CHAPTER 12: Ang pinili ni Kariya

124 4 0
                                    

(Kariya's P.O.V)
FLASHBACK
Magkasabay na naman kami ni Rukawa pauwi. Habang nasa daanan kami bigla syang tumigil. "Kariya, hindi naman lingid sa kaalaman mo na gusto kita diba? Gusto ko sanang ligawan ka" ang wika nya. "Pag-usapan natin ito ng maayos. Pumunta tayo sa tabing dagat". Ang wika ko kaya dagli syang pumidal at nagtungo kami sa tabing dagat. Doon sa basketball court.

"Kaede, gusto kong maging honest sayo... nararamdaman ko naman na siryoso ka mula ng ipinagtapat mo sa akin na gusto mo ako. Lagi ka lang nanjan kapag kailangan kita. Isang tawag ko lang dumadating ka kaagad. Pero kasi.... nakatakda na akong magpakasal" ang wika ko at alam kong nabigla sila. Hinawakan nya ang kamay ko at napatingin ako sa mga mata nya... isa-isa ng pumapatak ang luha nya. "Kanino? Sino ang nakatakda mong pakasalan?" Tanong nya. "Si Akira Sendoh" sagot ko sa kanya. "Mahal mo ba sya?" Tanong nya ulet. Umiling lang ako. "Hindi Kaede." Tangi kong naisagot sa kanya habang nakatingin ako sa kanya. Gamit ang kamay ko, hinawakan ko ang mukha nya at pinunasan ang mga luha nya. "Kariya, hindi ka pa kasal kay Sendoh. Kaya ibig sabihin pwede pang magbago ang lahat sa inyong dalawa. Wala akong pakealam kung fiancè ka na nya. Tandaan mo na ilalaban kita" saka nya ako hinatak palapit sa kanya at niyakap. "Mahal kita Chulilit" napatawa na lang ako kasi ang kulit nya. "Ikaw talaga Rukawa".. tangi kong nasabi..
END OF FLASHBACK

Sa basketball court, magsisimula na muli ang practice. Basic drills lang ang ginagawa nila. Si Ayako binabantayan si Sakuragi sa gilid. Kapag nagrereklamo ito ay hinahampas nya si Sakuragi ng Pamaypay nya. Napapabuntong hininga na lang ako.

Tapos na ang training nila at nagpatawag kami ni Ayako ng assembly. "May balita na kami sa susunod nyong makakalaban. Tsukubu ang susunod nyong makakalaban." Wika ni Ayako. "Tulad ng palagi kong paalala sa inyo, wag nyong mamaliitin ang players ng bawat team kahit na substitute lang sila. Balita ko si Godai ang team caprain nila" dagdag ko pa. "Ano yun Bonsai? Godoi?" Wika ni Sakuragi with a weird face. Hampasin ko nga ng notebook. "Godai, gunggong na unggoy" sabi ko. "Si Godai ay dating schoolmate namin ni Kogure." Nagulat naman ako. Siryoso? "Small world." Tumango tango na lang si Kogure sa sinabi ko.

Natapos na ang assembly at didiretso na ako sa Akagi residence. May assignment at pagtutulungan namin ni Haruko. "Hindi ka pa ba uuwi Kariya?" Tanong ni Rukawa. "Hindi pa. May gagawin kaming assignment ni Haruko" sagot ko. "Ganun ba, ihahatid ko na kayo" pumayag naman ako sa gusto nya. "Haruko, may napapansin ka kay Fujii?" Tanong ko. "Oo, lagi na lang nyang bukang bibig si Mito". Sagot nya. "Si Mito? Yung isa sa mga itlog ni Sakuragi?" Sabat ni Rukawa. "Naks Rukawa, maka itlog naman talo ka nga nya sa basag ulo" wika ni Haruko. "Mas gwapo pa nga si  Mito sayo eh" sabi ko naman. "Basagin ko kaya ang mukha ni Mito. Nagseselos na ako ha Chulilit" sabi ni Rukawa with a weird chibi face. "Nako, nako, nako Kariya. Ayusin mo yan" sabi ni Haruko. "Pwede ba Maputlang Soro, tumigil ka sa kadramahan mo. Mas habulin ka nga ng babae kesa kay Mito. Mapapatay pa nga ako ng mga FANGIRLS mo eh". Sagot ko. "Nagseselos ka ba?" Nang nagtanong si Rukawa ng ganun hindi ako naka imik "Nagseselos nga yan Rukawa" sabi ni Haruko.

Bago pa namin mamalayan, nasa tapat na pala kami ng bahay nila Haruko. "Gusto mo bang hintayin na kita para may maghatid sayo pauwi?" Sabi ni Rukawa. "Hindi na Kaede, mas gusto ko na magpahinga ka. Para may lakas ka bukas kapag nag practice kayo. Alam kong pagod ka rin maghapon eh. Sige na... Ayasumi nasai." Sabi ko sa kanya at Niyakap nya ako for a goodbye and goodnight hug. "Ayasumi" sabi nya tapos naglakad na sya palayo.

Pagpasok namin sa loob, nagawa na kami agad ng home work. Habang nasa kwarto nya kami. "Kariya, pano na si Sendoh kung nagpapaligaw ka kay Rukawa? Diba mahal ka din nya." Sabi ni Haruko habang nagsusulat. "Haruko, naisip ko na din yan. Ayokong masaktan si Akira pero mas ayaw kong makitang umiiyak si Kaede. Alam ko na ang kahihinatnan ng ginawa kong ito. Hindi naman kasi maiiwasan ang may masaktan sa kanila eh." "Kung ganun may nararamdaman ka rin talaga kay Rukawa? Alam ba nya na nakatakda kang pakasalan ni Sendoh?" Tanong ulit ni Haruko. "Hindi ako magbibigay ng pagkakataon kung wala akong motibo. Aminin ko man o hindi alam ko sa sarili ko na mahal ko na si Rukawa. Mas lalo akong humanga sa kanya nung sinabi ko sa kanya ang lahat pati ang sa amin ni Akira. Pero sa halip na layuan nya ako at kamuhian, mas lalo nya akong minahal at pinagkaingatan." Tumango-tango si Haruko sa sinabi ko. Buo na ang desisyon ko na taliwasin ang utos ng aking mga magulang.  Kahit alam ko na maaring may mapahamak.

Tapos na kami sa homework at umuwi na ako. Habang nasa daan ako, nakasalubong ko si Akira. "Nag iisa ka na naman" bungad nya sa akin. "Nanggaling ako sa bahay ni Taki-kun. Nagawa ako ng homework kasama si Haruko" sagot ko at naglakad na ako. Humabol sya para sabayan ako. "Akala ko kasama mong gumawa ng homework si Rukawa" sabi nya. Playing jealous. "Doon nga sana ako gagawa ng homework eh" sabi ko. Bigla nyang hinatak ang kamay ko kaya napatigil ako. "Nani?" Sabi ko. "Nililigawan ka ba ni Rukawa?" Tanong nya. "Mahal ko sya" ang tangi kong naisagot. Alam kong nabigla sya sa sinabi ko. "Nagbibiro ka lang diba?" Sabi nya. "Hindi Akira" sabi ko. "Hindi mo pwedeng gawin yun. Kaya mo bang harapin ang galit ng mga magulang mo? Alam mo namang mahal kita diba? Batid ko na ayaw mo sakin pero wag mo namang gawin sakin to Kariya" wika nya. "Alam ko ang kahihinatnan ng ginawa kong ito Akira. Nakahanda na akong isuko amg lahat para kay Kaede. Dalawang linggo na rin ang nakararaan mula ng nanligaw sya. Alam kong hindi nya ako pababayaan" sagot ko naman sa kanya. At saka ako naglakad palayo.

(Sendo's P.O.V)
Hindi ako makapaniwala, hindi nya pwedeng gawin yun. Hindi ko sya isusuko. Akin si Kariya, dapat na akong kumilos. Masyado akong naging kampante na kaibigan lang ang turing ni Kariya kay Rukawa. Masyado akong naniwala na magkagusto man sya kay Rukawa o hindi, sa akin pa rin ang punta nya. Iba na ang sitwasyong ito. Handa na syang talikuran ang lahat at tumaliwas sa mga magulang nya.

(Kariya's P.O.V)
Linggo ngayon at wala naman akong ginagawa. Pupunta ako sa basketball court sa may tabing dagat. Nadaanan ko ang mga alipores ni Sakuragi sa may court malapit sa kanto. "Hoy Mito, anong ginagawa nyo jan?" Tanong ko. Nakita ko na lang yung si Sakuragi na may ka-headbat. "Kakaiba ang lalaking yan" dagdag ko pa. "Oo tama ka, sa lahat ng nabiktima ng Headbat ni Hanamichi sya pa lang ang nakatayo" wika naman ni Takamiya. Bigla na lang naming narinig ang dalawang unggoy na nagpustahan. Ang manalo sa laban nila, ide-date si Haruko. "Aba, hindi lang basketball game ang magaganap kundi isang pustahan na si Haruko ang mapapanalunan. Hindi ko dapat palampasin to." Wika ni Takamiya. "Tama ka, hindi natin dapat palampasin to. Sige na mauna na ako sa inyo." At naglakad na ako palayo. "Ingat Bonsai baka madiligan ka!" Sigaw ni Ohksu. Sira ulo talaga.

Malapit na ako sa basketball court nang may matamaan ako mg bola sa ulo. Sino ba ang hinayupak na yun? Nananadya ba sya? "Sorry miss, di ko sinasadya. Kiyota naman kasi eh" sabi ng lalaki na naglalaro sa basketball court. Nasapak ko yung lalaki na may nunal sa may kaliwang mata. "ARAY"! Ang angal nya nang masapak ko sya. Medyo tan ang kutis nya at well build ang katawan nya. "Mga gunggong! Nananadya ba kayo ha?" Sabi ko. "Aba  ang sungit ng elementary na to ah" sabi ng unggoy na malago ang buhok. "Sino ang tinatawag mong elementary na tinamaan ka ng magaling?" Galit na galit ko sabi. "Sino pa ba eh di ikaw!" Sagot nya. "Ang lakas ng loob mo na tawagin akong elementary. Kupal na Tsonggo!" Ganti ko sa kanya. "Kiyota, tama na yan!" Sabi ng lalaki na may nunal. "Ikaw ang tumigil MANONG! Mabuti pa umalis ka na at umuwi ka na sa home for the aged!" Sabi ko kasi inis na inis na ako. Natigilan sila at dahil sa inis ko nasapak ko sila ng notebook ko bago ako umalis. Nakakainis talaga. Pasalamat sila at di ko sila binugbog. Pero pamilyar sila sa akin eh... Saan ko nga ba sila nakita.. di ko matandaan.

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon