At nagsimula na ang 2nd half. Wala pa ring gustong sumuko. Talagang sa laban na ito, matira na ang matibay. Tumayo na si Fujima... lalaro na kaya sya? "Maglalaro na kaya ang 3-in-1 na yun?" Tanong ko sa sarili ko. Nanonood lang kami pero umupo ulit sya matapos makapuntos ni Hanagata.
Dahil doon, humataw na naman ang Shoyo. Pero salamat sa mga rebound ni Sakuragi at hindi masyadong lumamang ang puntos ng Shoyo... Tama ang sinabi ni Coach Anzai, nagagamit na nya ang kakayahan nya bilang rebounder. Pagdating sa shooting halatang baguhan pa sya. Pero pagdating sa rebound.... wala syang pakealam kahit sino ang nagbabantay sa kanya. Oo gunggong sya... pero madali syang matuto sa basketball..
"Si Sakuragi bilang taga-rebound.. Si Rukawa bilang taga-puntos.. Si Mitsui na shooting guard.. Si Miyagi bilang taga-steal at si Akagi bilang sentro... Kung magkakasundo silang lima... Para silang mga Halimaw sa basketball." Ang nawika ko kay Ayako. "Tama ka Kariya.. maganda nga ang power combination ng limang iyan.. pero hindi ko alam kung mangyayari pa ang pinapantasya mo." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Ayako. Tama sya.. malabong mangyari yun .
At bago pa namin namalayan, nabaliktad na nila ang sitwasyon. Lamang na ang Shohoku ng isang puntos. Nagtawag ng substitution ang Shoyo.. "Maglalaro na si Fujima.." wika ni Ayako. "Ngayon pa lang magsisimula ang tunay na laban." Wika ni Kogure. Pagpasok ni Fujima pinagpapalo nya sa pwet ni Hanagata pati na ang tatlo pa. "Hala..." "Bakit Kariya?" Tanong ni Ayako. "Walangya Fujima... muntik na akong magka-crush sa kanya... Tapos bakla pala sya." Sagot ko naman with a chibi face. Sinapak ako ni Ayako ng pamaypay nya... "aray naman" "Hoy anjan si Rukawa" sabi nya. "Joke lang naman eh." Ay nako Ayako...
Simula ng pumasok si Fujima sa laban, halos di na makapuntos ang team ng shohoku. Sa pagkakataong ito... Para kaming nakatayo sa bingit ng bangin. Sa palaki pa ang lamang at nahihirapan sila.
6 points na ang lamang ng Shoyo. Nagpatawag ng time out si Coach Anzai... Siguro naman Santa Claus may regalo kang bagong taktika para sa kanila. Nakaupo na sa bench ang 5 player. "Kaede, kaya mo yan." Sabi ko sa kanya. "Dun ka sa Baby Kenji mo. Walang nag-aasikaso sa kanya oh" sagot nya sakin. "Ah ganun... Sige mamaya kapag nanalo sila hahalikan ko si Fujima sa harap mo." Tinignan nya ako ng masama. "Subukan mo lang..." Nakakatakot naman sya ngayon.. Ganto ba talaga sya magselos.. dapat na yata akong masanay... "Naaalala nyo pa ba ang lagi kong sinasabi sa tuwing magkakaroon tayo ng laro?" Tanong ni Coach Anzai sa kanila. "Opo Coach" sagot ni Akagi. Nag ipon ipon sila at sinabing... "MALAKAS ANG AMING TEAM!" Ang sabay sabay nilang sagot at tumango si Coach "Magaling" wika ni Coach. Tinapik nya ang balikat ni Ayako at sinabing "kaya nila yan.." tumango na lang kami ni Ayako kahit kinakabahan kami. Nagusap usap sila kung ano ang gagawin.
Bago sila bumalik sa court kinausap ni Ayako si Miyagi. "Ryota." Ang pagtawag ni Ayako kay Miyagi. "Ayako.." ang sagot ni Miyagi na kinikilig kilig pa.. "Ang pinakamalakas na point guard sa distrito ang makakalaban mo.. Alam mo na bang ang ibig kong sabihin?" Sabi ni Ayako kay Miyagi na.. nahihiya hiya pa sya. "Alam ko na ang dapat kong gawin. Ako na ang bahala." Sagot ni Miyagi tumango si Ayako at sinabing.. "magaling." At tuluyan na ngang bumalik si Miyagi sa court..
Maganda ang pinapakitang laro ng bawat isa sa magkabilang kuponan. Hanggang sa apat na ang foul ni Sakuragi matapos nyang masiko si Hanagata. "Offensive Foul... White number 10" ang pagdedeklara ng ref. "Nako naloko na.. hindi sya pwedeng ma foul out." Sabi ni Ayako. "Mukhang sinadya ni Hanagata na masiko sya ni Sakuragi. Si Hanamichi ang malaking banta sa kanila kaya dapat na syang mawala... yung ang iniisip nila." Ang sabi ni Coach Anzai. May point si Coach Anzai sa sinabi nya.
Simula nga ng mafoul ni Hanagata si Sakuragi, hindi na sya nakakuha ng rebound at hindi na rin sya nakapagbantay ng maayos. Habang si Mitsui, panay panay ang pagpapaulan ng 3 points. "Kaya naman pala naging MVP eh. Ang galing nya." Sabi ko sa sarili ko. "Apat na sunod-sunod na 3 points! He's unstoppable!" Ang narinig kong hiyaw galing sa taas. Aba nandun pala ang mga mokong na tropa ni Sakuragi. Pati na sila Fujii, Matsui. Akala ko si Haruko lang eh.
Magaling ang pinapakitang laro ni Mitsui.. Hanggang sa na-steal ni Miyagi ang bola at ipapasa ito kay Mitsui. Pero mabilis si Fujima at natapik nya ang bola. Dahilan para maging lose ball ito. Nahabol ni Mitsui ang bola at ipinasa nya ito kay Rukawa at sumalampak sya upuan ng mga taga shoyo. "SIGE BABY KAYANGKAYA MO YAN!" Ang pagche cheer ko sa kanya na parang wala kaming LQ. "Sana all Baby." Biro ni Kakuta.
Bumalik na si Mitsui sa bench na naka alalay kay Kogure. "Patawad po, coach anzai" wika nya. "Mitsui..." tumayo si Coach at matamang tinitigan si Mitsui. "Maraming salamat sa iyong ginawa" dagdag pa nya. "Saludo ako sayo Mitsui. Ang galing mo. Ikaw na Bungal." Sabi ko at nag-smirk lang amg tarantado sa akin at naupo na sya.
Pumalit sa kanya si Kogure. "Laban Kogure, goodluck!" Ang sabi ni Ayako bago pumunta ng court si Kogure. Nang di umano ay nagulat kami sa ginawa ni Sakuragi. Inuntog nya ang sarili nya sa sahig... Kausap pa nya si Rukawa... nag aaway ba sila. Sana naman hindi. Matapos ng kung anumng pinag usapan ni Rukawa at Sakuragi, nagbalik na sa dating rhythm ng paglalaro ang pulang buhok. Nakuha nya ang rebound at ipinasa ito kay Kogure at ibinalik sa kanya.. Aatake na si Sakuragi at binabantayan sya ni Hanagata at ni Ito. Pumwesto na si Sakuragi habang nasa ere sya. Napatayo ako ng marealized ko na.. "Magi-slam dunk si Sakuragi." Parang slomo sa aking mga mata ang pangyayaring ito. Napatayo kami at naipasok nya ang bola. Bagsak ang dalawang bantay ng shoyo. Laglag ang panga nami sa ginawa nya. Dalawang gwardya na mas malaki pa sa kanya pero.... Napatumba nya. Naghiyawan ang mga tao sa ipinakita ni Pulang Buhok.
Pero kahit saang anggulo tingnan foul pa rin yun.. Kaya naglakad nang pabalik sa bench si Sakuragi. Naghiyawan ang mga tao at pinalakpakan sya. "Ibang klase, ito na yata ang pinakamalakas na cheer na narinig ko" sabi ni Ayako.. "Mukhang nasapawan na ako ng taong ito." Dagdag pa ni Mitsui. "Sakuragi, napaka ganda ng ipinakita mo sa amin..." ang bungad ni Ayako kay Hanamichi at lumingon ito. "Sabihin na nating foul yon pero... anong pakiramdam mo sa slam dunk?" Dagdag pa nya. Feeling ko magmamayabang na naman sya. "Ayako, ah.... Di ko alam eh" ang tanging sagot ni Sakuragi na Ikinagulat namin ni Ayako. "Ayako, si Sakuragi ba yan? Bakit wala yatang Sapi ng kayabangan?" Tanong ko. "Ewan ko Kariya." Sabi nya.
Pinalitan sya ni Kakuta. Ang pwesto ni Kakuta ay sentro. Pero wala syang panama kay Akagi. Sa palagay ko, hindi pa nya nadideskubre ang kakayahan nya bilang sentro. Nagsimula na ulit ang laban.. Sa natitirang mga segundo ay walang nakapuntos sa kanila. Segundo na lang ang bibilangin at tapos na ang laban.. last 3 seconds at pinakawalan ni Fujima ang bola.. pero tinamaan ng Kamalasan si Fujima dahil hindi ito pumasok. Kaya nanalo ang team ng shohoku. Masaya kami sa panalong ito. At ang susunod naming makakalaban ay ang school na pagmamay-ari ng pamilya ko... Ang Kainan.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...