CHAPTER 30: Konting galang Rukawa

59 3 0
                                    

(Rukawa's P.O.V)
Sa totoo lang nagagalit pa rin ako sa sarili ko na di naging sapat ang lakas ko sa buong laro. Pero si Sakuragi, alam kong ginawa nya lahat ng kaya nyang gawin. Napabagsak nga nya si Maki. Bagay na iniisip ko na sana ako ang nakagawa.

Andito kami ngayon sa Gym. Kasama namin si Coach Anzai. "Maglaro kayo ng 5 on 5 pagkatapos nyong magpahinga ng limang minuto Freshman vs Senior. Pagkatapos, umuwi na kayo.." wika ni Coach... "Yung lang ba Tatang? Wala bang mas nakakapagod?" Tanong ng gunggong na Sakuragi sabay hatak sa matabang baba ni Coach... Wala talagang galang. "Para di kayo masyadong mapagod sa susunod na laro." Sagot ni Coach Anzai. "Ah! Huli ko na!" Ang wika nya sabay takip sa kamay nya.. parang di yata maganda ang pakiramdam ko dito ah... "May isa kasing punggok jan na hindi nakatagal nang kinalaban natin ang Kainan. Baka mapagod sya hahahaha" ang wika nya. "Sino kaya yun? May tinatamaan ba dito ha?" Dagdag pa nya sabay hatak sa tiyan ni Coach.

"Tama na Sakuragi!" Ang pansasaway ni Mitsui kay Sakuragi. "Baka mainis si Coach!" Dagdag pa ni Kogure habang ipinagpapatuloy ni Sakuragi ang ginagawa nya. "Lakas mang-asar" ang sabi ko sa sarili ko. Hayaan mo gunggong. Sa susunod na laban sisisguraduhin ko na sapat ang lakas ko sa buong laban..

Kung nandito lang sana si Kariya may sapak sya ng notebook sigurado yan. Speaking of the Angel. Nakalabas na sya kagabi. Kailangan na lang muna nyang magpahinga. Dadaan muna ako sa bahay nya bago umuwi.

"Rukawa, pupunta ka ba sa bahay ni Kariya?" Tanong ni Ayako. "Oo, kakalabas nya lang kahapon at nangako akong dadaanan ko sya ngayon" sagit ko sa kanya. "Ganun ba? Sana all tumutupad sa pangako" wika naman ni Kogure. "Kogure may pinapatamaan ka?" Wika ni Mitsui na parang may gustong ipahiwatig. "May balak kaming bisitahin si Kariya. Baka pwede namang sumabay na sayo Rukawa." Ani Akagi.

"Oo.. Sige." Sagot ko sa kanila. Habang nasa daan kami napansin ko na sumama pala si Sakuragi "Hoy gunggong. Bawal kang lumapit kay Kariya ha. Baka mahawaan sya ng germs mo." Wika ko. "Sa tingin ko ako makakalapi ikaw ang hindi." Sagot naman nya. "Anung ibig mong sabihin Hanamichi Sakuragi?" Tanong ni Ayako. "Malalaman nyo mamaya" ang sagit ng gunggong.

Andito na kami sa bahay ni Kariya. Sinalubong nya agad ako ng yakap. "Bakit sinalubong mo pa ako. Baka bumuka ang tahi ng sugat mo." Ang nag aalala kong usisa sa kanya. "Ano ba yan Rukawa! Konting galang sa mga mas nakatatanda!" Sigaw ni Akagi. "Konting galang sa mga kasama..." dagdag pa ni Kogure na nakangiti. "Lalong-lalo na sa mga di pa nagkakajowa." Sabi pa ni Mitsui na akatingin kay Sakuragi. "Michi may problema ka sa mga NGSB?" Sabi ni Sakuragi.

"Nandito rin pala kayo. Halikayo sa loob pumasom muna kayo sa loob." Wika ni Kariya. At pumasok na nga kami sa loob. "Kumusta ka na Kariya? Namimissed ka na namin sa Gym." Tinura ni Ayako. "Oo nga, namimissed na rin namin ang mapaghimalang notebook ni Kariya hehehehe " dagdag pa ni Mitsui. "Wag kayong mag-alala, bukas pwede na akong pumasok. Nahabol ko na din ang mga naiwan kong lessons sa mga subjects." Ang sagot nya.

"May bisita ka pala Kariya..." si manang na kakalabas lang galing kusina. "Guys, sya nga pala ang 2nd Nanay ko. Si Manang Hoshi." Ang pagpapakilala nya kay Manang. "Kumusta po. Andito po kami para dalawin si Kariya." Ang sagot ni Kogure. "Aba, nakakatuwa naman. Salamat sa pagbisita nyo. Akala ko si Kaede lang ang pupunta." Wika ni Manang Hoshi. "Dito na kayo maghapunan." Ang pag iimbita ni Kariya sa kanila. "Aba, syempre hindi namin tatanggihan yan hahahaha!" Ang wika ni Sakuragi. "Ang kupal mong gunggong ka, di ka kasalo sa hapunan." Ang sabat ko naman.

"Kaede naman... Oo nga pala, may sasabihin ako sa inyo... Si Sakuragi, isinali sya ni Daddy sa Yakuza namin. Pero wag kayong mag-alala. Hindi sya masasangkot sa anung gulo. " paliwanag ni Kariya. "Ayos lang Kariya... Basta ba wag lang masisira ang team dahil sa kanya." Ani Akagi.

"May good news nga pala ako sayo... Nahuli na ni Papa ang mga nanakit sayo. Sa ngayon ay nasa kulungan na sila at sinampahan ng kasong Homicide." Ang wika ko sa kanya. "Magandang balita nga yan..." ang pagsang-ayon ni Akagi. "Hay, iba na talaga kapag prosecutor ang tatay..." wika ni Ayako.

Maya-maya pa ay nakahanda na ang hapag kainan. "Halina kayo mga bagets.. Kakain na" si manang Hoshi nagtutunog Millenial sa sinabi nyang yon.

(Kariya's P.O.V)
Matapos ng hapunan na yon ay nagka kwentuhan pa kami. Si Hanamichi, doon na sya nakatira sa bahay sa tapat ng apartment ko. Nakakatawa lang dahil pinili sya ni Mommy para magbantay sakin. Parang ewan.

"Ano Sakuragi? Jan ka na nakatira sa bahay sa tapat ng apartment ni Kariya?" Tanong ni Kogure. "Oo eh, nalaman kasi ni Mommy ang nangyari sakin. At dahil kasapi na si Sakuragi ng Yakuza, kinuha sya ni Mommy para magbantay sakin." Paliwanag ko sa kanila...

"Ah... Rukawa, nangangamoy sulutan..." wika ni Mitsui. "Rukawa, ingatan mo may bantay salakay" dagdag pa ni Kogure. "Tumigil nga kayo Bungal... Isa ka pa boy labo... ano ba kayo... wala akong gusto kay Kariya. Alam naman ninyo kung sino ang gusto ko eh. Saka, si Kariya parang kapatid ko na din sya katulad ng turing ko sa inyo. Marahil hindi kami magkasundo ng Soro na yan, pero alam kong masaya si Kariya sa piling nya. Kaya.... hindi rin ako papayag na magkahiwalay sila." Wika ni Sakuragi bago pumasok sa bahay nya na binili ni Mommy para sa kanya.

"Ayako, si Sakuragi ba ang nagsalita?" Tanong ni Akagi sa kanya. "Hindi ko alam..." sagot ni Ayako. "Kahit sino pa ang nagsalitang iyon, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya." Ang wika ni Kaede.. mukhang may pag asa pang magkabati ang dalawang ito ah.

"Sige na, mauna na kami." Ang wika ni Akagi at lumakad na sya kasama si Ayako, Kogure at Mitsui. Naiwan saglit si Kaede. "Si Mommy talaga" ang wika ko. "Bakit?" Ang tanong nya. "Kinuha nya si Sakuragi para magbantay sakin dahil alam nya na mortal kayong magka away." Ang sagot ko. "Pero sa tingin ko nagkakamali ang Mommy mo. Si Sakuragi, sa ilang buwan ko syang nakasama. Masasabi kong sya yung tipo ng tao na hindi sumusunod sa utos ng iba. Hindi sya madaling pasunorin dahil may sarili syang nais." Ang wika nya. "Tama ka." Ang tangi kong nasabi.

"Sige na mahal, magkita na lang tayo bukas. Good night na ha." Ang wika nya sabay yakap sakin. "Ingat ka.." wika ko. "Teka, nasan yung pabaon mo? Yung......" sabi nya sabay nguso. Alam ko na... Halikan ko nga... "Hoy! Konting galang sa di pa nagkakajowa!" Sigaw ni Sakuragi na nakadungaw sa bintana na naka topless. Tinakpan nya ang mga mata ko at sinabing. "Wag kang titingin dun, mas maganda ang view pa sakin ka titingin.." sabi nya.

Nang inalis na nya ang palad nya sa mga mata ko nasa loob na ulet si Sakuragi at parang baliw na tumatawa. "Pumasok ka na sa loob.." sabi nya. Yunakap lang ulet ako sa kanya at pumasok na ulet ako sa loob ng bahay.

Tama si Kaede, Hindi papayag si Sskuragi na madiktahan ang mga desisyin nya sa buhay.

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon