(Kariya's P.O.V)
Nung niyaya ako ni Akira sa yate nya, nag usap lang talaga kami na parang magkaibigan. Hindi ko na sinabi kay Rukawa dahil wala lang naman yun. Pero nakak guilty kasi naman po di ako malihim sa kanya.Dumaan ako sa classroom nila pero wala sya sa upuan nya. Andun na naman sya sa rooftop. Pagdating ko doon, natutulog sya. "Hay nako, madalas kang tulog. Nalilito tuloy ako kung Soro ka ba o Pusa" ang nasabi ko sa sarili. Umupo ako sa tabi nya at hinagpos ang ulo nya.
(Rukawa's P.O.V)
Natutulog ako sa rooftop noong biglang may nagsalita. "Hay nako, madalas kang tulog. Nalilito tuloy ako kung Soro ka ba o Pusa" tapos umupo sya sa tabi ko at hinagpos ang ulo ko. Ang kinikilig ako. Nagpapanggap pa akong tulog kasi tuwang tuwa pa ako sa ginagawa nyang paghagpos sa ulo ko.The time I laid my eyes on someone like you,
I cant forget the hours, that moments with you,
Then I had realized, love is growing deep inside
I feel the beating of my heart.'Cause everyday, every night,
I keep looking up to skies,
And I pray that someday
You will wake up in my arms
And love will never end...
We belong together
Always and forever, call my name and I'll be there...Kumakanta sya, para ba sa akin yun? Pero sa bagay kami lang namang dalawa ang tao dito eh
Spending my days and nights just thinking of you
How you made me wanna smile with the things that you do
When will I hear you say, love is coming on your way
And that you start to feel the same..'Cause everyday, everynight,
I keep looking up to skies,
And I pray that someday
You will wake up in my arms
And love will never end...
We belong together,
Always and forever, call my name and I'll be there..."Ang galing mo palang kumanta" compliment ko. "Sorry, nagising ba kita?" Tanong nya. Minulat ko na ang mga mata ko at hinawakan ang kamay nya na ihinaplos sa ulo ko. "Kung magigising ako sa ganong kanta okay lang yun" sagot ko at nasilayan ko naman ang ngiti nya. "Ang dimples mo lumalabas" dagdag ko pa. "Hindi ko mapigil ang paglabas nila kapag napapangiti mo ako" sabi nya.
Matama ko lang minasdan ang mukha nya. Bigla na lang syang humiga at umunan sa dibdib ko. Mas lumakas ang pumintig ang puso ko. "Ang lakas ng kabog ng dibdib mo. Naririnig ko sya" sabi nya. "Naririnig mo ba ang pangalan mo?" Tanong ko at nakita kong ngumiti sya. "Gustong-gusto ko dito... ang humiga sa dibdib mo" sabi ni Kariya. "Kariya, naggugulo pa ba sayo si Sendoh?" Tanong ko. "Desisyon nya ang panggugulo nya. Pero sa ngayon, gusto kong humipig dito sa dibdib mo. Kung saan alam kong ligtas ako" sagot nya.
Ipinikit lang nya ang mga mata nya. Hinagpos ko ang pisngi nya at saka ko sinabing "Oo tama ka, ligtas ka dito sa piling ko. Hindi ko papabayaang makuha ka ni Sendoh. Kilala ako bilang tahimik na tao na walang pakealam sa mundo. Pero nang dumating ka, nag iba ang lahat. Tinuruan mo ako kung pano ba magpahalaga ng tao. Ang mga ngiti mo ang nagbigay ng liwanag sa buhay ko. Dahil sayo nagiging malakas ako. Ngayon, hindi na ako natatakot magkamali o masaktan kung para sayo... Mahal kita Kariya, Mahal na mahal" ang wika ko habang nakapikit sya. "Nangangako ako na iingatan kita kahit buhay pa ang kapalit" dagdag ko pa. "Mahal din kita.... mahal na mahal" wika nya. Ano ulet ang sinabi nya? "Kariya?" Ang sabi ko na lang dahil gusto ko ulet marinig ang sinabi nya. Bumangon sya at tumingin sa mga mata ko. "Gwapo ka nga bingi ka naman. Sabi ko Mahal kita.. mahal na mahal" sabi nya sabay ngiti hinatak ko sya hara yakapin. Ang saya ko na marinig na mahal nya din ako. "Pangako Kaede, hindi ako mawawala" dagdag pa nya. Ito ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Ang araw na masasabi kong akin si Kariya.
Kinahapunan sa basketball gym, nauna pa si Kariya sa akin. Sa bagay lagi naman syang maaga.
(Kariya's P.O.V)
Nauna pa akong dumating kay Kaede, tumawag kasi si Coach Anzai na naghamon daw ng practice game ang Takezono. So inaayos ko ang letter of agreement na papapirmahan sa mga players. Nang bigla na lang may Sorong humalik sa pisngi ko. Alam ko nagulat ang mga tao sa loob ng gym. Lalo na ang FANGIRLS ni Rukawa. "Hindi ka naman player pero ang aga mo naman yata" sabi nya with a smile. "May inayos kasi ako. Pinakiusap sa akin ni Coach Anzai" sagot ko. "Ehem, ehem, ehem, EHEM!" Ang pangbubulabog ni Mitsui na parang ewan. "Ano yan ha, ano yan? Bonsai, bakit ang sweet sayo ng mayabang na yan at may pahalik halik pa sa pisngi mo?" Dagdag pa nya. "Hindi masama ang magkwento... Alam nyo na pamilya tayo dito sa team. Baka naman may gusto kayong aminin o sabihin man lang" ani Ayako. "Bonsai.... Soro...... Anong ibig sabihin nito?" Sabi naman ni Miyagi. "Team, kami na ni Kaede Rukawa" I declared at natahimik sila.. "Ibig sabihin, mag jowa na kayo ni Rukawa?"tanong ni Kogure at tumango kami ni Kaede.Bigla na lang hinila ni Mitsui at Miyagi si Kaede at pinaulanan ng tapik. "Ikaw Rukawa ha, tahimik ka lang pero ang tinik mong dumiskarte sa babae. Akalain mong napasagot mo ng OO ang Bonsai na yan hahahahah" sabi ni Mitsui. "Ayos yan Rukawa nyahahahaha" dagdag pa ni Miyagi. Tinapling lang sila ni Kaede at sinabing "Lokohin nyo Lelang nyo wag ako. Inggit lang kayo kasi may Girlfriend na ako kahit freshman pa lang ako. Eh kayo matanda na malapit nang mapagiwanan ng tren wala pang nabibingwit" pangaasar ni Kaede sa kanila. "HA! Hindi ako yun sigurado ako. May Ayako ako eh. Ikaw Mitsui may ano ka?" Pang aasar ni Miyagi kay Mitsui.. "May taglay na kagwapuhan" sagot ni Mitsui.. "Gwapo nga... Pero bungal pa din" sabi ni Rukawa na sinang-ayunan ni Miyagi. Mag-aasaran pa sila pero si Sakuragi kumakanta kanta pa habang pumapasok ng gym "Ako ang Henyo, ang poging Hanamichi Sakuragi. Mas magaling ako kesa kay Rukawa. Mas malakas kay Gori-" hindi pa natatapos ang kanta ni Sakuragi sinapak na sya ni Ayako ng pamaypay "Ayako naman..." angal ni Sakuragi. "Kakanta ka na nga lang sintunado pa! Ang sakit sa tenga" ang sermon ni Ayako. "At masakit sa mata ang iyong pagmumukha" dagdag ko pa. Tumabi pa sa akin si Rukawa at sabay kaming tumango with a chibi face. "Naging magjowa lang kayo naging partner in crime na. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig." Sabi ni Kogure. "Ano ba naman kayo, kahit naman nung hindi pa sila partner in crime na talaga sila." Dagdag ni Taki-kun. "Sa bagay may tama ka" pagsang-ayon ni Kogure.
"Oo nga pala. Ngayong kumpleto na tayo gusto kong lumapit kayong lahat sa amin" sabi ko. Agad silang nag assemble pabilog. "Team, naghamon ng practice game ang Takezono. Pumayag na si Coach at pinaayos nya agad sa akin ang letter of agreement na papapirmahan sa inyo. So ito, paikutin ninyo habang magde discuss ako" naunang pumirma si Taki-kum kasunod si Kogure. "Kilala ang Takezono sa malakas at maingay nilang cheering squad. Kaya sa tingin ko yun lang ang magiging sagabal sa concentration nyo sa game." Dagdag pa ni Ayako. Tumango ako dahil totoo naman yun. "Hindi lingid sa kaalaman nyo na marami akong galamay sa bawat school dito sa Kanagawa District. Kaya may nakarating na Balita sa akin na nandun daw ang kaaway mo Sakuragi. Si Oda" ang sabi ko at natigilan si Sakuragi.
"Sino naman si Oda?" Tanong ni Yasuda. "Sa tingin ko hindi dapat ako ang magkwento sa inyo kung sino si Oda" "Ikaw na lang ang magsabi madaldal na Bonsai" pagputol ni Sakuragi sa sinasabi ko. "Okay sige... Nung nasa Junior High pa si Sakuragi, madami nang niligawang babae ang tukmol na yan. Isa sa Niligawan nya ay ang babaeng si Yohko. Binasted sya ni Yohko dahil mas gusto ng babaeng yun si Oda" paliwanag ko. "Sa madaling salita, ang Oda na sinasabi mo ay dating karibal ni Sakuragi sa babae" tumango ako bilang pagsang-ayon kay Kogure. "Sakuragi, alam kong galit ka pa sa kanya. Naiintindihan kita. Pero gusto naming bawian mo sya sa basketball. Ipakita mo na hindi na ikaw ang Hanamichi Sakuragi na Binasted noon ni Yohko. In short... maging professional sportsman ka kahit baguhan ka pa lang. Dahil hanggat maaari ayaw namin na mapaaway ka dahil madadamay ang team" paliwanag ko. As usual para na naman syang sinapian. "Makaka-asa ka Bonsai, sportsman yata ang Henyong ito nyahahahaha" sabi pa nya. Sana lang... nakinig sya sa mga pangaral ko. Kinakabahan pa ako sa ugali nya eh.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictiontungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...