CHAPTER 15: A day at Kainan

85 5 0
                                    

Magsisismula na ang laban namin ni Kiyota aka Boots the Monkey. "Nagkakamali ka sa paghamon mo sakin Bansot" sabi ni Kiyota sakin. "Dont judge the book by its cover" sabi ko. Nanalo sa toss coin si Kiyota kaya sya ang mauuna. "Sigurado ka ba sa paghamon mo kay Kiyota ng Shooting game? Sa tres mo pa napili ha. Sa liit mong iyan, nagdududa ako na makakaisa ka" sabi ni Jin habang nakahalumbaba. "Jin, alam kong professional shooting guard ka. Kaya hahayaan na lang kitang manghusga" sagot ko sa kanya.

Sa loob ng 5 minuto, 10 sa 20 pagtira ang nagawa nya. "Nice one Kiyota" compliment ni Takasago. "Start nyo na ang timer" sabi ko sa kanila. Sa unang tira ko nagulat sila. "Ang rhythm at ang Pace nya. Pati na ang porma. Talagang perpekto. Kahit maliit sya magaling sya mag jump shot kaya talagang papasok ang 3 points nya. Small but terrible" narinig kong sinabi ni Jin. "Tama ka, kung naging lalaki sya sigurado akong matatalo ka nya Jin o kahit si Hisashi Mitsui na dating MVP." Sabi ni Maki.

Natapos na ang 5 minuto at sa 25 tira na ginawa ko isa lang ang hindi pumasok. "Imposible mga pre, isa lang ang hindi nya naipasok sa 25 nyang tira. Natalo ako ng bata mga pre!" Sabi ni Kiyota. "Sinong tinatawag mong bata ha Boots" tanong ko. "Sino pa eh di ikaw" sagot nya. Naiinis na talaga ako. Hahampasin ko na sana sya mg notebook ko pero may nanapak na agad sa kanya. "Aray ko...." angal nya.

"Ah, Coach Riki Takato. Long time no see po." Bati ko kay coach. "Aba, napa pasyal ang binibini namin. Bakit kaya?" Tanong ni Coach Takato. "May inayos akong problema. Tungkol sa reklamo ng mga magulang. Nakita ko na nakapagbayad na ang lahat ng tuition. Sa madaling salita may nagnakaw ng pera ng school. Sa ngayon pinaiibestigahan ko na yun. Hindi naman ako aalis na di pa tapos ang pinagagawa ni Mommy". Paliwanag ko. "Ah, kaya pala nakita ko si Atty. Kimura kanina. Salamat naman at napasyal ka dito sa basketball gym." Sagot ni Coach Takato. "Teka nga lang Neneng, sugar Daddy mo ba si Coach Takato?" Tanong ni Kiyota. "Coach naman, child abuse yan" dagdag pa ni Miyamazu kaya napagbabagyan ko sila ng sapak. "Pasensya na coach sa inasal ko sa mga players mo. Kanina pa kasi ako nagtitimpi eh. " sabi ko. "Ayos lang po iyan Ojou-sama." Napatigil sila nung marinig nila na tinawag ako ni Coach Takato ng Ojou-sama. "Ano ikamo Coach? Ojou-sama?" Tanong ni Maki. "Bakit?" Dagdag pa ni Jin. "Sorry, hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sa kanila" sabi ko. "My honor to introduce you Ojou-sama." Tumango lang ako kaya ipinakilala na ako ni Coach Takato. "Team, gusto kong ipakilala sa inyo ang anak ng may ari ng Kainan Dai High School at ang susunod na tagapagmana ng Shimajiri Corp. Si Lady Kariya Okade" Lahat sila nabigla kasi di ko naman sinabi sa kanila na anak ako ng may-ari ng Kainan. "Ibig sabihin, ang bulinggit na iyan... sya ang susunod na may ari ng Kainan?" Tanong pa ni Kiyota. "Sige Nabunaga Kiyota, asarin mo pa si Ms.Kariya, tyak na kick out ka" pananakot ni Jin kay Kiyota. "Walang duda yan Jin" sagot ko naman. "Pakipaliwanag nga. Anong ginawa ni Kiyota kay Ms.Kariya?" Tanong ng Coach. "Si Kiyota kasi coach kanina pang inaasar si Ms.Kariya" sabi ni Maki. "Asus Maki, wag ka ngang magmalinis jan. Sabi mo pa nga kanina kay Ms.Kariya kung gusto ba nya ng Candy." Sabi ni Kiyota. "Bakit hindi lang naman ako ah, Malala naman ang sinabi ni Takasago at Miyamazu kay Ms.Kariya. Sabihan ba naman na bawal ang ELEMENTARY dito at kung anak ba daw sya ng Faculty member." Defend pa ni Maki. "Mga gunggong!" Nasapak silang lahat ni Coach Takato. "Wala kayong mga galang, hindi nyo ba naiintindihan na ang binabastos ninyo ay ang anak ng may ari ng Kainan?" Sermon ni Coach Takato. "Coach Takato, hinay hinay ang BP mo baka tumaas. Baka atakihin ka pa sa puso. Saka kasalanan ko din naman. Hindi ako nagpakilala ng mas maaga sa kanila" sabi ko. "Kahit na po Ms.Kariya, hindi naman po ako nagkulang ng pangangaral sa kanila. Dapat silang gumalang sa mga babaeng makikilala nila. Yun po" paliwanag nya. "Daijobu Takato sensei, ngayong alam na nila hindi na sila uulit. Lalo ka na mayabang na unggoy" tumango na lang si Coach Takato. Bago ko pa namanlayan, pumunta na pala sila sa harap ko at nag-bow sabay sabing "SORRY PO MS.KARIYA" "Ano ba kayo, Kariya na lang ang itawag nyo sa akin. Mas bata pa naman ako kay Maki" nakangiti kong sabi.

Nanood na ako ng practice nila. Mga 1pm natapos na sila. Sakto naman na dumating si Atty.Kimura para sa report. "Ms.Kariya, natuklasan po namin na ang auditor na si Mr.Mori ang nagnakaw ng pera ng school ito na po ang report sa Flashdrive na ito. Nakapaloob po dito ang software copy ng lahat ng details." Sabi ni Atty.Kimura bago pa sya umalis.

"Uuwi ka na ba Ms.Kariya?" Tanong ni Maki. "Maki naman, Kariya na lang ang itawag nyo sa akin. Ituring nyo ako kaibigan" sagit ko kay Maki. "Kung yan ang gusto mo wala akong magagawa.... Kariya. Sabay ka na sa amin?" Sabi pa nya. "Oo nga Ms... ibig kong sabihin Kariya, makabawi man lang kami sa pangaasar namin sa inyo kanina" sabi pa ni Jin. "Ah yun ba? Okay lang yun. Mas malala ang tawag sa akin ni Sakuragi pero nasanay na din ako" sagot ko sa kanila. "So ibig sabihin, nag aaral ka sa shohoku?" Tanong ni Kiyota. "Oo, at ang weird pa nito. Assistant manager nila ako" sagot ko sa kanila with a Chibi face. "Weird nga. Pagmamay-ari nyo ang Kainan pero sa Public School ka pa pumasok. Kakaiba ka talaga" ani Takasago. "Malapit eh" sabi ko na lang. Yan na missed ko tuloy ang maputlang soro na yun. Kasabay nila akong sumakay sa Tren. Maluwag pa kaya nakaupo naman ako. Nauna na akong bumaba sa kanila. "Sige, ingat na lang kayo pauwi" sabi ko sa kanila bago pa man magsara ang pinto. Paglabas ko ng station naroon si Akira. "Naayos mo ba ang problema sa Kainan?" Tanong nya. "Oo, ipapadala ko kay Mommy ang report mamaya" sagot ko at naglakad na ako. Paglampas ko sa kanya, hinabol pa nya ako. Kakausapin daw nya ako.

(Sendoh's P.O.V)
Buti na lang sumama sya sa akin ng sinabi ko na may kailangan kaming pag usapan, mahalaga lang. Dinala ko sya sa Yate na niregalo sa akin noong last year. "Anong ginagawa natin dito" tanong nya. "Pupunta tayo sa laot para walang panggulo" sagot ko at hindi na sya nagtanong.

Nang makarating kami sa laot, ibinaba ko ang angkla at pinanood ang sunset kasama sya. "Ano bang pag uusapan natin?" Tanong nya. "Kariya, gusto lang kitang makasama kahit ngayon lang. I know how much you love sunsets" sabi ko. "Oo tama ka. I love sunsets." She said as she drunk her orange juice. "Bata pa lang kilala na kita. Ikaw yung tipong hindi papayag na hindi makaganti kapag nasaktan" "At ikaw ang tipo ng tao na obsessive sa mga pagmamay-ari mo. Hindi ka papayag na maagaw yun ng iba" sagot nya sa akin. Kilalang kilala nya talaga ako. Nope, we really know each others. "So therefore, alam mo din na hindi kita isusuko kay Rukawa ng ganun na lang." Wika ko at dumilim ang aura nya. "At alam mo din na hindi ako papayag na malayo sa kanya" ang sagot naman nya. Napangisi na lang ako. Sa isip ko, wala akong pakealam. Mababawi din kita Kariya.

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon