(Rukawa's P.O.V)
Nasa classroom pa si Kariya. Andito ako sa basketball gym. Nauna na akong dumating sa kanila. "Masyado pa yatang maaga para mag practice... Kaede Rukawa..." wika ng isang boses na di ko naman kilala. Pag tingin ko isa din palang estudyante. "Sino ka?" Tanong ko sa kanya."Hindi na mahalaga kung sino ako. Kaya di na ako mapapaligoy ligoy pa at sasabihin ko na sayo ang pakay ko. Napag utusan lang naman ako ni Lady Okade na ibigay sayo ang sulat na ito. Naka private kasi ang account mo kaya di ka niya ma message through internet. Kaya... ito ang sulat." Ang wika nya sabay abot sakin ng sulat. Umalis na rin sya matapos nun.
To Kaede Rukawa;
Hindi ko alam kung anong nakita sayo ng anak ko para suwayin nya ako. Siguro nga napamahal na sya sayo. Ngayon, kung mahal mo talaga ang anak ko ito ang sasabihin ko sayo. Balita ko may gaganapin kayong practice game kalaban sa pinagsamang team ng Shoyo at Ryonan. Kapag nanalo kayo... Papayag na ako sa relasyon nyong dalwa ni Kariya. Hindi na ako hahadlang pa.
From: Lady OkadeAng matandang yun talaga... Yun lang pala ang hamon nya dinaan pa sa sulat. Pero di na bale... Mananalo kami. Tatalunin ko si Sendoh... At parang papayag naman ang gunggong na Sakuragi na matalo ang team.
"Bakit ang aga mo naman yata ha Rukawa?" Tanong ni Mitsui na kakarating pa lang kasama si Ryota. "Wala lang...." tipid kong sagot sa kanila. "Wala pa si Bonsai?" Tanong pa ni Ayako na kasama na rin pala nila. "Nasa classroom pa. Mamaya dadating na din yon." Muli kong sagot sa kanila..
"Ano yan? May nagbigay ng love letter sayo?" Sabi ni Mitsui sabay kuha sakin nung letter. Kukunin ko pa sana kaso naibigay nya agad ito kay Ayako. "Galing to sa Inang Dragon ah. Nakipagkasundo sya sayo?" Tanong ni Ayako. "Ano ba yan?" Wika ni Miyagi at binasa din ang sulat. "Rukawa... wag kang magalala... Di tayo papatalo... magiging masaya na kayo ni Kariya. Wala nang pipigil pa sa inyo." Wika nito at tumango lang ako. "Tss... Nagpapatawa ka ba ha Miyagi? Ang mayabang na yan magpapatalo kay Sendoh? Ay in your dreams." Biro pa ni Mitsui. Hay.... mga gunggong.
Maya-maya dumating na ang iba pa. Kasama na si Kariya. "Okay simulan na ang practice game. Juniors & Seniora VS. Freshmen.." wika ni Ayako. Ibig sabihin... kakampi ko na naman ang gunggong na si Sakuragi... Hay nako... bakit parang di pa ako nasanay..
(Kariya's P.O.V)
Andito ako sa gym.. tahimik ko lang silang pinapanood... di mawaglit sa isipan ko ang nalaman ko... Di ko mapigilang tanungin ang sarili ko kung iyon ba ang dahilan kung bakut naging silent and introvert person si Rukawa... yun ba?Flashback
Umuwi ako sa bahay para kausapin si Mom... pero nasa labas pa lang ako ng pinto ng kwarto nila naririnig ko na naman ang bangayan nila... "You are the same page Haraki. Hindi ka na nagbago... hinayaan ko noon na kontrolin mo ang buhay ko... Are you going to do the same thing with your daughter?!" Ang galit na galit na wika ni Daddy kay Mom. "I'm her mother Shion... what I am doing is for her own good! So do-" "What you are doing is controlling her life. Haraki ginawa mo na noon sakin wag mo nang gawin sa anak natin. Tinanggap ko na ang kapalaran ko kasama ka pero what the hell are you doing huh? You are making my only daughter suffer dahil di lang masunod ang gusto mo?" Ang pag putol ni Dad sa sinasabi ni mom.. kakatok na sana ako sa pinto nang marinig ko si Mom na magsalita...
"Shion... Don't tell me mahal mo pa si Miracle.." ang wika ni Mom.. "Aaminin ko Haraki. Mahal ko pa si Miracle. Mahal na mahal. At kahit kelan di naalis sa puso't isip ko ang pagmamahal ko sa kanya. Sa sobrang mahal ko sya... Hinayaan ko na lang ang sarili ko na makulong sa pagibig na pinilit mo para lang di mo sya saktan. Kahit di nya alam... naging masaya ako para sa kanya.. subalit ang sakit ng katotohang.. kaibigan ko ang nakatuluyan nya... sobrang sakit Haraki. This relationship suffocates me not until Kariya came into our lives. Kaya di kita hahayaang pagilan ang magmamahalan ni Kaede at ni Kariya. Ako ang makakalaban mo." Ang sagot ni Dad kay Mom. "Shion... 18 years.. we've been 18 years married. Shion I am Your wife.. your lawfully wedded wife... Bakit ako pa ang kailangang mamalimos ng pagmamahal mo.. asawa mo ako pero hanggang ngayon nakikipagkompitensya pa rin ako may Mira... bakit Shion? Bakit? Ni minsan ba sa 18 years na yon minahal mo ako? ... yun lang naman ang gusto ko eh... ang mahalin mo ako..." ang pagmamakaawa ni Mom kay Dad...
Hindi ko alam na may ganito palang nangyari. Si Dad at si Tita Mira.. sila talaga ang nagmamahalan...
END OF FLASHBACK
Nabulabog na lang ako sa kakaibang ingay na ginagawa ng mga gunggong na yon... namataan ko na lang si Kaede at si Sakuragi na nakabitin sa ring... "HAHARANG HARANG KA KASI JAN EH!" Ang wika ni Kaede. "INGGIT KA LANG AKO DAPAT ANG MAGSHOSHOOT NG BOLA!"
"EH KUNG GUNGGONG, SINABI KO SAYONG IPASA MO ULET ANG BOLA KASO SINWAPANG MO NAMAN!"
Habang si Kogure at Mitsui sa baba... sinasaway na sila. "Pwede bang tama na.. tama na... saka bumaba na nga kayo jan. Baka masira mo pa yan eh" wika ni Kogure.. "pabayaan mo ako boy labo... tuturuan ko lang ng leksyon ang baguhang soro na to..." sagot naman ni Sakuragi. "Gunggong..." ang tanging nawika ni Kaede.. kaya lumapit na ako.
"Kayo bang dalawa.... hindi kayo bababa jan... sige jan na lang kayo hanggang bukas ha...." wika ko with warning tone. Bumaba naman sila. "Ano Rukawa... si Bonsai lang naman pala ang katapat mo eh... aangal ka pa." Wika ni Sakuragi na nang aasar pa. Kaya nasapak ko sya ng notebook ko. "Tahimik" ang wika ko at mapabuntong hininga na lang sina Kogure, Mitsui at Kaede.
"Oo nga pala maiba ako... may pinapasabi si Coach... kaya... TEAM... ASSEMBLE!" ang wika ni Ayako na kakalapit lang samin. Kaya agad na nagtipon tipon ang team sa ilalim ng ring...
"Team... magkakaroon tayo ng training camp sa Josen High. Isang linggo yun kaya gusto ni coach na maghanda kayo. Kaya ma aadjust pa ang laban ninyo sa pinagsamang team ng Shoyo at Ryonan." Ang paliwanag ko sa kanila. "Pero maiiwan si Sakuragi..." wika ni Coach Anzai na kakarating lang pala. "Tatang... bakit naman ipapaiwan mo pa ang henyong ito?" Pagmamaktol pa ng unggoy na Sakuragi.
"Kayong lahat... makaka alis na kayo.. ikaw Sakuragi maiwan ka dito." Ang wika ni Coach kaya lahat kami ay nagsialisan na. Palagay ko... may binabalak si Coach kaya nya ipapaiwan si Sakuragi... ano naman kaya iyon?
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...