Nagsimula na kaming mag discuss ni Haruko habang si Akira kasama ni Manang na magluto sa kusina. "Sabihin mo nga Kariya... Ano ang ginagawa ng isang Akira Sendoh dito sa bahay mo?". Tanong nya sakin... Ano ba, sasabihin ko ba sa kanya na fiancè ko si Akira? Kung sa bagay kaibigan ko sya eh. Pero yung sinabi kasi sakin ni Rukawa sa basketball court. Yun ang gumugulo sa akin. Baka magalit sa akin si Haruko. Lakas pa man din ng tama nito kay Rukawa.
Pero si Haruko ay isa sa mga bestfriend ko. Kaya unfair na hindi ko sabihin sa kanya. "I do believe that bestfriends shares secret to each others. Sasabihin ko sayo kung magsasabi ka sa akin ng isang major secret mo." Ang sabi ko sa oanya kasi wala na akong maisip na paraan. "Okay sige. Ito ang secret ko... Nanapak ako ng lalaki sa school noong junior high ako. Sa harap ng adviser ko. Hanggang ngayon hindi pa alam ni mama at papa. Pati na ni kuya Takenori. Oh ikaw. Ano ang secret mo?". Ang sabi nya sa akin. Hindi ko alam na mag pagka sanggana din pala itong si Haruko. Saktong dating ni Akira dala ang dalawang bowl ng ramen sa tray para asa amin ni Haruko. "Si Akira Sendoh.... fiancè ko sya. Nakatakda kaming magpakasal kapag naka graduate na ako ng high school." Ang pag amin ko. Nagulat sya sa sinabi ko. "Siryoso ka ba Kariya? Hindi ka nagbibiro?" Tanong nya sa akin. Pinakita ko yung kwintas na tanda ng fixed marriage namin. Pinakita din ni Akira yung kanya. "Tama ang sinabi Kariya, Haruko. Kaya nga kahit maraming babae na humahabol sa akin hindi ko sila pinapansin. Dahil kay Kariya". Ang sagot ni Akira kay Haruko. "Fiancè mo sya Sendoh. Kung hindi ako nagkakamali, nakakarating sayo ang balita na hinahatid ni Rukawa si Kariya. Okay lang ba yun sayo?" Ang tanong ni Haruko kay Sendoh. "Sa totoo lang Haruko, hindi okay sa akin yun." Ang tangi nyang sagot. Tumango tango lang si Haruko. "Makakaasa ka na mananatili muna itong lihim sa ngayon. Dahil darating din naman ang panahon ng malalaman ng mundo ang tungkol sa inyong dalawa. Walang lihim ang di nabubunyag" ang wika ni Haruko. Tama sya... walang lihim ang hindi nabubunyag. Ang inaalala ko si Rukawa... ayokong saktan sya. Kung bakit ba naman sa akin pa sya na fall... at ako... di ko alam ang naramdaman ko sa para sa kanya. Pero ang alam ko lang masaya ako pag kasama ko sya. Ligtas ako pag kasama sya... at ayokong masaktan sya.
Ngayon ang unang laban ng shohoku kasama ako. Hindi nakasama si Haruko at ang dalawa pa naming tropa. "Ano Sakuragi, ngayon ang unang laban mo... Ano ang nararamdaman mo?" Ang tanong ni Ayako kay Sakuragi. "Ahhh.... Okay lang , okay lang." Ang sabi ni Sakuragi with a weird face. "Kinakabahan yan..." ang sabat ni Rukawa. "Ano ika mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo Rukawa!" Ang sagot naman ni Sakuragi... hay nako kailan ba magkakasundo ang dalawang ito? "Kitang kita naman jan sa mukha mo kinakabahan ka" sagot ni Rukawa. Piningot ko sila sa tig isa nilang tenga. "Tama na nga kayong dalawa" ang wika ko. "Hehehehe, lahat naman tayo kinakabahan eh".ang sabi naman ni Ayako na halatang kinakabahan din. "Grrrrrr palibhasa pang junior high lang ang alam mong basketball kaya ganyan ka. Alam mo na WHOEVER CONTROLS THE REBOUND, CONTROLS THE WORLD" ang paliwanag ni Sakuragi. "The world? Baka the game" wika ni Kagure. "Hay nako, gunggong talaga..." ang wika namin ni Rukawa on the side.
Nasa mismong Gym na kami. Umupo ako sa tabi ni Ayako. "Ito ang 1st time ko na makakapanood ng mismong basketball game... sa aking harapan" ang wika ko sa sarili ko. "Mag eenjoy ka. Manood ka lang" ang wika ni Ayako. Hindi muna pinaglaro ni Coach Anzai sina Mitsui, Miyagi, Sakuragi at Rukawa... sa tingin ko pinaparusahan sila dahil sa kagunggungan nilang ginawa last week. Yun din kasi ang conclusion ni Ayako. Tulad ng inaasahan ko, mayayabang talaga itong mga players ng Miuradai. Dinadaan talaga nila sa laki at lakas ang laban. Talagang magugulang nga sila. Minamaliit nila ang mga substitute players namin. "Ang kuponan na makakalaban ng Kainan ay ang Miuradai. Ang Ryonan, basura lang sila." Ang narinig kong pagmamayabang ni Murosami. Ang kapal ng apogs nya.
Sa gitna ng pagkainis ko pagkainis ko sa sinabi ni Murosami, biglang naghiyawan ang mga players na naka varsity jacket sa taas. "Akagi! Ano bang ginagawa mo lampasuhin mo na ang mga mayayabang na iyan!" Ang sabi ng isang matangkad na lalaki doon. Kamukha sya ni Taki-kun ha. "Tumahimik kayo mga bugok!" Ang tanging sigaw ni Taki-kun na narinig ko. Habang itong si Sakuragi ay kanina pang nangungulit kay Coach na ipasok na sila. "Makinig kayo, nangangako ba kayo na hindi na kayo makikipag away?" Tanong ni Coach. "Aba tatang..." ang sabi ni Sakuragi. "Nangangako po ako" sagot naman ni Miyagi. "Ako sigurado na" ani Mitsui. "Ako medyo lang". Sabi ni Rukawa at nahampas ko pa sya ng notebook ko. "Kariya naman" sabi nya. "Hindi ka na dapat makipag away ha pwede?" Ang sabi ko at tumango sya. Tumawag ng time out si Coach para sa substitution. "Rukawa..." ang pagtawag ko sa kanya at napalipos sya. "Alam mo na ang gusto kong sabihin. Ikaw na ang bahala." Wika ko at sumagot sya na "Oo Kariya" hinawakan nya ang ulo ko. "Ako na ang bahala" ngumiti na lang ako kahit kinakabahan ako.
Bumalik ako sa kinauupuan ko. "Wag kang mag alala Kariya. Malakas sila. Kaya nila yan" wika ni Coach sa akin. "Kariya, nakikita mo ba ang mga nasa itaas na iyon? Yung mga nakasuot ng itim at dilaw na jersey jacket? Sila ang mga players ng Ryonan. Darating ang araw na muli silang makakalaban ng Shohoku" wika ni Ayako. Tumingin ako sa sinasabi nyang grupo. Matama ko lang tinitignan ang kuponan noon nang mahagip ng mata ko si "Akira!?". Alam kong nakita nya ako kaya sumaludo pa sa akin si Akira. Umupo ulet ako. "Ang tinatawag mo bang Akira ay si Sendoh?" Ang tanong ni Ayako. Tumango lang ako. "Player din sya?" Ang tanong ko. "Hindi lang basta basketball player ng Ryonan. Sya ang Ace Player". Nabigla ako sa sinabi ni Ayako. Ang alam ko lang kasing hobby ni Akira ay ang pangingisda. Akalain mo ba namang Ace Player pala ang tinamaan ng magaling na tukmol iyon.
Natapos ang 1st half na panay kagunggungan ni Sakuragi. Hindi pa pumapasok ang kalbong player. Umalis muna ako para bumili sa vendo machine ng maiinom. Nakakuha na ako ng tubig mula sa vendo machine. Paghakbang ko patalikod may nakabangga ako. Pagharap ko si Akira. "Kumusta na ang sugat mo? Hindi ba masakit? Dapat yata hindi ka muna pumunta dito" ang wika nya. "Akira" tangi kong nasabi. "Oo ako nga." Sagot nya. "Akira Sendoh, bakit hindi mo sinasabi na Ace Player ka pala?" Ang tanong ko sa kanya. "Pasensya na Wifey. Sasabihin ko naman sayo kaso-". "Kung gusto mo talagang sabihin dapat simula pa lang sinabi mo na" pagputol ko sa sinasabi nya. "Aba, nagging wife ka na?" Pagbiro pa nya sa akin. "Ewan ko sayo" pagkasabi noon lumakad na ako. Pero nakasalubong ko naman ang team mates nya. "Sendoh, sa kaunaunahang pagkakataon namansin ka ng babae" ang tanong nung lalaking kamukha ni Taki-kun. "Oo nga Captain Ouzumi. Iche-check ko yan!" Sabi ng isa. "Bakit di mo naman sinabi na Bonsai pala ang tipo mong babae?" Sabi ng isang singkit at kulot. Sa inis ko binatukan ko sya ng notebook ko. "Anong problema mo sa 4'11?" Ang sabi ko. Hinawakan ni Akira ang kaliwa kong braso. "Tama na Wifey lumalabas na ang angry veins mo. Baka dumugo pa ang sugat mo sa ulo. Sariwa pa lang naman yan" ang sabi nya. "W-w-wifey? Tama ba narinig namin wifey ang tinawag mo sa babaeng iyan?" Tanong ng kulot na nabatukan ko. "Oo nga pala, Team. Sya si Kariya Okade. Freshman sa Shohoku at ang kasalukuyang assistant manager nila. Fiancè ko". At pinakilala na ako sa team nya. "Nice meeting you all" ang tinatamad kong wika sa kanila. "Wifey, magsisimula na ang 2nd half. Bumalik ka na. Mamaya na lang kita susunduin para makilala mo naman ang team mates ko." Sabi nya. "Urgh, do I have a choice?" Ang sabi ko sa kanya bago ako umalis.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...