(Kariya's P.O.V)
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Akira. Pero kilala ko sya at alam kong siryoso sya sa mga sinasabi nya. Malay ko naman na nagseselos sya sa paghatid hatid sa akin ni Rukawa. Bakit may dapat ba syang ipagselos? Magkagusto man ako kay Rukawa o hindi sa kanya pa rin naman ang punta ko. Hindi ako makakawala sa sumpa ng fixed marriage ma yun.2:30 pm ang practice ng team pero 2pm pa lang andito na ako. Wala kasi akong magawa sa bahay. Tapos na kasi ako gumawa ng activities, assignment at project na pinapagawa ni Mr. Ueda. Naabutan ko si Rukawa na naglilinis ng mga bola."Hi" ang bati nya sakin. "Ang aga mo naman Rukawa. May hinahabol ka bang schedule?" Biro ko sa kanya. "Wala naman. Wala kasi akong gagawin na sa bahay kaya inagahan ko na ang punta dito sa gym" sagot naman nya sa akin. Kumuha ako ng isang bola at punatalbog ito ng tatlong beses. At saka tumira ng tres. Napangiti naman ako sa ginawa ko. "Akalain mong kaya mo palang tumira ng tres. Sa liit mong yan himala yata na nagawa mo yan" ang sabi nya sakin. "Nangaasar ka ba Rukawa? May problema ka ba sa may height ng 4'11?" Tanong ko sa kanya. Saka ko pinulot ang bola. "Biro lang" ang tangi nyang nasabi. Umupo ako sa tabi nya para tulungan syang magpunas ng bola. "Oo nga pala Rukawa, may sasabihin ako sayo tungkol sa isang player ng Miuradai..." Tumingin sya sa akin ng siryoso at napansin ko na ang cute pala ng mga mata nya. Bagay sa kanya ang singkit. "Ano yun?" Tanong nya at para akong nagbalik sa katotohanan. "May isa silang player na kalbo. Si Naito... gusto kong mag ingat ka sa kanya. Tulad ng mga kasama nya magulang din syang maglaro. Kapag naglalaro sya dumedepende lang sya sa laki at lakas nya. Kung susumahin average lang ang galing nya sa paglalaro ng basketball. Hindi pa nga yata sya nangangalhati sa galing mo. Ito ang napansin ko sa kanya... kapag dinikitan mo sya sa laro ay babalyahin ka lang nya. Pero pag inunahan mo sya ng pag atake sa tabi nya hindi na nya alam ang gagawin nya". Ang paliwanag ko sa kanya. "Naintindihan mo ba?" Ang dagdag ko pa at tumango lang sya. "Salamat sa impormasyon mo. Tatandaan ko yan" Sagot nya nang nakangiti.
"Akala ko sina Ayako at Ryota lang ang love team ng Shohoku basketball team. Kayo din pala... Kaede at Kariya" ang bungad ni Shiozaki. "Shiozaki gusto mong masapak agad ng notebook ko?" Tinakot ko lang sya pero di ko naman akalain na mamumutla sya. "Sige na mag warm up na kayo habang naghihintay ng iba pa." At sumunod naman sila ni Rukawa sa utos ko. Nag warp up na sila at unti unti nang dumating ang mga players...
Katulad ng mga naging practice nila panay kagunggungan na naman si Sakuragi. Pinapaturuan ni Taki-kun si Sakuragi ng lay-up kay Rukawa. Pero pinipilit nya na wag na lang daw kasi kaya naman daw nya yun. Hindi na daw kailangan ng henyo ang pagtuturo mula sa baguhang si Rukawa. Nako ang sarap sapakin ng notebook ng gunggong na to. Titira na sana ulet si Rukawa ng lay up pero binato sya ni Sakuragi ng bola at tumama ito sa ulo. "Ooopsss sorry dumulas sa kamay ko." Ang wika ng gunggong. Sinuntok sya ni Taki-kun sa ulo at agad itong bumukol. "Sige, ikaw naman amg sumubok" ang utos ni Taki-kun kay Sakuragi. Titira na sana si Sakuragi ng binato din sya ng bola ni Rukawa. Tiningnan sya ni Sakuragi ng masama. "Nadulas sa kamay ko" ang wika nya. Nainis si Sakuragi. "Ikaw Rukawa sinasadya mo yun eh. Ayaw mo kasing mai shoot ko ang bola sa ring kasi naiinggit ka sa henyong to-" hindi pa tapos ang sinasabi nya ay di na ako nakapagpigil at sinapak na sya. Umalingawngaw ang paglagapak ng notebook ko sa ulo ni Sakuragi. "Naiinis na kami sayo ni Taki-kun. Hindi ka ba talaga marunong makinig ha?! Paano ka magiging magaling kung simpleng lay up lang hindi mo pa magawa!." Ang sermon ko sa kanya. "Eh bakit ikaw, anong alam mo sa basketball... panay home schooling ka nga lang dati diba?" Ang sagot nya sakin. Mangiyak ngiyak na ako sa sinabi nya... Nararamdaman ko na minamaliit nya ako at iyon ang pinaka ayaw ko. Gusto ko syang balian pero kailangan kong magpigil dahil baka mapatay ko sya. "Ikaw Hanamichi Sakuragi... Anong alam mo sa buhay ko? Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa isip batang katulad mo...gunggong " ang siryosong sagot ko sa kanya. Hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha ko. Sinalubong ako ni Ayako. "Kariya ayos ka lang ba?" Ang tanong nya na hindi ko masagot. "Umiiyak ba si Kariya?" Tanong ni Kogure kay Ayako. Tumango si Ayako at pinaupo ako sa bench. "Sobra ka naman Hanamichi. Hindi ka lang gunggong manhid ka pa. Napaka insensitive mo kaya siguro wala ka pang nagiging girlfriend." Ang sabi ni Ayako kay Sakuragi.
Lumapit sa akin si Rukawa. Nagulat ako sa ginawa nya dahil hinila nya ako para.... yakapin??? "Wag ka nang umiyak Kariya. Ayos lang yan. Pakitaan mo sya ng ginawa mo kanina para mapamukha mo sa kanya na mali sya sa pangmamaliit mya sayo." Ang sabi nya sakin. Alam ko nagulat din sila Haruko, Fujii at Matsui sa ginawa ni Rukawa. Baka nga magalit pa sa akin si Haruko pati na ang FANGIRLS ni Rukawa dahil dun eh. Hinagisan nya ako ng bola. "Manood kayo." Wika ni Rukawa. Pumunta ako sa court at pinatalbog ang bola ng dahan dahan para makapag relax ako. Pumorma ako at saka pinakawalan ang bola. At pumasok yun... 3 points. Nakita kong ngumiti si Rukawa at lumapit sya kay Sakuragi. "Nakita mo yun? Yung Bonsai na yan small but terrible yan. Kaya di porke maliit sya mamaliitin mo na talaga sya." Ang wika nito kay Sakuragi. "Kung ang lay up na sinasabi mong simple lang ay hindi mo magawa... paano ka pa kaya makaka shoot ng tres?". Ang sermon ni Taki-kun kay Sakuragi. "Rukawa, sorry na... alam kong nagkamali ako. Sorry din sayo Bonsai. Rukawa.... pwede mo ba ulet akong pakitaan kung paano mag lay up?" Mukhang siryoso ang gunggong na to ngayon ah. "Sige" ang tanging sagot ni Rukawa. Titira na ulet si Rukawa ng lay up... nang bigla na lang ibato ni Sakuragi ang isang bulto ng basketball kay Rukawa dahilan para madulas ito. "NADULAS SA KAMAY KOOOO!!!" Ang sigaw nya. Naasar na si Rukawa kay Sakuragi kaya gumanti na ito. Hindi ko alam na may pagka isip bata rin pala itong si Rukawa. Nagalit na si Taki-kun. "KAYONG DALAWA.... HUNDI ITO ANG TAMANG ORAS PARA MAGBATUHAN KAYO NG BOLA MGA GUNGGONG" Ang sigaw ni Taki-kun na nasa loob ng basket na lalagyan ng mga bola ng basketball. Mukha syang Gorilla sa zoo. Kaya siguro Gori ang tawag sa kanya ni Sakuragi. Hanggang sa natapos ang practice na panay kagunggungan ni Sakuragi.
5pm na at tapos na ang practice. Nasa gate ako nang maabutan ako ni Rukawa. "Kariya, pwedeng sumabay?" Ang tanong ni Rukawa. "Nasan ang bike mo?" Nagtataka lang ako wala ang pambansang bike ni Rukawa na mahilig sumagasa kay Sakuragi. "Nasa repair shop... kukunin ko pa lang ngayon" sagot naman nya. "Alam mo maaga pa. Samahan na kita." Ang nakangiti kong sabi sa kanya at tumango lang sya. Naglakad na kami.
(Rukawa's P.O.V)
Sinadya kong habulin si Kariya para magkasabay kami. Ngayon may bago akong natuklasan sa kanya. Ang sensitive side nya, ayaw nya ng feeling na minamaliit sya. Yung nangyari kanina, alam ko na nagtitimpi lang sya kay Sakuragi. "Salamat nga pala sa pag comfort mo sakin kanina" ang bigla nyang sabi sa akin. "Wala yun... ayoko lang talaga makakita ng babaeng umiiyak" ang sagot ko sa kanya. Sa totoo lang sanay na akong makakita ng babaeng umiiyak. Pero sya, ayokong makita syang umiiyak. Hindi ko kaya. Dahil sigurado na ako sa nararamdaman ko na gusto ko sya. Sa paglalakad namin nakarating na kami sa repair shop kung saan naroon ang bike ko. "Ayos na ayos na sir ang breaks nyan." Ang sabi ni manong. Binayadan ko na sya tapos hinatid ko na si Kariya sa apartment na tinutuluyan nya.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...