Tonight is the night na makikilala ni Dad si Rukawa as my boyfriend. Sinundo ko sila ng Van sa park na malapit sa Shohoku. "Naks Hanamichi! Nagmukha kang tao sa suot mo ah" sabi ni Miyagi. "Bakit Ryo-chin? Hindi ba ako tao?" Naasuwang tanong ni Sakuragi na nakasuot ng long sleeves na nakatupi hanggang siko.
"Unggoy ka gunggong." Ang bulong ni Rukawa na na rinig naman ni Sakuragi. "Rukawa! Naiinggit ka lang kasi mas gwapo ang hemyong to kesa sayo.. aminin mo na kasi nyahahahhahh." Ang sagot ni Hanamichi na bubukulan na dapat ni Akagi pero nagsalita ako. "Ano nandito na bang lahat? Kayo na lang ba ang sasama?" Tanong ko at tumango sila. Sumakay na sila at nasa tabi ko si Rukawa at ako ang nagda-drive.
Ang kasama ko ay sina Akagi, Mitsui, Miyagi, Ayako, Rukawa, Sakuragi, at ang tatlo kong mga tropa. Sina Haruko, Fujii at Matsui.
After some time nandito na kami sa venue... sa beach house namin.. "Wow, Bonsai... Ang ganda naman dito.. Sigurado ka bang ito ang venue?" Usisa ni Sakuragi.. Hindi ko nga pala sinabi sa kanila ang buhay ko. "Oo Sakuragi... Sabi ko naman sayo prinsesa ako ng Yakuza.. Mayayabang ang mga tauhan ni Daddy. Kaya kapag pinagyabangan ka ng mga kulugong iyon, binanabasbasan kitang mambiktima ng headbat mo." Wika ko. "Subukan mo lang gunggong ka." Ang babala ni Akagi kay Sakuragi.
"Okay lang yun Akagi. Hindi naman lalabas ang pananapak ni Sakiragi eh." Wika ko naman. "At pinagtatanggol mo pa ang gunggong na yan ha." Reklamo ni Kaede. "Ang seloso mo naman." Sabi ko.
"Hala Kariya lagot ka." Pangaasar pa ni Miyagi. Sapakin ko nga ng notebook. "Hanggang dito ba naman dala mo pala yan." Sabi nya.
Samantala pagpunta namin sa backyard nagtitinginan ang mga bisita.
"Ang tatangkad ng mga taong ito ah."
"Where on Earth they came from?" Sabi pa nung isa.
"Ah, Kariya anak... Nandito na pala ang prinsesa ko. Sila ba ang mga Friends mo?" Bungad ni Dad at niyakap ko sya. "Yes Dad, sila po ang mga Kaibigan ko. Si Takenori Akagi ang Team Captain."
"Magandang gabi po" wika ni Akagi.
"Si Ryota Miyagi po ang Point Guard namin."
"Kumusta po boss?"
"Si Ayako ang manager namin."
"Good evening po sir." Bati ni Ayako. Si Miyagi on the side pumuso na naman ang mga mata. 😍😍😍
"Si Hanamichi Sakuragi.."
"Kumusta na po..." sa sinabing ito ni Sakuragi, kinakabahan kami dahil alam namin ang ugali nya... May kasunod pa yan..
"MANONG NYAHAHAHA" ang dagdag pa nyaa kaya binukulan sya ni Akagi. "Hay Gunggong talaga.." sabi ni Rukawa matapos ang malalim nyang buntong hininga...
"Dad. Sila Matsui, Fujii at Haruko mga classmate bestfriends ko.
"Magandang gabi po sir." Ang nakangiting wika ni Haruko..
"And Dad, yung tao na gusto mo talagang makilala. Si Kaede Rukawa po. Ang Ace player namin at... Boyfriend ko po." Ang pakilala ko.
Inilahad ni Kaede ang kanan nyang kamay at sunabing. "Magandang Gabi po sir. Happy Birthday po.."
Matama syang tinignan ni Dad... "Sige Sir humadlang ka sa kanila... Hahadlang sya... Hahadlang sya... Hahadlang sya... Hindi ka magiging masaya... Rukawa...." ang bulong ni Sakuragi habang Nakatingin kay Rukawa na para bang nagsasagawa ng orasyon... Gunggong talaga tong si Sakuragi.
Nakipagkamay sa kanya si Dad at sinabing... "Its so good to finally meet you.. walang duda anak ka nga ni Kaname. Kamukha mo sya ng kabataan namin." At nakahinga kami ng maluwag.
Tapos na silang mag shake hands at nagsalita ulit si Dad. "Balita ko mga basketball players kayo."
"Opo sir.." Sagot naman ni Akagi. "Kaya pala ang tatangkad nyo." Sabi naman ni Dad. "Maliban sa isa hahahah.." ang singit naman ni Sakuragi.. Nagparinig pa kay Miyagi. Kaya naman si Miyagi ang sama ng tingin sa kanya.
"Oo nakikita ko nga. Pero paalala ko lang..Hindi ang laki o tangkad ang panlaban sa larong basketball.. Kundi ang Determinasyon, Pagsisikap, ang Tapang at ang Puso sa laban... Idadagdag pa ang skills at team work. Sa totoo lang napanood ko ang ilan sa mga laban ninyo sa mga video na nakay Kariya. Akagi, humahanga ako sa kakayahan mo bilang Sentro. Talagang wala akong masabi..."
"Eh pano Gorilla" ang sabay na wika nina Sakuragi ay Miyagi.
"Salamat po sir sa papuri nyo. Pero alam ko po na meron pa pong mga bagay na dapat kong matutunan." Ang wika ni Akagi.
"Hisashi Mitsui, saludo ako sa mga 3 points shots mo. Walang duda na naging MVP ng Takeishi Junior High. Magiging masaya ako kung minsan kitang makakalaban sa isang shooting game." Sabi ni Dad kay Mitsui.
"Sure po Sir. Kung gusto nyo po minsan maglaban tayo sa Shooting Game. Magiging masaya din po ako pag nagkaganun Sir. Malaman naman natin kung kumupas na ba ang isa sa BASKETBALL TERRORISTS." Ang wika naman ni Mitsui na ikinatuwa naman ni Daddy.
"Riyota Miyagi... Ikaw ang pinakamaliit sa grupo pero hanga naman ako sa bilis at liksi mo. Mahilig kang sumuklot tapos ipa-fast break mo naman... tagalang perpekto bilang point guard." Sabi ni Dad kay Miyagi.
"Hahahah, salamat po sir." Ang tatawa tawang wika ni Miyagi..
"Hanamichi Sakuragi... Gunggong ka sa shooting pero ang lupet ng mga rebounds mo. Baguhan ka pa sa basketball pero... Madali ka namang matuto eh wag nga lang magpapasaway." Wika ni Dad..
"Kasi Henyo ako Manong NYAHAHAHAH!" ang humahagalpak na wika ni Hanamichi kaya binukulan sya ni Akagi. "Gori naman eh." Reklamo pa nya.
"Kaede Rukawa... ang Ace Player at ang boyfriend ng Anak ko. At anak din ng matalik kong Kaibigan. Ayos bata... Matapang ka. Para sumugod kang mag isa at at balewalain ang tatlong nagbabantay sayo. Ibang klase.... May kayabangan ka nga pero may ipagmamayabang naman. Wag mo nga lang kalimutan na may kateam mates ka Hijo." Wika ni Daddy kay Rukawa.
"Opo Sir..." sagot naman ni Rukawa. "Hayan Rukawa... punangaralan ka na ng beterano. Aangal ka pa?" Pang aasar ni Mitsui. "Manahimik ka jan Bugok na bungal" ang wika ni Rukawa. "Halina kayo mga bata.. kumain muna kayo." Ang wika ni Daddy.
Pupunta na sana kami sa reserved seats namin ng dumating si Mommy.
"Long time no see my dear daughter. Sila ba ang mga friends mo?" Tanong ni Mom.. "Yes Mom.. Mommy, friends ko po sila. Guys... Mommy ko.. Si Mrs.Haraki Shimajiri Okade." Ang pakilala ko sa kanila kay mom. Sabay sabay silang nag bow at sinabing magandang gabi po. Kahit si Hanamichi napatiklop talaga kasi... Mataray at nakakatakot si Mommy. Kung natatandaan nyo yung Mama ni Dao Ming Si sa Meteor Garden parang ganun sya as in. Dragon talaga.Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na si Mom. Pumunta na kami sa reserved seat namin. "Mukhang ikinakahiya ka ni Bonsai ah Soro..." pang -aasar ni Sakuragi.
"Hindi sa ganun... Mahal ko si Kaede.. Alam na nga ni Dad kami na ni Kaede and as you can see tanggap nya kaming dalawa. Pero si Mommy, Diyos ko Mondragon sya. Hindi sya papayag na makasama ko si Kaede kasi mas gusto nya si Akira Sendoh para sa akin. Minamanipula nya ang buhay ko. She always gets what she wants. Kahit makapatay pa sya ng inosente." Ang paliwanag ko sa kanila.
"Halata naman eh sa pagmumukha pa lang. Goodluck na lang sa journey nyong dalawa as a couple. Kapit lang kayong dalawa. Katulad ng pagkapit ko na balang-araw magiging kami din ni Ayako." Wika ni Miyagi. "Asus, si kulot nagdada Moves pa. Eh di ikaw na." Sabi naman ni Sakuragi.
"Pero kung may maitutulong kami bilang kaibigan nyo nakahanda kami." Ang wika naman ni Mitsui. Nag serve na ng foods ang waiters na naka assigned sa amin. At masaya kaming kumain.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...