Linggo ngayon at ipinatawag ako ni Daddy... Ano na naman kaya ang problema ng gurang na yun?
"Andito na ako Daddy." Ang bati ko at niyakap nya ako. "It's nice to see you again anak. Balita ko Assistant Manager ka ng Shohoku Basketball team. Mukhang nagamit mo ang mga itinuro ko sayo ah."
"Opo Daddy... bakit mo nga pala ako pinatawag?" Tanong ko naman.. "Ah, yun ba?" At ngumiti si daddy.
"Kariya, listen to me anak... May nakarating sa aking balita.. May boyfriend ka pero hindi si Akira... ngayon gusto kong malaman kung sino sya." Ang tanong ni Daddy at uminom sya ng wine.
"Opo Dad. Totoo po ang nakarating na balita sa iyo. May mahal akong iba pero hindi si Akira. Si Kaede po.. Kaede Rukawa ang pangalan nya" ang sagot ko kay Dad. Wala akong pakealam kung anuman ang maging reaksyon nya. Ang sa akin lang.. Maipaglaban ko kung ano ang sa amin ni Kaede.
"Kaede... Kaede Rukawa..Freshman. Isa syang magaling na manlalaro ng basketball galing sa Tomigaoka. Kilala bilang taong yelo at walang pakealam sa mundo. Basketball lang ang mahalaga sa kanya. Ang Mama nya ay may-ari ng isang fashion botique sa mall. At ang Papa nya ay isang magaling na Prosecutor. Which happen na bestfriend ko at dating team mate sa Shohoku. Si Kaname Rukawa. Ang lokolokong iyon... biruin mong sya pa ang naging prosecutor eh sya tong basagulero sa aming dalawa" ang wika ni Daddy. So magkakilala nga sila ni Papa.
"Dad, sorry po kung sinuway ko po kayo ni Mommy. Alam ko po na gusto nyo po si Akira para sakin pero... buo na po ang desisiyon ko... Handa kong talikuran lahat ng meron ako... para lang kay Kaede." Ang matapang kong wika kay Dad. Well there's nothing wrong with it.
"I know.... At natutuwa ako because you are already out of your shell. Matapang ka na at handa ka nang harapin ang lahat. Nagmature na ang prinsesa ko... at napakasaya ko.. Sa totoo lang anak... tutol ako sa fixed marriage nyo ni Akira. Mas mabuti sana kung mahal mo sya eh hindi naman diba? Pero ang Mommy mo kasi ang nagpupumilit. Isa ang Sendoh Inc. sa mga mauunlad na kompanya at investor ng Shimajiri Corp. Kaya para sa akin ang fixed marriage ninyo ni Akira ay isang basura. Tumututol ako dahil parang pinagbili ka ng sarili mong ina." Ang wika ni Dad..
"Dad, yun po ba ang dahilan kung bakit kayo naga-away ni Mom?" Tanong ko at tumango lang sya... Kaya niyakap ko si Dad.
"Alam mo Kariya anak, gusto kong maranasan mo kung ano ang saya na naranasan ko noon. Masaya ako na natututo ka nang tumayo sa sarili mong mga paa. Pero... kahit anak ni Kaname si Kaede... Kailangan mo pa rin sya sa aking ipakilala... Alam natin na magagalit ang Mommy mo... Alam din natin ang ugali nya... Kaya naman... Kung anuman ang desisyon mo lagi lang akong lagi akong nasa likod mo." At niyakap din ako ni Dad.
"Yes Dad... sa Sunday na po ang birthday mo diba Daddy? Doon ko po sya ipapakilala... Kasama po ang basketball team.. Sigurado po akong matutuwa kayong makilala sila." Ang sabu ko at ngumiti si Dad at sinabing.. "That is a wonderful idea anak. Kailangan ko silang makitang maglaro."
(Rukawa's P.O.V)
Small world... Bestfriends pala ang mga tatay namin ni Kariya. Siguro kaya ang galing sa shooting ni Kariya... Daddy nya ang nagturo...Kahapon lang naglaro ulit kami ni Papa.. bagay na matagal na naming hindi nagagawa.. naikwento nya sa akin... Isang magaling na rebounder, shooter at point guard ang Daddy ni Kariya pero si Papa ang ace player ng batch nila.
"Wag kang mag-alala pinagpalit ka na ni Kariya kay Sendoh nyahahahah!" Ehto na naman po ang maingay na gunggong. Sinapak nya ni Ayako ng pamaypay. "Hoy Hanamichi.. balik sa gilid..." utos ni Ayako sa kanya at nagpatuloy na ako sa pagwa warm up..
"Oo nga pala... Bakit wala pa si Bonsai? May LQ ba kayo ha Rukawa?" Tanong ni Kogure. "MAGANDANG ARAW !!" Ang bati ni Rukawa.. "Mas maganda ka pa sa araw" ang sabi ko sa kanya.. "Bolero ka Soro!" Sabi ni Sakuragi. Hay nako ang ingay talaga nya.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...