CHAPTER 9: FANGIRLS vs. Rukawa

115 5 0
                                    

(Rukawa's P.O.V)
Naglalakad ako papasok ng building nang makita ko si Haruko na umiiyak at humihingi ng tulong "Tulungan nyo kami.. Tulong please... tulungan nyo kami" ang panaghoy nya. Lumapit ako dahil hindi naman hihingi si Haruko ng tulong kung walang dahilan. Pagtingin ko nasilayan ko kaagad ang walang malay na si Kariya. May dugo ang ulo nya at pati na ang uniform nila ni Haruko. "Anong nangyari sa kanya?". Ang agad kong tanong dahil nagaalala ako. "Mamaya ko na ipapaliwanag Rukawa. Dalhin muna natin si Kariya sa Clinic bilis" ang sabi nya. Agad kong binuhat si Kariya in bridal style at tinakpan ni Haruko ang ulo ni Kariya ng panyo para maampat ang pagtagas ng dugo.. Ngayon pati ako duguan na rin... ginagamot na ng nurse ang ulo ni Kariya. Naupo kami sa may upuan sa may sulok ng Clinic. "Ngayon Haruko. Sabihin mo kung ano ang nangyari. Sino ang may kagagawan nung nangyari kay Kariya" ang tanong ko na naka cross arms. "Tinatanong pa ba yan... Eh di yung FANGIRLS mo ang may kasalanan. Kanina nagkasabay kami ni Kariya pagpasok ng gate. Nagkakumustahan pa nga kami eh. Pero ng papasok na kami ng building biglang binato ng fangirls mo si Kariya ng bato nang nakatalikod kami. Nang nakaharap na kami sa kanila binato ulit nila si Kariya. Pagsasabihan ko pa sana sila. Hinawakan ako ni Kariya sa balikat ko. Akala ko pinipigilan nya ako pero bigla na lang syang bumulagta. Hinawakan ko ang likod ng ulo nya.. nag panic na ako dahil may dugo. Pati sa may sintido nya." Ang maluha luhang kwento sa akin ni Haruko. Ang tatlong iyon. Sumosobra na sila. Ano ba ang gusto nila. Ang kakapal naman ng mukha nila na saktan si Kariya...

Tumunog na ang bell. Sinyales na magsisismula na ang klase. Buti na lang may dala akong extra uniform kahit pang itaas lang. Nang  maghapong iyon ay nag aalala talaga ako kay Kariya. Sana okay lang sya. Sana lang talaga.

Natapos ng 3pm ang klase. Kaya tumuloy na ako sa gym. Wala si Kariya... "Rukawa, nabalitaan ko ang nangyari kay Kariya kaninang umaga. Kumusta na sya?" Tanong ni Ayako. "Hindi ko alam Ayako. Hindi ko pa ulit sya nabibisita." Ang sagot ko sa kanya. "Andito na ako. Sorry Ayako na late ako. Naghabol pa kasi ako ng isang subject na nalakdawan ko kaninang umaga." Ang bungad ni Kariya na may benda pa sa ulo. Nasaan ang hustisya? Bakit ang cute nya pa rin kahit may benda na sya sa ulo. "Kariya, Okay lang naman kung di ka muna umatend. Dapat magpahinga ka  muna. Baka bumuka ang sugat mo." Alalang alala na sabi ni Ayako kay Kariya. "Daijobu Ayako. Kaya ko naman eh." Ang nakangiti nyang sagot. Hayan tuloy nakita ko na naman ang dimples nya. "Pasensya ka na Kariya." Ang sabi ko. "Ano bang sinasabi mo ha Rukawa. Wala kang kasalanan. Saka buhay pa ako oh. Tignan mo. Kaya ko pa ngang sapakin si Sakuragi ng notebook eh". Ang nakangiti nyang sagot sa akin. "At bakit naman ako napasali jan?". Tanong ni Sakuragi with a weird face. Mukhang gunggong.

Nagsimula na ulet kami mag paractice. Naka upo lang si Kariya sa bench. Dahil yun ang inutos sa kanya ni Ayako. Kaya naman walang nabiktima ang vice president ng pamaypay ni Ayako. Ang notebook ni Kariya.

Patapos na ang practice at pinayagan na ako ni Akagi na mamahinga. Nakita ko ang tatlo kong FANGIRLS na nanakit kay Kariya. Nainis ako at nilapitan ko sila. Pero bago yun kinuha ko muna si Kariya sa kinauupuan nyang bench at dinala sya sa mga babaeng iyon kasama ko. "Hoy kayong tatlo... nakita nyo na ang ginawa nyo kay Kariya. Hindi man lang ba kayo hihingi ng tawad man lang sa kanya?". Ang siryoso kong tanong sa kanila. Pero di sila umiimik. "Hindi nyo ba alam na pwede syang mamatay sa ginawa nyo?" Ang tanong ni Sakuragi na kakarating lang pala. "Sasabihin ko lang ha. Itong babaeng sinaktan nyo, isa syang Yakuza Princess. Totoo yun walang biro. Pero kung sa bagay wala naman akong pakealam kung mapano kayo eh" ang sabi ko naman. Lumapit din si Ayako sa amin at sinabing.. "Alam mo Kariya, nakasalalay sayo ang pananatili nila dito sa Shohoku". "Bakit naman?" Ang tanong ni Kariya. Muntik ko nang malimutang home schooling nga pala sya dati. "Sinaktan ka nila. Malinaw na physical bullying ang ginawa nila sayo. Kaya pwede kang mag petisyon sa guidance councilor at sa Faculty members na ipa-suspend sila" ang paliwanag ni Ayako. "Mas mabuti pa kaya ipa kick out mo na lang sila" ang sabi ko naman. Namutla ang FANGIRLS. "Sorry na Kariya, di na kami uulit promise. Kung gusto mo pagsisilbihan ka pa namin" ang sabi ng may mahabang buhok. Pero itong si Kariya mukhang di naniniwala. "Minsan ko na kayong pinagbigyan pero umulit pa kayo. Kaya di ako naniniwala sa mga pinagsasasabi nyo. Ngayon bago ko pa kayo mapatay dahil sa galit ko sa inyo, sabihin nyo na kung bakit nyo ako sinaktan...." ang siryoso nyang sabi. "Nakita ka namin kagabi na kasama si Rukawa tapos may picture pa na magkayakap kayo-" "YUN LANG ANG DAHILAN NYO KAYA NYO AKO SINAKTAN?! Napakababaw ng dahilan nyo mga btch... hindi nyo ba naisip na sa ginawa nyong iyon pati si Haruko pwedeng masaktan o kung sinomang mga malapit sa amin? Kung kayo kaya ang batuhin ko ng bato sa ulo." Ang pagputol nya sa sinasabi ng isang babae. "Nang dahil sa paghanga nyo kay Rukawa sasaktan nyo ako. MALING MALI ANG GINAGAWA NINYO!!" Ang dagdag pa nya.

Tama... kasalanan ko kung bakit sya nasaktan. Dapat kong ayusin to. "Makinig kayo. Kapag sinaktan nyo ulit si Kariya. Hindi ako mangingiming saktan kayo kahit babae pa kayo. Saka sa tingin nyo ba, matatapatan nyo si Kariya? Nagkakamali kayo. Ibang iba sya sa inyo. Malayong malayo sya sa inyo." Ang wika ko at saka ako umalis dahil uwian na din.

(Kariya's P.O.V)
Nasa gate na ako nang maabutan ako ni Rukawa... "Kariya, pwede ka bang sumama sa akin?" Tanong nya. "Baka batuhin na naman ako ng mga FANGIRLS mo. Baka mapatay ko na sila" ang sagot ko sa kanila. "Yun ba? Wag ka nang mag alala. Sumakay ka na bilis" ang utos nya. Sumakay na lang ako... nagbike na sya tapos napadaan kami sa malapit na basketball court sa amin. "Kariya, sorry talaga. Nang dahil sa akin nasaktan ka." Ang sabi nya. "Rukawa, wala kang kasalanan. Hindi mo naman inutusan ang mga iyon na batuhin ako ng bato eh. Kinausap ako ng guidance councilor kanina. Napagkasunduan namin ang 1 week suspension para sa kanila" ang sabi ko. "Ayos yan... para kahit isang linggo lang matahimik naman ang buhay ko." Napangiti naman ako sa sinabi nya. "Alam mo kakaiba ka talagang babae. Ngayon pa lang ako nakakita ng isang tulad mo. At nagpapasalamat ako na nakilala kita." Ang wika nya sa gitna ng katahimikan namin.

"Ako kasi yung tipong sanay na ako ang hinahabol. Pero ikaw, lagi ka lang nasa unahan ko. Sanay akong binabati muna. Pero pagdating sayo nauuna pa akong bumati. Nakakatuwa lang... kaya ko palang maging ganun" ang wika nya. Tumingin ako sa mga mata nya at nagkatitigan pa nga kami. "Sa tingin ko Kariya,,,,, In love na ako sayo" ang wika nya. Natigilan ako dahil sa sinabi nya. Hindi ko namalayan na hinalikan na nya ako sa kaliwa kong pisngi tapos umalis na sya. Ano? Si Rukawa? In love sa akin? Seriously?

Naglakad na lang ako pauwi. Naabutan ko si Akira na naghihintay sa gate ng apartment. Nakita nya ang benda ko sa uli. "Anong nangyari jan sa ulo mo?" Tanong nya... "Wala ito Akira. Wag kang mag alala" ang tangi kong naisagot. Binuhat nya ako in bridal style. Hindi ko alam kung bakit. Pagdating sa loob inupo nya agad ako sa sofa. "Yung totoo Kariya, anong nangyari jan. Mukhang hindi biro lang yan..." ang siryoso nyang tanong... Kung sasabihin ko sa kanyang may nambato mg bato sa ulo ko mas mag aalala itong si Akira. "Ay nako Sendoh.. Kasalanan nyan ng FANGIRLS ni Rukawa... kaninang umaga kasi binato sya ng bato ng mga iyon ng dalawang beses." Si Haruko.... Anung.... Ay oo nga pala. Nag usap nga pala kami kanina na tutulungan nya ako sa project na sinasabi ni Mrs.Morinomiya. "Anong sinabi mo? Totoo ba yan Haruko?" Tanong nya sa tropa ko. "Kita naman ang ebidensya diba?". Sagot nya. Nako Haruko.... may kadaldalan ka rin palang taglay...

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon