Mula nga ng araw na iyon hindi na nambully ang mga FANGIRLS ni Rukawa. Humingi din sila ng tawad kay Haruko. Tama ang sinabi ni Matsui na maganda rin na tinakot ko si ispasol. Tulad dating gawi after classes nanonood kami ng basketball practice ni Taki-kun ng team. Oo, Taki-kun ang tawag ko sa kapitan ng basketball. The rest tinatawag ko na lang sila with their surnames. Sa isang sulok, mag-isang nagte training si Sakuragi na bantay sarado naman ni Ayako. "Grrrrrr, basic basic. Palagi na lang basic. Bakit ba lagi na lang basic? Henyo ako di ko kailangan anh basic training Aya-" hindi na naman natapos ang sasabihin ni Sakuragi ng umalingawngaw ang mahiwagang pamaypay ni Ayako. "Panay ka reklamo Hanamichi!" Ang sigaw ni Ayako. Naawa naman ako kay Sakuragi. Lumapit ako habang nagyetraining sya.
"Alam mo Sakuragi, lahat ng mga Pro at Henyo nagdadaan sa hirap. Lahat nagdaan sa basic. Katulad ni Taki-kun. Alam ko na bago sya maging kapitan gunggong din sya. Kasi hindi mo mararating ang tagumpay kung hindi ka naghirap" Ang wika ko sa kanya. Saglit syang napatigil at sinabing "Bonsai, alam ko naman yan eh.... Pero yang si TAKI-KUN mo ay hindi tao kundi isang Gorilla. Iba ako kasi Henyo ako eh" sabi nya at isang suntok sa ulo ang nagpatigil kay Sakuragi. Galing kay Taki-kun. Nagulat naman ako sa ginawa ni Taki-kun kay Sakuragi. "Gunggong kang unggoy ka". Nakita ko sina Rukawa at Miagi na napabuntong hininga na lang... Pati naman ako sa totoo na lang.
Pagdating ko sa kinatatayuan nila Haruko sa may pinto, nakita kong nagpakitang gilas si Miagi sa pamamagitan ng mabilis nyang pagdidribble ng bola at isa isa nyang iniwasan ang mga iba pang players. "Wow... sugoi". Yun lang ang nasabi ko. Nakita kong pumunta si Miagi sa harapan ni Ayako.. "Nakita mo yun Ayako? Ang galing ko no hehehehhehehe". Pagbibida pa ni Miagi with matching blush pa at kamot sa likod ng ulo. Pinalo naman sya ng pamaypay ni Ayako sa sa ulo nya. "Bumalik ka na sa pagpa practice mo". Napansin ko na habang nagpa- practice sila sumusulyap sulyap si Ayako kay Miagi paminsan minsan. I smell something... Ikaw kulot ha..
"Kariya, bakit tingin ka ng tingin kay Miagi? Crush mo ba?" Tanong ni Matsui. Napatingin naman ako bigla sa kanya. "Pero kung Crush mo nga sya, okay lang kasi single naman sya at walang jowa si Miagi eh". Tingin ko naman kay Fujii "Pero kung sakali wala ka namang pag asa dahil malakas ang tama ni Miagi kay Ayako." Ang dagdag pa ni Haruko. "Pinagtutulungan nyo ba ako?" Tanong ko sa kanila with matching nguso at singkit na mata. "Nagsasabi lang naman kami Kariya" sagot ni Fujii. Halata ko naman na bet na bet ni Miagi si Ayako eh. Pero itong si babaeng kulot... I smell something fishy eh... alam ko na...... May plano ako pero di ko ipagsasabi.. "Once my Mommy said.. Ang pag ibig ay isang sugal. Hindi ka mananalo kung di ka tataya.." ang sabi ko sa kanila. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Haruko. "Galingan mo Miagi!!!! Wag kang lalamya lamya!!! I LOVE YOU CRUSH!!!" Ang sigaw ko. Nabigla naman sila sa gym at ako??? Tinignan ako ni Ayako ng masama. Sabay alis namin nila Haruko kasi patapos na rin naman ang practice.
(Rukawa's POV)
Malapit na kaming matapos sa practice namin nang bigla na lang sumigaw si Kariya "Galingan mo Miagi!!!Wag kang lalamya lamya!!! I LOVE YOU CRUSH!!!" Pagkasabi noon ang umalis na sila. Si Ayako ang sama ng tingin kay Kariya. At sinam-am ko din ng tingin si Ryota. "Ayako.... wag kang mag alala loyal ako sayo di kita ipagpapalit sa freshman na yun" ang sabi ni Ryota kay Ayako. Hinampas naman sya ni Ayako ng pamaypay nya. "Balik sa practice" utos pa nito.Bumalik na kami sa practice at ng matapos kami sinipa ni Hanamichi si Ryota sa likodan. "Ryo-chin, ikaw ha. May minamahal ka na palang Bonsai naglilihim ka pa. Tapos ano? Loyal ka kay Ayako?! Ryo-chin ang tinik mo sa chix manang mana ka sa henyo hahaha!!!!" Binatukan sya ni Ryota. "Gunggong ka Hanamichi". Ang naiinis na sabi ni Ryota kay Sakuragi.
After ng practice nag bike na ako pauwi. Iniisip ko... Bakit ba ako affected sa sinabi ni Kariya kanina. Magdadalawang linggo pa lang mula ng makilala ko sya.. pero lagi akong nage-expect na dadating sya para manood ng practice namin. At di ako nabibigo. Kapag napapagod ako titignan ko lang sya para masilayan ang ngiti nya at parang mahika na mawawala ang lahat ng pagod ko. Sa totoo nga pag nagkakasalubong kami sa campus mas nauuna pa akong bumati sa kanya. Which is hindi ko naman gawain dati. Mas sanay ako na ako ang babatiin ng babae tapos hindi ko pinapansin. Ano ba itong nararamdaman ko. Alam ko kasi sa sarili ko na nagseselos ako.
(Kariya's POV)
Andito ako ngayon sa bahay ni Haruko. Magkasama kaming gumagawa ng assignments. Tapos na kami at kinausap ako ni Taki-kun at Haruko "Kariya, ano bang ginawa mo kanina? Kung may gusto ka talaga kay Miagi hindi mo naman kailangang ipagsigawan eh." Ang wika ni Taki-kun. "Sa totoo lang Taki-kun wala talaga akong gusto kay Miagi. May napansin lang ako kay Ayako." Ang sagit ko sa kanya habang nakangiti. "Nani? Eh Bakit mo naman ginawa yun?" Tanong ulet ni Haruko. "Si Miagi, halata naman na may gusto sya kay Ayako eh. Pero si Ayako magaling magtago ng nararamdaman... But her actions is still louder than her shouts. Enough para mahalata ko na may gusto din sya kay Miagi." Paliwanag ko sa kanila. "In short pinagseselos mo lang si Ayako para umamin sya." Ang usisa ni Haruko. Tumango ako bilang sagot. "Aba Kariya, masyadong yatang magaling ang analytical skills mo para mapansin agad yun. Matagal na naming kasama si Ayako pero di namin napansin na may gusto rin sya kay Miyagi. Kailangan namin sa team ang isang tulad mo. Bakit di ka sumali sa team namin bilang assistant manager ni Ayako" ang wika sa akin ni Taki-kun. "Oo nga naman Kariya. Magandang ideya yun. Sayang naman nga kasi ang analytical skills mo kung di magagamit diba?" Dagdag pa ni Haruko. "Wag kang mabahala Kariya. Ako na ang bahalang magsabi kay Coach Anzai." Ngumiti na lang ako. Mukhang di rin ako makakahindi eh.Umuwi na ako after ng usapang iyon. Habang pauwi ako nakasalubong ko sa daan ang lalaking di ko inaasahang makikita ko. "Kariya, gabi na ah bakit ngayon ka pa lang uuwi. Saan ka galing?" Si Akira Sendoh. "Konbanwa Akira-san. Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya. "Ako ang unang nagtanong sagutin mo ako." Nagmamataray na sabi sa akin ni Akira. "Galing lang ako sa bahay nina Taki-kun. Gumawa kami ng assignment ni Haruko." Sagot ko sa kanya. "Sino namang Taki-kun ang tinatawag mo ha..." tanong ulet nya habang lumalapit sya sa akin ng may siryosong aura at mga mata. "Yung Kapitan ng Basketball team ng shohoku." Sagot ko ulet. At nawala na ang siryoso nyang mukha. Ngumiti sya "Kumain lang kami sa labas. Kasama ko sina Ouzumi, Fukuda, Hikoichi at Uekusa. Malapit lang ba dito ang bahay mo? Ihahatid na kita" Sabay kuha mya sa kamay ko. Ilang minuto din kaming naglalakad hanggang sa harap ng gate ng apartment ko. "Dito na ako Akira. Salamat sa paghatid." Wika ko. "So dito ka pala nag stay. Minsan dadalawin kita. Ipapakilala din kita sa team ko." Sabi nya. May sasabihin pa sana ako sa kanya kaso naka alis na agad sya. Napailing na lang ako.
Nang gabing iyon, iniisip ko kung tatanggapin ko ang offer ni Taki-kun. Pero hindi talaga mawala sa isip ko si Ayako. Pano ko kaya sya mapapa-amin??? Haist... Bahala na si Wonder woman.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...