Kasabay kong umuwi sa Kanagawa sina Mama at Papa. Gabi na nun at hindi pa rin ako makatulog kahit anong gawin kong pikit. Dahil sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, nakikita ko ang imahe ni Kariya na walang malay na nakahiga sa hospital bed at naka-oxygen. Nasasaktan ako sa tuwing maaalala ko yun. Di ko mapigilang magalit sa sarili ko dahil nung panahon na kailangan nya ako.. wala akong nagawa. Sa halip, mas pinagtuunan ko pa ang paglalaro ng basketball habang nasa panganib sya.
At di ko rin mapigilan ang mamuhi kay Ayako. Sya ang dahilan kung bakit hindi ko nalaman ang tungkol sa nangyari kay Kariya.
"Sabi ko na gising ka pa anak." Si Papa, pinuntahan nya ako dito sa kwarto ko. "Bakit po Pa?" Tanong ko. "Ehto may dala akong beer. Baka gusto mong pagusapan natin ang bagay bagay. Alam mo na, Papa mo pa rin ako. Gusto ko namang bumawi sa mga oras na hindi kita maayado nakakausap." Ang sagot nya. Tumango na lang ako at umupo sya sa Carpet. Tumabi na rin ako sa kanya. "Kaede, alam kong galit ka sa sarili mo. Alam kong namumuhi ka dahil wala kang nagawa nung oras na kailangan ka nya. Naiintindihan ko dahil naranasan ko na din yun." Sabi nya sakin "Paanong naranasan mo yun? Hindi naman napapahamak si Mama diba?" Ang pagtatakong sabi sa kanya.
"Alam mo namang hindi ang Mama mo ang first love ko diba? And you never asked kung sino yun. Well, okay lang naman ngayon kung malaman mo. Nung junior high pa ako may girlfriend ako. Sya si Sayaka. Masaya naman kami noon eh. Until one night, kakagaling lang nya sa bahay namin noon. Niyakap pa nya ako bago sya umalis. Lagi naman nyang ginagawa yun eh. Natulog na ako ng makaalis sya. Pero... kinabukasan pag gising ko. Nakita ko na lang na umiiyak si Mama. Sabi nya sakin. Magbihis ako may pupuntahan kaming lamay. Tapos... yung lamay na pupuntahan pala namin.. sa bahay ni Sayaka. Pinaglalamayan na ang girlfriend ko. Gumuho noon ang mundo ko nang makita ko na pinaglalamayan na sya. Sabi ng Papa nya. Naaksidente daw sya ng iligtas nya ang isang babae." Ang pagkukwento ni papa.
"Ganun po ba. Ibig sabihin po ba di mo minahal si Mama?" Ang tanong ko ulet sa kanya. "Mali ka... mahal ko ang mama mo. May ikekwento pa ako sayo. Pero ayoko na magbago ang nararamdaman mo para kay Kariya. Alam kong mahal na mahal ka nya." Sabi pa ni papa na ipinagtaka ko talaga. "Ano pong kinalaman noon kay Kariya?" Tanong ko.
"Hindi talaga ako ang boyfriend ng mama mo nung senior high kami. Kundi si Shion. Masaya naman sila. Kaso yung mommy nya. Si Haraki.. sya yung spoiled brat na lahat ng gusto nya nakukuha. Malaki ang pag ibig nya kay Shion kaso lang si Miracle naman true love ni Shion. Kaya ang ginawa nya, ginamit nya lahat ng connection nya para paghiwalayin sina Shion at Miracle. Tapos dumating sa point na wala na kaming magawa dahil kontrolado na ni Haraki ang lahat. Sinabi sakin ni Shion na wala na silang magagawa ni Miracle para ipaglaban pa kung ano ang namamagitan sa kanila. Gusto nyang ligawan ko si Miracle. Para di na mapahamak ang babaeng mahal nya. Then pinakasalan ko si Miracle nung makagraduate kami ng senior high. In the process minahal ko si Miracle. Minahal nya din ako. After naming maka graduate ng college at magkatrabaho dumating ka sa buhay namin.. Kaya nasabi sakin ni Mira, wala na syang pagsisisihan kahit di nya nakatuluyan si Shion." Ang kwento pa ni Papa.
Uminom ako ng beer at sinabi sa kanya. "Wala akong pakealam sa mga nangyari sa nakaraan nyo. What matters to me now, wag mawala sakin si Kariya. Kaya kahit ganun ang nangyari kina Mama at Daddy Shion hindi ko iiwan si Kariya, hindi kahit kailan." Tinapik nya ang balikat ko. "Yan ang gusto kong marinig sayo. Ipinagmamalaki kita anak.. Oo nga pala Kaede. Magkakaroon ng entrapent operation bukas ng hapon. Kasangkot ang Mitsuki na kalabang Yakuza nila Shion. Sila din ang hinihinalang kumidnap kay Kariya." At natuwa ako sa binalita nya. "Aba.. yan si Sherlock Holmes." Wika ko.
Kinabukasan pumasok ako sa school. Kailangan kong galingan para kay Kariya. Para pag gising nya.. maging masaya sya. Pero.. andito pa lang ako sa gate pinagkalibungbungan na ako ng mga jologs dito. "Hoy Rukawa, anong pagmumukha yan?" Wika ni Mitsui. "May pa blow out si coach sa sabado sasama ka naman diba?" Tanong ni Ayako. Hindi ko sila pinansin at naglakad na lang ako papunta sa classroom. "Anong problema nun? Hoy Rukawa napakayabang mo talaga.." wika ni Mitsui.
(Ayako's P.O.V)
"Hay nako, bumalik na naman sya sa pagiging taong-yelo." Wika ni Ryota. "Ano pa bang bago eh si Rukawa yan" sagot naman ni Mitsui. "Malaki na ang pinagbago nya mula ng makilala natin si Kariya. Sigurado ako nagbalik na naman sya sa dati kasi sobrang lungkot nya." Ang wika ko naman. "Kung sa bagay tama." Pagsang-ayon naman ni Mitsui "Balita ko di pa nagigising si Kariya. Sasama ba kayo mamaya? Bibisitahin ko sya after class. Wala naman tayong practice diba?" Ang tinuran ni Mitsui. "At sinong may sabi? Pupunta pa rin tayo mamaya gym. Aalis na kasi sina Kogure at Captain Akagi sa team. Mamaya sila magpapaalam. At mamaya na rin nila sasabihin kung sino ang papalit sa kanila." Ang sabi ko sa kanila dahil totoo yun. Tapos na ang termino nila Kogure at Akagi kaya papalitan na sila. Ang tanong... sino naman kaya ang napili nila?Hapon na at tapos na nga ang klase. Pumunta kaming lahat sa gym. "Teka, nasaan si Rukawa?" Tanong ni Kogure. "Maari na tayong magsimula. Tumawag ang daddy ni Kariya kay Rukawa. Nagising na daw si Kariya kaya agad syang pumunta doon sa ospital." Sagot naman ni Coach.
Si Kariya.. buti na lang.. nagising na sya.
(Rukawa's P.O.V)
Tumawag kanina si Daddy Shion. Gising na daw Kariya. Andito na ako sa ospital. "Mommy.. andito na po ako." Wika ko. Umiiyak si Mommy Haraki. "Bakit po?" Tanong ko sa kanya. "Kaede... Nagising na si Kariya.. pero.. She cant remember us.." sagot nya at parang gumuho ang mundo ko. "May amnesia sya?" Tanong ko sa kanya at tumango sya. Nakita ko si Kariya na nakaupo sa hospital bed nya at nakaharap sa bintana. "Kariya..." ang pagtawag ko sa kanya. Umaasa na nagsisinungaling lang si Mommy Haraki o di kaya ay pina-prank nya lang ako.Lumingon sakin si Kariya. "Kilala mo ako? Sino ka? Hindi kita maalala." Wika nya. At sa narinig kong iyon, wala akong nagawa kundi ang mapaupo sa sofa at humagulgol ng iyak. Lumapit sya sakin at hinawakan ang balikat. "Pasensya na...pero di talaga kita maalala." Wika nya. Yumakap na lang ako sa bewang nya na para akong bata. "Kariya... ako ito si Kaede Rukawa.. hindi ako papayag na kalimutan mo ako.. hindi pwede.. hindi..." ang paghagulgol ko sa kanya. Lumapit si Mommy Haraki hinagpos ang likod ko.
4pm umuwi na ako kasi may paaok pa ako kinabukasan. Wala na yatang mas sasakit pa sa pakiramdam na ito. Sa lahat ng makakalimot sakin bakit si Kariya pa.
Kinabukasan after classes, nagpunta ako sa gym para magbasketball at libangin ang sarili. Para makalimutan ang lungkot kahit saglit lang. "Wala namang game pero nagpapractice ka." Wika ni Ayako. Hindi ko sya pinansin. "Rukawa, alam kong galit ka pa rin sakin.. kaya okay lang na di mo ako pansinin. Pero gusto ko lang kumustahin si Kariya kasi balita ko, nagising na sya kahapon." Wika nya at napatigil ako.
"Matapos mong ilihim sakin ang nangyari sa kanya talagang may kapal ka pa ng mukha para kumustahin sya sakin... Oo nagising na sya.." Lumapit ako sa kanya. "AT DI NYA AKO MAALALA! MASAYA KA NA?!" Ang galit na galit kong singhal sa kanya dahil galit ako.
"Rukawa ano ba?! Bakit mo sinisigawan si Ayako? Oo alam namin na galit ka sa kanya pero wag mo naman syang sigawan." Saway sa akin ni Ryota. "Palayuin mo sya sakin kung ayaw mong samain sya sakin." Ang wika ko at umuwi na ako sa kanila.
Pagkauwi ko wala sina Mama. Tinawagan ko sila sa telepono.
"Hello ma? Asan ka? Nasa botique ka pa?" Tanong ko.
"No anak, andito ako sa ospital. Nabaril ang papa mo sa entrapment operation. Pero sabi ng doktor di naman daw malala ang natamo nya. Oo nga pala. Napatay nya pala ang Leader ng Mitsuki kaya.. I think mabubuwag na ang grupo na yun kasi wala ng leader." Paliwanag ni Mama. "Okay po sige. Ingat po kayo. Magpapahinga na po ako." Wika ko.
"Wait anak, balita ko nagising na si Kariya. Kumusta na sya?" Tanong nya sakin.
"Ma, nagising po sya pero may amnesia sya." Sagot ko sa kanya at binaba ko na ang phone.Buti naman.. wala na sila. Di na ako mag aalala pa na baka may makidnap ulet si Kariya. O mapahamak pa ang babaeng nagpabago sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...