Nagpunta kami sa tabing dagat para tumambay. May kubo doon na lagi kong pinupuntahan. Ngayon kasama ko ang mga kaibigan ko.
"Grabe talaga Kariya.... Di ko pa rin makalimutan ang mommy mo. Mukha pa pang talaga nakakatakot na. Hoy, Rukawa," ani Miyagi at tumingin sa kanya si Rukawa. "Kung ako sayo, ipaglaban mo si Bonsai. Kitang kita naman ang pagbabago mo mulang naging kayo ni Kaeiya eh." Dagdag pa nya.
"Pagbabago? Ni Kaede?" Usisa ko naman. "Oo, napansin ko nga din yun. Ito kasing si Rukawa, hindi pa namin sya nakitang ngumiti kahit minsan. Pero nang dumating ka Kariya, nakita namin ang mga ngiti nya." Ang wika ni Ayako.
"Oo ngumingiti na sya Bonsai... NGUMINGITING SORO NYAHAHAHAH" Ang pang-aasar ni Sakuragi. Binukulan nya si Akagi.
Nang gabing iyon masaya talaga ako. Nagkabiruan pa kami. Nag lumalim na ang gabi nagpasya na kaming umuwi. Nasa daan na kami papuntang gate nang mabangga ni Sakuragi ang isang yakuza member ni mama. Si Sidoshi. "Nako pasensya na." Sabi ni Sakuragi.
"Ang laki-laki ng daan nananadya ka ba?" Sabi ni Sidoshi. "Pasensya na mga eh. Sorry na ku-" "Hindi, nananadya ka eh! Maliit ako kesa sayo pero ang kapal naman ng mukha mo na banggain ako pare! Ano, gusto mo ba laban tayo?! Di porke malaki ka, di na kita papatulan." Ang mayabang na wika ni Sidoshi.
"Alam mo Sidoshi kung gusto mong makalaban si Sakuragi sabihin mo lang hindi yung puro ka putak. Para kang manok na nangingitlog!" Saway ko sa kanya. "Lady Kariya..." ang wika ni Sidoshi.
"Gusto mong labanan si Hanamichi? Sige labanan mo sya walang problema. Pero kapag natalo ka nya lahat ng meron ka mapupunta kay Hanamichi."
"Kariya, basketball player kami hindi street fighter." Ang wika ni Akagi.
"At kapag natalo mo sya... Isusuko nya ang basketball." Ang wika ko. "Alam mo Bonsai, wag mo nga akong gawing premyo sa pustahan.." sabi ni Hanamichi with matching chibi face.
"Hindi ko ito ginagawa ng walang dahilan Sakuragi... Alam nyo ba ang pinaguusapan nila kanina? Ang mga basketball player na tulad nyo ay mga Bading. Mga bata na hindi marunong lumaban at ang alam lang ay maglaro ng basketball. Kaya naiinis din ako dahil napaka kikitid ng utak ng mga ito at hindi ko alam kung bakit ba pumayag si Mommy na magkaroon ng tauhang katulad nila." Ang wika ko at nagdilim ang aura ng mga kasama kong player.
"Anong ikamo? Bading ang mga basketball player?" Sabi ni Sakuragi.
"Mga batang hindi marunong lumaban?" Dagdag pa nila Miyagi
"Sinasabi ba nilang ang basketball ay larong pambata?" Tanong ni Akagi.
"Ang kupal....." wika ni Mitsui
"Hoy gunggong... Patulan mo na nga ang mayabang na to." Sabi naman ni Rukawa..
"Ah... team maghulus-dili naman kayo heheh" wika naman ni Ayako.
"Alam mo Hari ng Yabang.... Kahit di mo sabihin gagawin ko talaga.. Ano boy bato... saan mo ba gustong maglaban? At ng magawa kitang mamon." Siryosong wika ni Sakuragi.
Dinala kami nila sa fitness gym sa beach house namin. Doon may boxing ring na paglalabanan nila. Hinubad ni Sakuragi ang polo nya. Matama lang syang tinignan ni Sidoshi. Nang bigla na lang nyang sinikmuraan si Sakuragi. "Yan lang ba ang kaya mo?" Tanong ni Sidoshi. Sinuntok nya si Sakuragi pero parang wala lang kay Sakuragi. "Ano! Napakalaki mong tao di ka lumalaban?!" Dagdag pa nya bago nya bigyan ng flying kick si Sakuragi kaya ito natumba. "Oh ano... Wala ka pala eh.." sabi pa nito.
Tumayo si Sakuragi. "Aba.. may langaw.. dumapo sa tiyan ko... tapos sa mukha ko.. at binigyan pa ako ng flying kick..." sabi ni Sakuragi... samantala, dumating si Tetsuo. "Ms.Kariya, ano pong nangyayari?" Ang usisa nya. "Ito kasing si Sidoshi napakayabang. Minaliit ang basketball at hinamon pa si Sakuragi. Ngayon tignan natin ang galing nya." Ang paliwanag ko sa kanya. Napangiti naman si Tetsuo at sinabing. "Kung ganun ay dapat lang yan kay Sidoshi. Nakaya akong talunin ni Sakuragi... Sino sya para pumorma kay pulang buhok?" Tumango lang ako.
Susugod na ulet si Sidoshi ng tapikin ni Sakuragi ang kamay nya. Hindi lang isang beses kundi lahat ng atake ni Sidoshi ay tinapling lang nya na para itong langaw. Ang nakakatuwa pa nito... Naka chibi face pa si Sakuragi na parang inaasar pa nya ang kalaban nya. Tulad ng ginawa nya8 dati kay Tetsuo sa gym.
"Hay nako... Pareho lang pala kayo ni Tikbalang ng Tirada. Kaya pasensya ka na wala nang epekto yan sa akin." Wika ni Sakuragi at parang natakot na si Sidoshi kasi... Halatang galit na si Sakuragi. Lumapit si Sakuragi kay Sidoshi habang sinasabi ang mga bagay na ito.. "Ano nga ulet ang sabi mo kanina? Bakla kaming mga basketball players? Na para kaming mga bata na di marunong lumaban. Kung sanggano ka Berdugo ako. Hindi mo maiintindihan ang dahilan kung bakit ako sumali sa basketball gunggong ka." Hinawakan nya ang likod ng ulo ni Sidoshi at inuntog ito sa noo nya. Sa lakas ng Headbat ni Sakuragi, nawalan ng malay si Sidoshi...
"Ang lakas ng loob nyang maliitin ang mga basketball player at hamunin si Sakuragi. Isang heatbat lang pala at tulog na sya." Wika ni Miyagi. Dumating si Dad at sinabing.. "Totoo ba itong nakita ko? Isang headbat lang at napatulog na si Sidoshi? Interesante...." ang wika ni Dad.
"Hoy Bonsai... Yung kasunduan tuloy ba?" Wika ni Sakuragi. "Oo naman. Bakit naghihinala ka bang di ako tutupad sa usapan?" Sagot ko. Sinuot na ni Sakuragi ang polo nya at sinabaing... "Sa totoo lang wala akong interes doon. Nilabanan ko lang si Boy Bato dahil di ko gusto ang mga sinabi nya.... Alam mo ba na kahit si Sorong Rukawa kaya syang talunin?".
"Halika na nga... Gagamotin na namin ng sugat mo." Kaya dinala ko sya sa para gamutin ni Ayako. Nagsialisan na sina Akagi, Mitsui at Miyagi. Kasama ko ngayon si Rukawa sa tabing dagat.
Matama kong nilalanghap ang malamig na hangin nang niyakap ako ni Kaede mula sa likod ko. "Ang lamig.. gusto mong magpainit ha mahal?" Sabi nya.. "Magpainit? Wag ka namang ganyan magsalita... kinikilabutan naman ako mahal eh." Sagot ko naman at alam kong namumula na ang mukha ko sa sinabi nya. "Ano bang iniisip mo ha? Kung anoman yan ikaw lang ang nag iisip nyan. Yung sinasabi kong magpainit... Yung ganito yakap kita.." Ang paliwanag nya sakin... hinawakan ko ang mga bisig nya. "Gusto ko dito... sa yakap mo..." ang sagot ko.
"Mahal... Sasabihin ko ito sayo.. Oo tama ka nakakatakot ang mommy mo. Pero pakatatandaan mo na hindi kita isusuko." Ang sabi nya.. hinarap ko sya at niyakap. "Kapit lang tayo... walang bibitaw... haharapin natin sila." Ang wika ko.
"Nagkausap kami ni Tito Shion... Nagpapasalamat ako na hindi sya humahadlang. Ipinangako ko sa kanya na iingatan kita at di iiwanang mag-isa. Na aalagaan kita at pakamamahalin ng higit pa sa sarili ko. Pero ang sabi nya... Tama na ang maging tapat ako sayo." Ang wika nya. Si Daddy talaga. Mamaya pa ay bumalik na kami sa beach house para magpaalam kay Daddy at Mommy. Aalis na rin kami may pasok pa kasi bukas.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fiksi Penggemartungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...