CHAPTER 21: Ang team ng Shoyo

76 2 0
                                    

Ngayong araw ang laban namin sa Shoyo. Hindi ko maiwasang kabahan dahil marami talagang nagsasabi na magagaling ang players ng Shoyo. Bukod doon, ito ang 1st month namin ni Rukawa in a relationship. "Hoy Ayako, nasan si Kulot?"tanong ko sa kanya. "Andun nagbibihis sa locker room." Sagot naman nya. Tumango na lang ako at since nakabihis na kami ni Ayako, naghintay na lang kami sa court. Nandun na ang team ng Shoyo at nagsasagawa ng basic drills.

Lumapit sa akin si Fujima. "Aba Kariya, masaya akong makita ka dito sa venue." Bungad nya sa akin habang si Ayako, nakahalumbaba sa lamesa katabi ko. "Ikaw pala Fujima, pakisabi ulet kay Hanagata, pasensya na dahil pinitpit ko ang paa nya." Sagot ko kay Fujima. "Wag mong alalahanin si Hanagata. Ayos lang sya. Di mo sinasabi na manager ka pala ng team ng Shohoku." Sabi nya sa akin na may halong ngiti. "Assistant Manager Kenji. Konting galang nasa tabi ko ang mismong Manager heheheh" biro ko sa kanya at humagikhik sya. "Gusto ko na tinatawag mo ako sa pangalan ko Kariya. Oo nga pala..Pasenya na magandang kulot.." sabi ni Kenji sabay hawak sa balikat ni Ayako... "Hoy, Fujima! bitawan mo si Ayako... Ang kapal naman ng mukha mo na hawakan ang aking si Ayako sa balikat nya ha! Kung gusto mo syang mapasayo dadaan ka muna sa bangkay ko loko-loko!" Naghuhurimentadong wika ni Miyagi habang hawak sya nina Mitsui at Kogure. Lumapit si Ayako sa kanya para sapakin sya ng pamaypay. Nabigla si Fujima sa nakita nya. "At ipinakikilala ko sayo, ang Dakilang pamaypay ni Ayako" amg sabi ko with an awkward tone.

"Sige na Baby Kariya, babalik na ako sa team ko. Pakisabi sa team mo galingan nila." Ang sabi nya sabay hawak sya mukha ko at tinignan ko sya ng masama. Tinapling ni Rukawa ang kamay ni Fujima at pinunasan ang pisngi ko na hinawakan ni Fujima. "Punasan natin baka may Virus ayoko pa namang madapuan ang Baby ko ng Bacteria." Sabi nya with a chibi face. Hay... Napaka protective at obsessive talaga ng Soro na to. Pero sa bagay ayoko din naman na hinawakan ako ni Kenji sa mulha ko eh.

Malakas na sinisigaw ng audience ang pangalan ni Habagata. Lalo na ang cheering squad ng Shoyo. Nagsimula na ang jumpball.. si Hanagata ang kalaban ni Akagi. Oo, Akagi na ang tawag ko sa kanya dahil nagrereklamo si Rukawa. Sa jumpball pa lang, nakuha na ni Sakuragi ang bola pero pumito ang ref. "Jumpball Violation.. White Number 4" pagdedeklara ng ref. After noon, binantayan na nila ang mga kalaban nila. "Ngayon lang tayo matatapat sa mga napakatatangkad na player. Siguradong mahihirapan tayo nito..." ang alalang alalang wika ni Kogure. Aaminin ko sa Sarili ko talagang kinakabahan din ako. "Magtiwala na lang tayo sa kanila." Wika ko naman..

Matama lang akong nanunuod lang sa kanila. Magaling nga pala talagang manlalaro si Hanagata... Madali lang sya nakagawa ng fade away jumpshot sa harap ng ring at ni Akagi. Naaasar na ako sa tabi ni Ayako... "Ano bang problema nila? Bakit parang kabado sila at tensyonado..." ang tanong ni Ayako sa sarili niya. Alam ko na naiinis na din si Ayako... Mas lalo na naman ako. Ano ba talagang problema nila? Kainis naman eh...

0-11 ang score in favor of Shoyo.. Naiinis na talaga ako... Ihinampas ko ang notebook ko sa lamesa kaya nagulat si Ayako. Saka ako nag cross arms at tinignan sila ng masasama. "Ano bang pinagagagawa nyo Shohoku..." ang sabi ko. "Kariya, nakakatakot ka na ha... huminahon ka naman.." pang-aalo ni Ayako. "PWEDE BA MAGSIRYOSO NAMAN KAYO MGA GUNGONG!!!!" Ang sigaw ko.... Napatingin si Rukawa sa akin... Kahit naasar ako wala akong magawa kundi ang panoorin na lang sila. Masa lalo pa akong nainis dahil Na-foul si Sakuragi nang matapik nya ang kamay ng kalaban.. "Hay gunggong talaga." Ang wika ko matapos ng buntong hininga ko.

Nasasaktan ako habang pinapanood ko ang mga pangyayari. Umabot sa punto na na-steal ni Rukawa ang bola. Mag-isa syang nag fast break. Napatayo kami sa aming mga pagkaka-upo. "TULUNGAN NYO SI RUKAWA! TATLO ANG NAGBABANTAY SA KAYA! MADALI KAYO!!" Ang sigaw ni Kogure... Nagpapainit na si Rukawa.. "SIGE RUKAWA!, KAYA MO YAN! TIWALA LANG!" Ang pagche-cheer ko. "Hindi mo kami kaya, freshman ka lang" sabi ng isang nagbabanatay sa ilalim ng ring. Hindi ako nagkamali, naipasok ni Rukawa ang bola matapos ng magpalit ng tayo sa ere. Napahiyaw kaming mga nasa bench. "Yan ang sinasabi ko... Dont dare Kaede Rukawa..." Tumango si coach Anzai sa sinabi ko...

Habang sa court nagkakainitan na naman ang team. Pero bago pa sila tuluyang mag-away, sumigaw na si Kogure. "Tama na yan!, parating na sila!"  sumigaw na din si Ayako. "Balik na sa depensa!" At naghanda na nga sila para sa pagdepensa. "Sige Shoyo, sugod na!!" Ang hiyaw ni Akagi na sinundan naman ng "HAAAAA" nila Sakuragi, Mitsui at Miyagi. "Hanudaw?" Ang sabi ko sa sarili ko..

Alam ko na pagmamayabang ang ginawa kanina ni Rukawa pero... epektibo naman yun dahil nagising na rin sila sa wakas. Nawala ang kaba nila. Nag-init na naman sila. Napalpal ni Akagi si Hanagata at nahatawan naman ni Sakuragi si Ito. Saka sila sumugod. Ipinasa ni Miyagi ang bola kay Sakuragi pero... Bulok talaga ang shooting skills ni Sakuragi.... Salamat kay Rukawa at naipasok ang bola. 4 points para sa shohoku.

Maganda ang pinapakitang laro ng Shohoku. Nagtaka lang talaga ako.. lamang pa ng sila pero.... Nagtawag ng time out shoyo. Pagdating dito sa bench, nagmamayabang na naman si Sakuragi "Oh diba, napa-epektibo ng ginawa kong 2 puntos, kaya tama ang naging desisyon mo na paglaruin ang henyong ito Tatang, magaling.." Sabay tapik sa balikat ni Coach Anzai.. Sinapak ko na sya ng notebook ko. "Tumigil ka walang galang unggoy!" Sabi ko. Napabuntong hininga na lang sina Miyagi, Rukawa at Mitsui sa likod ko. "Kariya, bakit magkakilala kayo ni Fujima?" Tanong nya. "Yun ba? Nagkakilala kami sa basketball court. Malapit sa train station." Ang sagot ko. Bakit naman kaya naitanong pa ni Kaede?. Pero hindi pa rin mawala sa dibdib ni Ayako ang kaba.

"Ayako, bakit di mo bigyan ng ng pampalakas ng loob si Miyagi." Ang suggest ko kay Ayako. "Hay ewan... Bahala na." Ang wika nya. Nako Ayako. Hanggang ngayon ba naman pa-hard to get ka pa rin kay Ryota eh nakaamin ka na nga...

Nasa rhythm na ulet ang laro nila nang mag-init na ulit ang Shoyo.. Hindi na maganda to matapos nilang ma-tie ang scores nila. Alam ko, hinahamon talaga ni Miyagi si Fujima. Dahil sabi nga ni Ayako si Fujima ang pinakamagaling na point guard sa distrito. Kung gusto ni Miyagi na maagaw ang trono, dapat nyang matalo si Kenji Fujima.

Gumawa ng paraan ang Shoyo para maisahan si Akagi at nagtagumpay sila sa ginawa nilang fake... hindi na talaga maganda ťo. Malapit nang matapos ang 1st half at nasira ni Akagi ang momentum ng bola.. kaya tumama sa ring ang bola at pagkakataon na iyon para sa rebound. Sinubukan ni Rukawa ng ng dalawang player ng Shoyo na kunin ang rebound pero.... mabilis si Sakuragi kaya naunahan sila. "Ako si Hanamichi Sakuragi, ang hari ng rebound!" Ang sigaw nya. Natapos na ang 1st half.

Si Mitsui, hindi ko na gusto ang pagtaas baba ng mga balikat nya. Ito na nga ba ang sinasabi ko. "Okay ka lang Rukawa?" Tanong ko sa kanya. Sabay abot ng towel. Tinanggap nya ang towel pero iniwas nya ang tingin nya sa akin. "Bakit di si Fujima ang tanungin mo?" Sagot nya.. "Nangangamoy... LQ." Sabi ni Mitsui. "Ano ka ba naman Mitsui. Girlfriend mo kaya ang hawakan sa mukha ng iba tapos tawagin pang baby. Di ka magseselos?... Pero sa bagay di mo yun maiintindihan kasi... Wala ka nga palang love life." Paliwanag ni Miyagi. Nakakainis, pinariringgan ba nila ako na kasalanan ko pa? Sa inis ko sinapak ko sila ng notebook ko. "Tama na kayo jan, kalalaki nyong tao mga tsismoso kayo." Sabi ko. "Masyado ka naman Kariya." Reklamo pa ni Mitsui.

Lumabas ako para bumili ng maiinom ko. "Kumusta na Kariya." Ang bati ni Akira sa akin. "Uy ikaw pala. Kumusta din." Sagot ko naman. "Sa tingin ko nahihirapan ng team nyo na kalabanin amg Shoyo. Di ko masisisi dahil magagaling nga naman sila. Isa pang banta sa inyo si Fujima. Hanggat di pa sya naglalaro, parang may sniper na handang barilin kayo anytime." Ang paliwanag nya. "Oo tama ka... ang maputlang 3-in-1 na yun.... Nakakainis sya." Nawika ko lang naman at nagtaka naman si Akira. "May LQ ba kayo ni Rukawa?" Tanong nya. "Sus, wala yun. Pasasaan ba at maaayos din to.. sige na. Mauna na ako sa inyo. Kailangan ko nang bumalik" ang sagot ko. Ngumiti sya at saka ako naglakad palayo.

Tama, si Fujima.. Isa nga syang banta sa Shohoku. Sya ay isang Ace Player na Point Guard tulad ni Akira. Kinakabahan ako... pero kailangan kong magtiwala sa team.

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon