Isang taon na pala ang nakararaan mula ng makilala ko si Kariya. Isang Taon na ang nakararan mula ng binago nya ang buhay ko. Isang taon na pala nung matuto akong magmahal ng di ko nalalaman. 2nd year high school na ako dito sa Shohoku. Pumalit bilang Vice Captain si Mitsui at si Miyagi naman bilang Captain. Si Haruko na ang Manager namin pero hindi lang ang trono ni Ayako ang napunta sa kanya. Kundi pati na ang mapaghimala nyang pamaypay. Nagkausap na kami ni Ayako pero ang samahan namin noon na parang magkapatid ay nag- iba na. Sabi nila bumalik na naman ang pagiging taong yelo ko. Mula ng araw na nakalimutan ako ni Kariya. At dalhin sya ng mga magulang nya sa America para ipa-therapy. Ng araw na unalis sya dito sa Japan.. kahit di nya ako maalala ipinangako ko sa kanya na maghihintay ako. Pero minsan naitatanong ko ang sarili ko. "Hanggang kailan ba ako maghihintay sa kanya?..." at sa rooftop kung saan sinabi ni Kariya na mahal nya ako ay bigla akong mapapaiyak at masasabing.. "Missed na missed na kita Kariya.. Kailan ka ba babalik?"..
( Kariya's P.O.V)
Dinala ako dito nila Mommy at Daddy para ipa-therapy. At napaka tanga ko dahil bakit sa lahat ng makakalimutan ko balit si Kaede pa? "Kariya, are you alright?" Tanong sakin ni Mommy. "Mom I'm okay... I just cant help myself to missed him. Alam nyo po Mommy na sya ang unang lalaking minahal ko diba?" Ang sagot ko kay Mommy. "I know anak... kaya.. ngayon na naaalala mo na ang lahat... Okay lang sa akin na bumalik ka na ng Japan. Sigurado ako namimissed ka na ni Kaede. Saka.. Nandun naman ang Daddy mo eh. Di ako mag aalala dahil dalawa ang Knight in Shining armor mo doon. Saka.. wala ka nang magagawa dahil naipa transfer na kita sa Shohoku." Ang wika ni Mommy na ikinatuwa ko. "Thank you Mom. It means a lot to me." Ang sagot ko sa kanya sabay yakap.Ibang klase... nag iba na nga si Mommy. Di na sya ang terror sa amin ni Kaede.
After 3 days umuwi na akonng Japan. Walng nakaka alam ng pagdating ko kundi si Daddy. "Welcome back anak. How's your flight? May jetlag ka pa ba?" Tanong nya sakin. "No Dad im alright. Pero nagugutom po ako eh." Ang sagot ko. "Ah, ganun ba? Halika na anak. Pinagluto ka ni Manang Hoshi ng paborito mong mga pagkain. Excuted pa sya sakin ng malaman nyang babalik ka na at naaalala mo na ang lahat." Ang galak na galak na sagot sa akin ni Daddy. Kaya umuwi na kami. Natakam tuloy ako.... At namissed ang luto ni Mama Miracle. Ang mama ni Kaede.
Hay.. kumusta na kaya sila.. Pag may oras ako bibisitahin ko sila. Siguro kung may iba nang mahal si Kaede di naman siguro masama na dalawin ko ang mga magulang nya. "Welcome back Kariya..." pagbati ng isang pamilyar na tinig. "Akira.. ikaw pala. Kasama mo si manong Maki at Jin."
"Ah, oo. Natuwa sila ng malaman kay tito Shion na babalik ka na.. at naaalala mo na ang lahat. Kaya sumama na din sila sakin dito sa bahay nyo." Sagot ni Akira. "Ganun ba? Masaya ako na makita ulet kayo.. salamat kasi nandito kayo ngayon." Ang pasasalamat ko sa kanila. "Ipinapakita mo na masaya ka pero ang mga mata mo... May itinataho silang lungkot." Sabi ni Manong Maki. "Manong Maki naman..." ang tangi kong masabi dahil totoo naman ang sinasabi nya. "Hindi mo ba sya namimissed? Yung taong yelo doon sa Shohoku. Alam mo kasi... mula ng umalis ka... bumalik na naman sya sa dati. Yung tipo ng tao na walang pakealam sa iba. Silent Introvert person ikanga." Paliwanag ni Jin. "Oo nga pala.. may gaganaping basketball training camp. Hindi pa namin alam kung saan. Pero samasama sa camp na iyon lahat ng piling manlalaro ng Kanagawa District. Bakit di mo sya surpresahin doon?" Suggestion naman ni Akira. "Oo nga.. kayo ba Sendoh, ilan kayong makakasama sa team nyo sa camp?" Tanong ni Maki kay Akira. "Tatlo lang kami. Ako, si Fukuda at si Uozumi. Balita ko nga sa Kuponan ng Shoyo si Fujima lang ang makakasama." Sagot naman ni Akira sa kanya. "Tatlo lang din sa amin. Ako, si Jin at Kiyota... at sa kuponan naman ng Shohoku ay napili lahat sa starting 5 nila. Sina Miyagi, Mitsui, Rukawa, Sakuragi at si Akagi. Kahit di na sya ang kapitan ng kuponan ay pinasali pa rin sya. Malaki kasi ang naitutulong nya sa camp." Sagot naman ni manong Maki.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...