CHAPTER 6: Real Talk.. Mahal kita.

160 4 0
                                    

(Kariya's P.O.V)
Puspusan na ang practice ng team. Nakabalik na rin si Mitsui sa basketball. Nag aalala lang ako dahil baka humina na ang stamina nya dahil sa kanyang paninigarilyo. Alam din yun ni Ayako pero ang sabi nya wag na daw kaming mag alala dahil kaya nya. Mabait naman sya at unti unti ng magbabalik ang dating sya. Yun ang sabi ni Kogure at Taki-kun. Kagabi lang nanood ako ng mga naging laban ng Miuradai. Saan ako nakakuha? Syempre may galamay ako sa ibat ibang school dito. Para saan pa na naging Yakuza princess ako diba. Hindi sila ganoong kagagaling pero malalaki sila.

Andito ako ngayon sa Gym at tapos na ang practice nila. Nagpatawag ng assembly si Taki-kun para sa konting background na ibabahagi ko sa kanila.
"Makinig kayo, magsisimula na ang elimination games. Kaya dapat mag practice pa kayo ng maigi" ang paunang wika ni Ayako. "At ang una nyong makakalaban ay ang Miuradai. Team, pinanood ko ang ilan sa mga laban nila" ang dagdag ko. "Ha? Paano kang nakapanood ng laro nila kung home schooling ka lang dati?" Tanong ni Shiozaki. "Shiozaki, aanhin ko ang mga connections ko kung di ko sila papakinabangan diba?" Ang paliwanag ko sa kanila "Hayun na nga. Pinanood ko ang mga naging laro nila. Matatangkad ang players nila katulad na lang ni Murosami. Kung sa physical apppearance talagang masasabi ko na malalakas sila. Kung sa paglalaro naman hindi man lang sila umabot sa kalhati ng lakas ng Ryonan. Kaya kompyansa ako na kaya nyo silang ilampaso." Ang paliwanag ko sa kanila. "Yun naman pala eh. Ano pang ikakatakot natin?" Ang wika ni Kogure at nahampas ko sya ng Notebook ko. "Nais kong malaman nyo na hindi dapat minamaliit ang mga players ng bawat kuponan kahit na substitute player lang sila. Gusto ko ring mag ingat kayo. Dahil masasabi ko na napakarumi at napakagugulang maglaro ng Miuradai. Nambabalya sila at nananakit ng kalaban ng hindi napapansin ng referee. At sa huli, ang kalaban pa nila ang nabibigyan ng Foul kahit sila na ang may kasalanan." Ang paliwanag ko sa kanila.

"Magugulang nga sila" ang sabi ni Miagi sa sarili nya. "Asus wala silang panama sa henyo na tò kaya wag kang mag alala sakin Bonsai" ang sabi ni Sakuragi at nasapak ko din sya ng Notebook ko. "Sa totoo nga nyan sayo ako nag aalala. Mas mabuti pa nga yata na wag ka nang paglaruin eh. Mainitin ang ulo mo at panay ka basag ulo. Ni hindi ka marunong magtimpi at magpigil ng galit mo. Mapa-foul ka lang at baka hindi pa tapos ang laban graduate ka na. Alam mo ba ang ibig sabihin ko? Foul out." Ang paliwanag ko sa kanya. Rukawa on my side with the chibi face. Tumango at sinabing "Tama ka, walang duda yan."

After ng meeting na iyon na dimissed na sila kasi 5pm na din. Malapit lang ang tinutuluyan ko sa school walking distance lang. Naglalakad ako at napadaan ako sa train station. "Kariya, teka lang" ang pagtawag sakin ng isang boses na pamilyar. "Akira.." ang sabi ko sa sarili ko. Lumapit sya sakin. "Wala ka na namang kasabay. Mabuti pa kaya hatid sundo na lang kita. O kaya lumipat ka ng apartment na malapit sakin para di ako nagaalala" ang sabi nya na nakapamulsa. "Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita jowa ha umayos ka kung ayaw mong mabalian" ang banta ko sa kanya pero nakangiti lang syang sumagot sa akin ng ganito "Oo tama ka di mo ako JOWA pero may I remind you na fiancè kita. Balian? Di na kailangan Kariya tiklop na nga ako sayo eh". Hay nako isa pa itong kumag na to eh. "Maiwan ka diyan mag isa" ang sabi ko sa kanya sabay lakad palayo sa kanya. "Hoy ano ba. Teka lang andito nga ako para ihatid ka eh." At humabol sya. Nang maabutan nya ako "Ibang klase ka Kariya, ang liit liit mo ang bilis mo maglakad. May hinahabol ka?" Angal nya kaya binagalan ko na lang ang paglalakad. "Balita ko hinahatid ka ni Rukawa paminsan minsan" ang sabi nya sabay hawak sa kamay ko. "Yun ba? Nagmamagandang loob lang yung tao. Hinahatid nya ako dahil wala akong kasabay at sabi nya 8 blocks lang naman ang layo ng bahay nila sa apartment na tinutuluyan ko. Kaya nagsasabay na lang kami. Isa pa kasali na ako sa basketball team nila." Ang paliwanag ko sa kanya. "Kasali ka sa basketball team nila?" Tanong nya sakin. "Assistant manager nila ako." Sagot ko sa kanya. "Talaga? Wow, ang cute naman pala ng assistant manager ng Shohoku. Pero mas mawserte ako kasi ako ang magiging asawa mo" ang sabi nya. Anong nakain nitong si Akira? Nilalagnat ba to? Nabubuwang na yata.

Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa gate. "Andito na ako. Salamat sa paghatid." Pasalamat ko sa kanya. "Sus wala yun. Wag ko lang makita na kasama ka ni Rukawa..." ano namang trip ng hayop na to? "Ewan ko sayo.. kung ano ano ang tumatakbo sa isipan mo. Pumasok ka muna. Dito ka na mag dinner. " ang yaya ko sa kanya. "Yes wifey hindi ko yan tatanggihan. Baka gusto mo dito pa ako matulog eh". Sagot nya. Hindi ko na lang pinansin at pumasok na lang kami sa loob.

Pagpasok namin sa bahay kakatapos lang magluto ni Manang. "Aba, hindi mo naman sinabi na dadating pala si Master Akira, Ms.Kariya." ang bungad ni manang. "Ihinatid nya po ako manang. So as a gift of gratitude inaya ko sya ditong mag dinner." Ang sagot ko. Tumango si Manang. "Master Akira, maupo po kayo. Ikukuha ko po ikaw ng maiinom" ang alok ni Akira at tumango lang ito. "Magbibihis lang ako" sabi ko sa kanya. "Sige lang WIFEY baka gusto mo ako pa ang magbihis sayo". Luh... nakain ng Akira na to? Ibang klase ang mga banat ah. Manang in the side. Kilig na kilig akala mo baging ihi.

(Sendo's P.O.V)
Naghintay ako sa sala at nanonood ng NBA. After some time ng paghihintay bumaba na si Kariya. Naka suot sya ng maikling maong shorts at black T-Shirt. Medyo messy ang buhok nya. Bagong ligo sya. "Tara Akira, kain na tayo." Yaya nya sakin. Nagpunta na kami ng dining area nila. Pinagsilbihan nya ako at kumain na kami. "Salamat Kariya" ang tangi ko na lang nasabi. Tahimik kaming kumain. After that nagpahulaw lang ako saglit tapos nagpaalam na ako. Ihinatid nya ako sa may Gate. "Salamat sa paghatid mo kanina" ang sabi nya sakin. "Salamat din sa dinner. Saka wag kang magpasalamat na ihinatid kita. Ayoko lang na malalamang hinahatid ka ni Rukawa." Ang siryoso kong sagot sa kanya. "Alam mo kanina ka pa talaga. Hindi kita maintindihan Akira sa totoo lang." Tanong nya sakin. "Nalaman ko sa isa kong classmate na ihinahatid ka ni Rukawa. Hindi ko alam kung may motibo ba sya sa paghahatid hatid nya sayo." Saglit akong napatigil at tumitig sa mga mata nya. At kusa na lang na gumalaw ang katawan ko para yakapin sya. "Real talk... Mahal kita.. Nagseselos ako na lagi ka na lang hinahatid ni Rukawa. Ako dapat ang gumagawa nun hindi sya. Bagamat fixed marriage lang ang nagbuklod sa ating dalawa. Minahal kita" pagkasabi noon ay kumalas na ako sa yakap. "Lagi mong tatandaan, hindi kita minahal dahil sa fixed marriage. Minahal kita dahil sinunod ko ang sarili kong kagustuhan. Kaya sana.... hayaan mo akong maligawan ka." Ang wika ko. Nginitian ko sya. "Ikaw ang bahala Akira." Ang sagot nya. Pagkasabi noon ay tumango na lang ako at saka naglakad pauwi.

Pagdating ko sa bahay naligo lang ako at pinatuyo ang buhok ko. Saka ako nahiga. Si Kariya, kakaiba sya. Ang ibang tao kapag ayaw sayo hindi ka papansinin. Alam kong ayaw sa akin ni Kariya dahil sa kagunggungang fixed marriage na yun. Nung una ayaw ko rin naman sa kanya dahil napakagaslaw nya kumilos. Minsan nga tinatanong ko pa sa sarili ko kung babae ba talaga sya. Bata pa kami nang una kaming magkakilala. Grade 2 sya tapos grade 4 naman ako. Pero habang tumatagal na nakikilala ko sya. Iba na ang nararamdaman ko. Sobrang bait nya. Inosente sya pero hindi biro ang analytical skills nya. Nung una akala ko awa lang ang nararamdaman ko sa kanya dahil halos ikulong sya ng parents nya. But I realized hindi pala. Nahulog na ako sa kanya ng di ko namamalayan. Ako si Akira Sendoh ay handang ipaglaban si Kariya Okade.

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon