CHAPTER 1: A new life Begins

317 9 0
                                    

( Kariya's POV)
Buti na lang pumayag sila Mommy at Daddy na mag aral ako sa isang school. Salamat na lang kay Akira. Bukas na bukas din mag aaral na ako sa Shohoku. Andito ako ngayon sa apartmant na binili ni Daddy para sa akin. Inayos ko na ang mga gamit ko at nakakapagod talaga. May kasama akong isang maid para daw di ako masyadong mapagod. Pero okay lang naman. Masaya na ako ngayon.

Kinabukasan, maaga akong nagising upang maghanda sa pagpasok ko sa school. Para akong batang excited sa totoo na lang. Eh sa 1st time ko pumasok sa school eh magagawa ko.

"Ohayo, watashi wa Kariya Okade desu. Nice meeting you all." Ang papapakilala ko sa kanila mg nai-intruduce ako ng teacher. Medyo kinabahan ako kasi ang dami agad bulong bulungan ang narinig ko. Nagsimula na ang klase. Masaya naman kasi mas magaling namang magturo ang mga teacher dito kesa sa mga naging tuitor ko. Lunch break na, yung babae sa likodan ng kinuupuan ko hinawakan ang damit ko at sinabing... "Hi, pwede bang makipagkilala sayo?" Ngumiti ako at sinabi kong "Oo naman. Ako nga pala si Kariya Okade. Kariya na lang itawag mo sakin kung pwede lang." Nginitian nya rin ako "Ako naman si Haruko Akagi. Nice meeting you Kariya. Transferee ka pa lang dito diba? Pwede ba tayong maglunch ng magkasama tapos ililibot kita sa buong school?". Ang pag iimbita nya sa akin. Well, mukha namang mabait sya. Pero subukan naman nya akong i-bully pagsisisihan nya talaga. "Sure, treat ko na Haruko". "Nako wag ka nang mag abala Kariya." Ang nahihiya nyang wika sakin. "Dont refuse, I insist. At di ako tumatanggap ng NO as an answer". Saka ko sya hinila. Pero dahil di ko alam kung saan yung canteen napahiya naman ako sa kanya.

Sa canteen habang nag uusap kami dumating yung dalawang babae. "Haruko, bakit basta-basta ka na lang nawawala?" Tanong nung babaeng naka piggy tails. "Nako Matsui, Fujii. Pasensya na ha. Sinamahan ko lang itong transferee". Ang sagot ni Haruko. "Kariya, sila ang mga kaibigan ko. Sina Fujii at Matsui" dagdag pa ni Haruko. "Hi, ako si Kariya. Nag lunch na ba kayo?" Ang tanong ko kasi ililibre ko din sana sila. Pero... "Kakatapos lang naming kumain. Hinanap lang kasi namin si Haruko kasi papunta na kami sa Basketball Gym" ang sagot ni Fujii. "Talaga? Pumupunta kayo sa basketball gym. Player ba kayo?". Tanong ko sa kanila. "Nako, hindi Kariya. 2nd manager si Haruko ng basketball team" sagot ni Matsui. "Aba Haruko. Kanina pa tayong naguusap pero di mo sinasabi sa akin na basketball manager ka pala ha. Isasama mo ako ha" ang sabi ko sa kanya. With tampu-tampuhan attittude. "Aba sige ba". Ang sagot ni Haruko.

After that pumunta na kami sa Gym. Ang tatangkad ng maga player nila ha. "Oo nga pala Kariya, i-inform lang kita ha. Kuya ni Haruko amg Basketball Captain." Amg wika ni Matsui. "Eh? Siryoso ka? Sino jan?" Tanong ko sa kanila kasi curious ako kung hwapo ba amg kapatid ni Haruko. "Team.... Assemble!" Umalingawngaw ang isang malakas na sigaw. "Hayun Kariya. Yung malaking tao na mukhang Gorilla. Gori din ang tawag sa kanya" sagot ni Fujii. "Nahiya naman ako sa inyo, Matsui, Fujii". Sabi ni Haruko wearing a weird face. Natawa naman ako kasi ang cute ni Haruko.

Lumapit ang isang babaeng kulot ang buhok at nakasuot ng sumbrero. Maganda sya ha. "Haruko may bago ka na naman palang recruit" wika nito. "Hindi naman. Transferee sya at ito ang 1st day nya" ang sagot ni Haruko sa babaeng kulot. "Hi, ako si Kariya Okade." Pakilala ko sa kanya. "Ako naman si Ayako. Nice meeting you Kariya. Gusto nyo bang umupo sa bench?" Tanong ni Ayako. "Nako wag na nakakahiya naman" "Bakit kayo mahihiya? Hindi naman kayo manggugulo kundi manonood lang. Ho, ho, ho, ho". Paglingon ko nakita ko ang isang matabang lalaki na may puting buhok. Hindi pa naman pasko mgayon bakit narito na si Santa Claus. "Coach, kayo po pala" bati ni Ayako. So sya pala ang coach. "Kumusta na Ayako. Nandito ako para kumustahin ang practice ng team." Wika ng Coach. "Okay naman po Coach. Maliban po kina Sakuragi at Rukawa na lagi na lang nag aasaran. Dagdag pa si Ryota na mas magulo pa sa kulot nyang buhok". Sagot ni Ayako. "Ganun ba. Sige na halina kayo mga Hija at umupo na kayo dun sa bench." Sabi ng Coach. "Oo nga, Lalo ka na Kariya. Transferee ka kaya dapat mong makilala ang basketball team." Dagdag pa ni Ayako kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila.

Umupo kami sa bench at muling nag assemble ang team sa harap ng Coach nila. "Kariya, Sya ang coach ng basketball team. Sya si Coach Mitsuyoshi Anzai. Kasali sya dati sa National Team. Kilala din sya dating White Haired Devil kasi sya ang terror ng mga kalaban nilang team. Pero wala na ang imahe nyang iyon kaya mas kilala na sya ngayong White Haired Buddha" paliwanag ni Ayako. "Sa tingin ko nga. Hindi naman sya magiging coach kung wala lang". Yun na lang ang nasabi ko. Maya-maya pa ay natapos na ang meeting ng team. Lumapit sa amin ang kapatid ni Haruko. "Aba Haruko. Mukhang may bago kang kaibigan. Ngayon ko lang sya nakita." Ang sabi nito. "Hi, ako si Kariya. Freshman transferee. Balita ko ikaw daw ang Captain. Kumusta naman ang pagpapasunod sa team?" Tanong ko sa kanya. "Ayos lang naman Kariya. Kahit papano kinakaya ko pa naman. Ako nga pala si Takenori Akagi." Matama ko lang minasdan ang mukha nya at saka ko sinabing. "Alam mo masyadong mahaba kung tatawagin kitang Takenori. Masyado namang pormal kung Captain. Kabastusan naman kung tatawagin kitang Gori.... ah alam ko na... Okay lang ba kung tatawagin kita Taki?". Narinig yun ng team niya kasi napalakas ang boses ko. Pigil na pigil pa sila sa pagtawa.. pero yung lalaking may pulang buhok at yung lalaking pandak at kulot.. Lakas ng tawa parang walang bukas. Pati sina Ayako at Haruko with the gang pigil din ang tawa. "Bakit may mali ba sa nasabi ko?" Tanong ko sa kanila. Lumapit sa akin yung lalaking naka salamin. "Nako pasensya na. Ngayon lang kasi may tumawag ng ganon kay Akagi. Ako nga pala si Kiminobu Kogure. Ako ang Vice Captain ni Akagi.". Wika ni Kogure. Isa isang lumapit ang basketball team at nagpakilala. "Ako si Hanamichi Sakuragi. Ang henyo ng basketball at su-" hindi na naituloy ni Sakuragi ang sinasabi nya kasi sinapak sya ni Ayako ng pamaypay. "Tama na ang kayabangan mo Hanamichi" ang saway ni Ayako kay pulang buhok. "Ako naman si Ryota Miagi Sophomore." Pakilala ni Ryota na nakatingin kay Ayako at nagba-blush. "Ako naman si Kaede Rukawa. Freshman". Pakilala ng lalaking medyo weird sa paningin ko. Tahimikin type sya pero matangkad sya at well build ang katawan nya. Halos kasingtangkad din sya ni Sakuragi. "Nice meeting you all. Ako si Kariya Okade. Asahan nyo ang suporta ko sa inyo". Ang wika ko sa kanila. Kasi ang saya nila. Siguro ito ang saya na nag aaral ka sa isang paaralan at hindi lang sa bahay lang. Hindi naman ako nag aalala na mabu bully ako dahil... Subukan lang nila talagang sa kabaong agad ang punta nila.

In just one day marami na agad akong naging kaibigan. Hapon na at kailangan ko nang umuwi. Nakita ko si Rukawa. Naka bike lang sya? "Pauwi ka na ba Kariya? Gusto mo bang sumabay?" Tanong nya. "Okay sana kaso di mo alam ang bahay ko eh." "Asus, eh di ituro mo sakin." Mabilis nyang sagot. Eh gusto ko ring maranasan ang umangkas sa bike. So gorabels ang lola nyo.

(This is my 1st fanfiction kasi fan ako ng Slamdunk. So, thank you sa may interest na magbasa. Credits to Takehiko Inoue. The man behind slamdunk.)

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon