Simula nga ng hapon na yun, naging magkaibigan na lang kami ni Akira. Para akong nabunutan ng tinik sa pagpapaubaya ni Akira pero alam ko sa sarili ko na di pa rin ako dapat makampante. Hindi pa tapos ang laban. Marami pa akong haharapin para maipaglaban ko si Kaede. At alam ko na talikuran man ako ng mundo hindi ako iiwan ng maputlang soro na yun.
Naglalakad lang ako papuntang train station. Nang biglang may gumulong na bola sa paanan ko. "Miss, pwedeng pakipasa ng ng bola?" Sabi ng lalaking maputi.. mas maputla pa yata sya ka Kaede. Lumapit ako sa kanya at inabot ko ang bola. "Oh, ehto na ang bola." Sabi ko. "Salamat, ang uniform mo... Nag-aaral ka sa Shohoku" tanong nya pero ngumiti lang ako at tumalikod na ako sa kanya. Pero may nabangga akong... Ang tangkad na lalaki... tikbalang ba to? Mas matangkad pa yata sya kay Tetsuo. "Aray!" Angal ko. "Nako Neneng, sorry. Di ko sinasadaya" sabi naman nya. "Ano ikamo? Neneng...." tanong ko. "Sino ang tinatawag mong neneng?" Dagdag ko pa. "Ikaw..." tipid na sagot mg lalaki sa akin. Matangkad sya at makapal pa kay Kogure ang eye glasses nya.
Sa inis ko tinapakan ko ang paa nya. Malas nya may heels ang outdoor shoes ko. "ARAY!!!" Sigaw nya. "Hanagata, ayos ka lang ba?" Tanong ng lalaking maputla sa likod ko. Lumapit sya sa lalaking tinawag nyang Hanagata. "Grabe kang makapag-judge ha. Sobra ka sa word na Neneng." Reklamo ko. "Sorry naman... di ka mabiro" sagot nung Hanagata. "Wag mo kasi akong tatawaging Neneng, may pangalan ako eh." Sagot ko. "Ako si Kariya Okade. Nag-aarala ko sa Shohoku." Pakilala ko. "Ako si Kenji Fujima" pakilala sa akin ng maputlang lalaki. "Ako si Toru Hanagata" sabi naman ng lalaking nakasalamin ngumiti ako at sinabing "Nice meeting you. Mauna na ako sa inyo" sabi ko at umalis na ako.
Silang dalawa... pamilyar sila sa akin. Ano nga ulet ang pangalan nila? Toru Hanagata... Kenji Fujima... "Uy Bonsai... ang lalim naman ng iniisip mo?" Pambubulabog sa akin ni Ayako. "Bonsai, wag mong pakaisipin di ka mahal ng Soro na yun." Sabi naman ni Sakiragi at nasapak namin sya ni Ayako ng pamaypay at notebook. "Pinagtulungan nyo na naman ako" reklamo nya. "Kahapon kasi, habang naglalakad ako papuntang train station may nakilala akong dalawang lalaki" "Very Good Bonsai, ipagpalit mo na si Rukawa nyahahahahahh!!!!" Sabi ni Sakuragi kaya sinapak na naman namin sya ni Ayako. "Na naman?" Reklamo ulet nya. "Wag ka kasing maingay..." sagot ni Ayako. "Kasi Ayako... parang pamilyar sila. Ang pangalan... Kenji Fujima at Toru Hanagata... " paliwanag ko..
"Ha? Si Fujima at Hanagata? Nagbibiro ka ba?" Biglang biglang sabi ni Ayako. "Oo... parang nakita ko na sila di ko lang matandaan." Sagit ko.. "Si Kenji Fujima, sya ang playing coach ng Shoyo at ang manager din nila. Si Toru Hanagata, sya naman ang Team Captain." Paliwanag ni Ayako.. kaya pala... napanood ko na ang laro nila. Pero si Fujima, hindi ko pa sya nalitang maglaro.
"Base sa obserbasyon ko sa mga naging laban nila... height ang panlaban nila. Magagaling silang mga atleta at malalakas din sila. Pero tiwala ako na kaya nyo sila" wika ko at sumang-ayon naman si Ayako. "Bilang mga managers nila wala tayong magagawa kundi ang magpaalala at magtiwala sa kanila. Pero nag-aalala ako dahil malakas ang team ng Shoyo. Nakasama sila sa finals last year. Kung mananalo sila, kailangan nilang maglaro bilang isang team." Dagdag pa nya. "Tama ka, sa usaping yan, ipagdasal na lang natin na mangyari yan." Sagot ko at napabuntong hininga na lang kami.
Maghapon walang klase ngayon dahil sa preparation para sa foundation day ng shohoku. Kaya maghapon din ang practice nila. Pumunta ako sa Cafè para ibili si Kaede ng maiinom. Nang madaanan ko si Fujii na parang di mapakali. "Fujii, anong problema?" Tanong ko. "Ano kasi.... Kariya, alam mo naman siguro na ako ang President ng music club diba? Yung isa naming singer... may sipon at paos.. malaking problema to." Sabi nya. "Pano naging malaking problema?" Tanong ko sa kanya.
Bumuntong-hininga lang sya at nagsalita. "Kariya, makinig ka ha... kami ang nakatoka sa radio room today. Maliban sa kaganapan maghapon na irereport namin, syempre may magre-request din ng mga songs. Sabi ng mga music teachers, kesa sa may play kami ng requested songs nila gamit ang youtube, much better na ipakanta ito sa mga singers namin para ma-enhance ang talents nila. Meron lang kaming 3 singers tapos yung isa may sipon at paos pa. Baka hindi kayanin ng dalawa pa" paliwanag nya. "Problema nga yan. Hintayin mo ako ha... dadalhin ko lang to kay Kaede." Sabi ko at magtatakbo na ako sa hallway. Pagdating ko sa gym. "Ayako, pakibigay to mamaya kay Kaede ha. May aasikasuhin lang ako. Mahalaga lang." Pagkatanggap nya nagtatakbo na ulet ako pabalik sa Fujii.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...