng practice.

(Sorry, di gaanong kaganda ang chapter na to. Ganun kasi ako magalit.. sasabog na nagpipigil pa)

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon