CHAPTER 23: Mr&Mrs. Rukawa.

90 3 0
                                    

(Rukawa's P.O.V)
Ano bang problema ni Fujima? Bakit nya hinawakan ang mukha ng Kariya ko... "Rukawa, bakit di mo pinapansin si Kariya? Dahil ba sa paghawak ni Fujima sa mukha nya? Pero sa bagay naiintindihan ko. Nung hinawakan nga ni Fujima ang balikat ni Ayako kanina nainis din ako." Wika ni Miyagi. "Oo.. naiinis nga ako. Pero di ako galit kay Kariya." Yun lang ang sabi ko at lumabas na ako dala ang duffle bag. Nandun si Kariya, kausap si... Fujima?

Akmang hahawakan na naman ni Fujima ang mukha ni Kariya pero tinapling ko na agad ang kamay nya. "Wag mo nga syang hawakan... Akin sya." Sabi ko. "Girlfriend mo sya Rukawa? Akala ko nagbibiro ka lang Kariya. Masyado ka naman yatang maswerte ha Rukawa." Sagot nya. "Pakealam mo".. "Bakit ang sungit mo naman ngayon Rukawa. Nakikipagkaibigan lang naman ang coach namin eh." Sabi ni Hisagawa. Inakbayan ko si Kariya. "Marami na syang kaibigan.. kaaway wala. Gusto mo ba?" Wika ko. "Aba talagang may kayabangan ka Ru-" "Tama na yan... tapos na ang laban nyo." Ang pagputol ni Kariya sa sinasabi ni Hisagawa. Hinawakan nya ang braso ko at nagpunta na kami sa gate kung saan naroon ang team.

"Kaede, galit ka pa ba?" Tanong nya habang nasa daan kami pauwi. "Medyo lang." Sagot ko... "Eh nagseselos?" Tanong ulet nya. "Oo" mabilis kong sagot. Tumigil sya at inabot nya ang mukha ko. "Hay, Kaede Rukawa... Kahit isang libong Kenji Fujima pa ang iharap mo sakin ikaw ang pipiliin ko. Kahit maputla kang Soro ka at patulog tulog sa klase... Mahal kita... Kahit minsan mas masungit ka pa sakin... Mahal kita.. Talikuran ka man ng mundo hindi kita iiwan kasi... Mahal na mahal kita... tumanda man tayo ikaw pa rin ang hahanap hanapin ko kahit sa huling sandali ng buhay ko. Tatandaan mo yan ha..." paliwanag nya sabay ngiti... Yan na naman ang dimples nya. "Pangako Kariya ko, hanggang sa huling sandali ng buhay natin." Pangako ko at niyakap ko sya... Sa totoo nito may nakahanda akong surpresa sa kanya.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at ipiniring ko sa mga mata nya... "Kaede ano ito? Bakit mo ako piniringan?" Tanong nya. "Kung mahal mo ako magtiwala ka lang." Sabi ko sa kanya. Basta inalalayan ko na lang sya papunta sa lugar na iyon. Paakyat na at binuhat ko sya in bridal style. "Kaede kinakabahan ako ha... Ano ito?" Sabi pa nya.. "Mahal mo ba ako?" Tanong ko... "Ano bang klaseng tanong yan, syempre mahal kita." Sagot pa nya. "Yun naman pala eh... wag ka nang makulit." Sabi ko at nanahimik na lang sya. "Mahal ang gaan mo naman. Magpataba ka naman ha." Dagdag ko pa. "Eh di kapag nagpataba ako mukha na akong takure." Sabi nya at natawa naman ako. "Cute na Takure." Sabi ko.

Andito na kami sa lugar na patutunguhan namin... Nagpatulong pa ako mga FANGIRLS ko para maayos ito... dito sa tuktok ng bundok kung saan may Pagoda at magandang tanawin... inalis ko na ang blind fold nya. "Wow.... Kaede..... ang ganda dito... ito na ang favorite place ko in Mother Earth" tuwang tuwa nyang wika. "Buti naman nagustuhan mo... bulaklak para sa pinaka-maganda kong prinsesa." Sabi ko sabay abot ng tatlong roses. "Salamat... I really appreciate your effort mahal... Thank you so much... " ang wika nya habang lumuluha.. "Uy wag ka namang umiyak.." sabi ko.. "Sorry, napakasaya ko lang talaga... Ito ang unang pagkakataon na dalhin ako sa ganitong kasimple pero napaka gandang lugar..." wika nya at niyakap ko sya... "Mahal kita... Kariya." Sa sinabi kong iyon alam kong mas naging masaya sya. "I love you too... So much" sagot nya.

Umupo kami sa damo sa ilalim ng puno ng sakura. Pinapanood ang magandang view mula dito sa taas. May kinuha sya sa duffle bag nya. "Kaede... Para sayo... Alam ko walang wala yan sa ginawa mo ngayon... pero ibibigay ko pa rin sayo." Sabi nya... Inabot nya sakin yung gift na may blue wrapper. Binuksan ko iyon.. Isa itong blue scarf.. "Wow, ang cute nito Kariya... Nagustuhan ko ito." Sabi ko kasi ang cute talaga.. "Ako ang gumawa nyan" sabi naman nya. "Talaga? Napaka special naman pala nito. Kapag mag asawa na tayo... Magiging the best wife sigurado ako dun." Teka... Asawa? Saan ko kinuha ang word na yun? Nginitian nya ako at niyakap.

(Kariya's P.O.V)
Matapos akong dalhin ni Kaede sa bundok, isinama nya ako sa bahay nila... para ipakilala sa mga magulang nya.. Grabe kinakabahan ako... ito ang 1st time kong makikilala ang mga magulang nya. "Wag kang kabahan... Mabait sina mama at papa. Sa totoo nga nyan matagal ka na nilang gustong makilala." Sabi ni Kaede..

"Ganun ba? Hindi mo pa rin maaalis sa akin ang kabahan." Sagot ko naman. "Just be yourself." Ang tanging sagot nya sa akin... Naglakad lang kami hanggang sa marating namin ang dinning room. Sa totoo lang may kalakihan ang bahay na to nila Rukawa ha... "Ah, Kaede... anjan ka na pala." Bati ng babaeng maganda pero pas matangkad sa akin ng konti. "Opo Mama.. Nasaan si Papa?" Tanong nya sa mama nya.

"Hindi pa sya dumadating eh. Nag over time kasi sa trabaho.. Nga pala anak.. Ito ba ang babaeng laging kinukwento mo sa akin?" Tanong ng mama nya.. "Opo Mama, Sya po si Kariya Okade..." ngumiti ako sa mama nya at sinabing.. "Magandang gabi po ma'am... Nice meeting you po."

"Ay nako hija, wag mo akong tawaging ma'am... Tita Mira na lang.. Oh no.. Mas maganda kung Mama." Sabi ng mama nya at gumaan ang loob ko ng yakapin nya ako.. "Sige po... Mama." Sagot ko.. Napakamot naman ng batok si Kaede..

"Andito na ako!" Ang wika ng isang lalaking kakarating lang.. Siguro sya ang Papa ni Kaede.. Malaki kasi ang resemblance nila. "Mabuti naman at dumating ka na.." ang bati ni Mama at sinalubong nya ng yakap ang papa ni Kaede. "Sigurado akong pagod ka sa trabaho. Tara na kakain na tayo... May bisita nga pala tayo. Andito ang jowa ang junakis mo" ang wika ni Mama.

"Talaga? Finally Kaede nagdala ka din ng babae dito sa bahay... Akala ko bakla ka." Biro ng papa nya.. "Hay nako si Papa talaga." Ang sabi ni Kaede pagkatapos ng isang malalim na buntong  hininga.

Mamaya pa ay nasa hapag na kami at magkakasamang kumain. Nalaman ko na isang magaling na Prosecutor pala ang tatay ni Kaede... si Prosecutor Kaname Rukawa.. Tapos ang Mama nya may ari ng isang Fashion botique sa mall. Si Mrs.Miracle Rukawa.

"Kariya Hija.. Maiba ako.. Sabi mo Okade ang apilyido mo? Kilala mo ba si Shion Okade?" Tanong sa akin ng papa nya.. "Shion Okade? Pano nyo po Papa nakilala si Daddy?" Tanong ko at natigilan ang mama at papa ni Kaede..

"Si Shion, tropa ko sya at team mate sa Shohoku ng high school pa kami. Naalala ko nung araw... Mga Freshman pa lang kami ng nagkakilala kami ni Shion sa team. Nagkasundo kami at tinaguriang BASKETBALL TERRORISTS. Bakit? Kapag kami na ni Shion ang umatake, magaling kaming mang-ambush sa pagkakataong hindi aakalin ng kalaban. Nakakatuwa naman at nagkakilala pa kayo at naging magkasintahan pa. Matagal na rin kaming hindi nagkikita ng Daddy mo Kariya. Kumusta na sya?" Paliwanag ni Papa.

"Hayun po, busy sila ni Mommy sa trabaho. Walang time sa akin. Nagiging masaya na nga lang po ako dahil kay Kaede at sa basketball team." Sagot ko naman at ngumiti si Papa. "Mabuti naman at mabait sayo si Kaede." Sabi ni Mama.

"Mama naman, hindi naman po ako masama." Sagot ni Rukawa. "Aba at marunong ka na ding magsalita.. Mabuti yan." Dagdag pa ng papa nya.

Sa tingin ko, wala namang mapagmamanahan si Kaede ng pagiging taong yelo. Pero bakit kaya sya ganun dati?

Hay, kahit ano pa ang dahilan wala akong pakealam. Ganitong buhay ang gusto ko. Simple at payak pero masaya. Yung tipomg may oras para sayo ang mga magulang mo. Kasabay mo silang maghapunan habang pinag-uusapan ang mga bagay bagay. How I really wish that I could have a family like this..

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon